*Dati 3

30 1 0
                                    

.

.

Kinabukasan, Pagkagising ni Sam nakita agad niya ang kwintas na binigay sa kanyang bagong kaibigan na si Tessy. Isinabit niya kasi ito sa isang Santo na lagi niyang tinitignan. Tumayo siya agad na sumilip sa bintana at pinagmasdan ang kanilang katabing bahay kung saan nakatira ang batang babae. Alas-6 palang na umaga kaya masyado pang-maaga para makipag-kapitbahay kaya ginising nalang niya ang kanyang ina at para tulungan maghanda ng umagahan.

.

.

Habang abala si Sam sa pagtulung sa kanyang ina, Si Tessy naman ay nasa kanyang higaan pa. Alas-6 din ng umaga nagising si Tessy at gusto niya sanang sumilip sa bintana para tignan kung gising na ba si Sam kaso napaisip siya na wag nang ituloy dahil sa maaga pa. Nakatitig lang siya sa Kisame ng kanilang bahay at agad na nakabalik sa pagtulog.

.

.

Alas-9 na ng umaga at natapos ng mag-almusal ang pamilyang Concepcion. Kaya ang batang lalaki naman ay agad na lumabas at naglaro sa bakuran sa tapat ng kanilang bahay. Habang nag-lalaro si Sam sa bakuran nakita niyang lumabas si Tessy na mukhang bagong gising. Agad niya itong Tinawag at inangyaya maglaro.

" Tessy, Laro tayo " Anyaya ni Sam sa batang babae sa kabilng bakuran. Tumango lang ito at agad na pumunta sa Bakuran ng pamilyang Concepcion.

Habang naglalaro sila biglang lumabas ang ina ni Tessy na may dalang pamalo at pinalo si Tessy.

" Kaw talagang bata ka! Kay aga aga panay laro ang nasa isip mo! Wala napaka-pasaway mong bata! " Sigaw ni Ysabelle habang pinapalo si Tessy. Iyak lang ng iyak si Tessy habang pinapalo ito. Bakas sa mukha ni Tessy ang hirap at sakit ng bawat palo ng kanyang ina.

Napatahimik nalang si Sam sa isang malapit na puno habang pinagmamasdan ang ginagawa ng ina ni Tessy ang kanyang anak. Gusto niya sana itong pigilan kaso natatakot din itong makialam dahil sa takot. Napatulala nalang siya at habang pinagmamasdan niya ang kanyang kaibigan na umiiyak. Parang nadudurog ang puso ni Sam habang nakikita niyang pumapatak ang mga butil ng luha ni Tessy. Hinatak ni Ysabelle ang kanyang anak sa loob ng bahay. Habang hinahatak ang batang babae, Lumilingon naman si Tessy kay Sam na nagpapaawa at talagang hirap na hirap. Napaluha nalang si Sam dahil sa nakikita niya at pumasok nalang siya sa kanilang bahay na puno ng kalungkutan.

Nakita ni Lita ang kanyang anak na lalaki na malungkot at nilapitan nalang niya ito at tinanong.

" Oh Anak? Bakit ka malungkot? Hindi ako sanay na nakasimangot ka? " Tanong ni Lita sa kanyang anak.

" Mama, Bakit ang init ng dugo ng mama ni Tessy? Bakit niya pinalo si Tessy? Umiiyak kasi siya eh. Nalulungkot ako dahil inaaway niya kaibigan ko" Si Sam na nkayukom pa rin. Napalinghap nalang si Lita at agad ikinwento ang dahilan.

... Flashback ...

.

.

Habang nasa paanakan si Ysabelle, Nilapitan si Jomar ng Doctor.

" Kayo po ba ang asawa ng pasyente sa Room305? " Tanong ng doctor

" Oho, Ako nga Ba-bakit po? " Utal na sagot ni Jomar. Kasma nito ang kaba sa dibdib at takot.

" Masydong malaki ang bata, Kailangang i-Caeasarian ang pasyente. Kailangan ng malaking halaga para mairaos ang pasyente. Maghanda kayo ng P85,000.00" Sabi ng Doctor

" Hooo? Mahirap lang kami wala kaming ganoong kalaking pera. " Gulat ni Jomar. Walang wala pa silang kaya nun dahil umaasa lang sila sa pagsi-side line sa construction at Pagtatahi ng basahan ang kanyang Asawa.

" Wala po bang ibang paraan? " Kabang tanong ni Jomar

" Meron, Pipili ka kung sino ang mabubuhay. Ang Bata o ang Pasyente.? " Ang doctor. Kaya parang babagsak sa kinatatayuan si Jomar sa gulat at takot.

Pumayag na i-Caesarian ang pasyente at agad na tumakbo si Jomar sa lahat ng pwedeng mauutangan. Nakahingi siya ng tulong at nakautang sa iba't ibang tao. Nakalikom siya ng P25,000.00 napakababa para sa bill ng ospital. Wala na siyang malalapitan at nakaisip siyang ng masama si Jomar, ang magholdap at magbenta ng mga illegal na gamot. Habang nagbebenta Si Jomar may lumapit sa kanyang kleyente na bumibilo din ng illegal na gamot. Sa di inaasahang pagkakataon isa palang pulis ang kleyente at nagkagulo ang lugar at nagtakbuhan lahat ng pusher at Nagkaroon ng barilan at sa dami ng mababaril si Jomar pa. Nahabol siya sa ospital na kung saan pa may pagkakautang ang Pamilyang Dela Cruz. Nasa ospital pa din sila Ysabelle dahil di pa sila pinapaalis dahil sa bills na di pa nila nababayaran. Nalaman nalamg ni Ysabelle na nasa OR ( Operating Room) Ang kanyang asaawa na si Jomar. Laking gulat ang naramdaman ni Ysabelle. Nalaman din ng pamilyang Concepcion ang nangyari sa kanilang kaibigan. Nalungkot sila dahil di nakayanan ang operasyon. Namatay si Jomar sa edad na 38 gulang. Parang namatay na din si Ysabelle dahil sa kalungkutang nangyari sa pamilya niya. Tinulungan sila ng gobyerno at nabayaran lahat ng utang sa ospital. Nailibing na rin si Jomar. Napakalungkot ng bahay nila Ysabelle. Napagbuntungan niya ang kanyang anak sa kamalasan na nangyare sa kanila.

.

.

... End of flashback ...

.

Naliwanagan si Sam sa ikinwento ng kanyang ina. Mas lalong nalungkot si Sam. Dahil nawalan ng tatay si Tessy. Sumapit ang tanghali at di parin niya man lang nasisilayan si Tessy sa kanilang bakuran.

Dumating ang hapon ng nakita niyang lumabas na si Tessy at umupo sa isang upuang gawa sa kahoy na gawa pa ng kanyang ama ng ito pa ay nabubuhay pa. Nang makita ni Sam si Tessy na lumabas, Lumabs narin ito at lumapit kay Tessy.

" Kamusta kna? " Tanong ni Sam sabay lingon naman si Tessy na may ngiti sa labi at sabay lingon sa malayo. Nakita ni Sam na may lungkot pa ito kaya kinapa niya sa bulsa ang isa niyang kendi at binigay ito sa batang babae. Tinanggap niya ito sabay pasalamat sa batang lalaki. Nagkwentuhan sila tungkol sa kanilang mga pangarap paglaki.

" Pangarap kung maging Mang-aawit sa pagtanda ko. Gusto ko rin makapunta sa ibang bansa dahil mataas ang sahod doon para matulungan ko si mama " Si Tessy sabay ngiti kay Sam na ikinapula ng pisngi ni Sam. " Eh Ikaw Sam? Anong pangarap mong pagtanda mo? " Dugtong ni Tessy

" Ako? Gusto ko din maging mang-aawit pero sabi ng ama gusto niya daw akong maging doktor. Di ko nga alam eh. Kasi mahirap lang kami kaya impossibleng mangyari iyon. Pero sisikapin kung pagbigyan ang pangarap sa akin ng Itay at Ipagpapatuloy ko ding maging magaling na mang-aawit sa tamang panahon " Si Sam na medyo natutuwa dahil sa kasiyahang nadarama. Nagpatuloy lang silang nagkwentuhan at nang sumapit na ang dapit hapon nagpasya na si Sam na papasukin na sa bahay nila si Tessy dahil baka mapagalitan pa ito ng kanyang Ina. Umuwi narin si Sam ng makapasok na si Tessy sa kanilang bahay.

.

.

.

... Continue

DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon