"Hope, ano ba? Ang tagal tagal mo namang lumabas! Late na tayo sa audition mo sa ABS!" Ang sumisigaw na sabi ni Tita Joni sabay ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto niya.
"Wait lang po, Tita! I'm almost done!" Hay naku, talaga itong si Tita Joni, sobrang demanding. Kung alam lang niya na kaya hindi pa siya nagbibihis o naliligo man lang eh dahil nanood pa siya ng TV.
Good Vibes is airing. At siyempre, wala halos kurap niyang tinititigan ang super duper crush niya.
Si Enrique Gil!
Hay, ang galing talaga niya sumayaw. Tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at sinubukang gayahin ang dance moves nito sa TV.
Nag-wave arm combo ito at pilit ginaya ni Liza. "Arrggh. Ang hirap naman." Feeling niya nadislocate ang kanyang kanang balikat sa effort. "How to be you po, idol?" Nakangiwing sabi ng dalaga.
Wait -- Oh, no. Here comes her most dreaded part of all ... ang romantic scene ni Troy (Enrique) with Geleen (Linn). At mukhang kinikilig talaga for real si Linn.
Well, who could blame her? Seriously.
Medyo napa-sad face ang magandang mukha ni Liza. Sana, siya na lang kaeksena ni Enrique. Sana, kahit isang scene lang, mamasdan man lang niya nang malapitan ang mukha ng hinahangaang aktor. Sana, siya ang babaeng kapartner ng binata at kasalukuyang nginingitian nito ng matamis.
"Hope Elizabeth!!! Anooo ba???" Malakas na sigaw ni Tita Joni.
"Opo, Tita. I'll be downstairs in just a sec." Oops, tinatawag na nga pala siya ni Tita Joni.
Priorities, priorities, priorities, Hope.
Disaster ang status ng pamilya nila financially. Kasalukuyang walang trabaho ang daddy niya habang siya naman at ang nakababatang kapatid na si Justin ay nag-aaral pa. Separated ang mommy at daddy niya. Her mom lives in the States at thru Skype lang sila nag-uusap. Hindi rin naman siya kayang suportahan nito dahil may second family na ito.
At 13, she's too young to start a job. Si Tita Joni niya ang ang nagpu-push sa kanya na gawing puhunan ang kanyang hitsura para may pandagdag gastos.
BINABASA MO ANG
Reel o Real?
FanfictionPaano nagsimula ang Lizquen? Paano rin ang ending? May forever nga ba sa kanilang tambalan?