.
Taong Hunyo 1991
Kabuwanan ng dalawang inang sina Lita at Ysabelle. Habang nagkwekwentuhan ang dalawang ina biglang dumating ang dalawang ama.
" Oh, Andito na pala ang dalawang pogi " Biro ni Ysabelle sabay ngiti ang dalwang ama
" Oo nga mare, San kayo galing? " Tanong ni Lita sa dalawa. Sabay halakhak ng tawa ang dalawang ama, Habang ang dalawa namang ina ay nagtataka sa kahibangan ng dalwa.
Flashback.......
Nagkaroon ng kasunduan ang dalawang ama na sina Gardo at Jomar. Ginawa nila ang plano habang tulog pa ang kanilang mga asawa.
Naghihintay si Jomar kay Gardo sa bayan dahil bibili sila ng mga gamit para sa kanilang unang anak. Namili sila ng mga inportanteng gamit tulad ng mga lampin, mga damit at mga gatas. Nakumpleto na ang kanilang mga binili para sa kanilang surpresa sa kanilang pamilya. Naglakad na sila pauwi at naabutan nila ang kanikanilang asawa na naguusap at nagtatawanan.
End of flashback...
" Hoy, San nga kayo galing? Ano yang mga dala niyong plastic sa likuran niyo? " Tanong ni Ysabelle
" Hehe, Galing kami ni Gardo sa bayan para bumili ng mga gamit ng mga magiging anak natin " Sagot ni Jomar
" Oo nga, Kasi alam naming kabuwanan na ninyong dalawa kaya inunahan namin kayo ni pareng Jomar " Sabi ni Gardo Sabay akbay kay pareng jomar.
Nagtawanan lang silang apat habang pinagtitignan ang kani-kanilang pinamili ng mga kanilang asawa. Sumapit ang gabi at biglang sumama na ang pakiramdam ni Lita. Mukhang manganganak na yata ito at biglang may kumatok sa kanilang bahay. Si Jomar humihingi ng tulong dahil manganganak na din ang kanyang asawa na si Ysabelle. Tumawag agad sila ng ambulansya at nasugod ang dalawang manganganak na ina.
Nanganak naman ang dalawang ina, Si Lita ay normal delivery at si Ysabelle ay Caesarian sa araw na Hunyo 25 1991. Napakasya ng dalwang pamilya dahil parehas ng araw ang kapanganakan ang kanikanilang anak pero mas naunang lumuwal si Sam Concepcion at nahuli ng 1 oras si Tessy Dela Cruz.
.
.
After 7 years ...
.
Nagakaroon na ng isip ang dalawang bata na sina Sam at Tessy. Hindi pa sila ganoong ka-close dahil di pa nila kilala ang isat isa. Nasa bakuran ng kanilang bahay si Tessy at naglalaro ng mga bulaklak at ginagwang porselas at kwintas. Habang naglalakad si Sam nakita niya ang isang napakagandang batang babae sa isang magandang bakuran na puno ng bulaklak.
" Wow, Ang ganda naman ng batang iyon. Sino kaya yun " bulong lang niya sa sarili. Habang pinagmamasadan niyang patakbo takbo ang bata sa loob ng bukaran namamangha siya dito dahil sa liksi at gandang mukha nito. Nagulat nalang si Sam ng madapa ang bata at agad naman pinuntahan ni Sam ang batang babae. Umiiyak ang babae habang tinitignan ang kanyang tuhod na may sugat at dugo.
" Tahan na bata, Pupunasan ko nalang ng panyo ang sugat mo. " Sabay kuha ng panyulito sa bulsa si Sam at dahan dahang pinunasan ni Sam ang sugat habang pilit na pinipigilang hindi umiyak ang batang babae.
" Oh, Ayan na, Ok na ang sugat mo wag ka nang umiyak ah? Nawawala kasi kagandahan mo eh "
" Huhu (Sob) Huhu (Sob) Salamat ah. Kaso di ako makatayo eh. " Batang babae
Agad naman naisipang kargahin ni Sam ang batang babae kahit di niya kaya. Pinilit lang niyang ihatid ito sa loob ng bahay. At pinaupo sa isang sofa. Narinig nalang ni Sam ang boses ng kanyang ama na tinatawag siya. Kaya agad siyang napatayo at dapat sanang uuwi pero hinawakan ng batang babae ang kanyang kamay.
" Bata, Sayo nalang itong kwintas na ginawa ko kanina lang. Ano pala pangalan mo? " Tanong ng batang babae. Kinuha naman nk Sam ang ibinigay ng babae
" Ako nga pala si Sam, Sam Concepcion. Ikaw? " Si Sam na nakayuko dahil medyo nahihiya ito sa magandang babae.
" Ako si Tessy, Tessy Dela Cruz. :) " Ngiti ni Tessy na medyo pamumula ang pisngi nito. Kinapkap ni Sam ang kanyang bulsa at nakakuha ng isang kending tig-pipiso. Inabot niya ito kay Tessy at sabaiy alis.
Umalis si Sam na may ngiti sa labi at dalang kwintas na gawa sa bulaklak na gawa ng isang magandang babae, naiwan naman si Tessy na hawak ang isang kendi na binigay ng isang maamong batang lalaki.
.
.
.
Continue...
BINABASA MO ANG
Dati
Novela JuvenilI wrote this story kasi natutuwa ako sa kantang Dati nila Sam Concepcion <3 Haha. Read it and You will like it :')