"It's so good to see you again, iha." Sabay beso ni Tita Ana sa pisngi ni Liza.
Si Tita Ana ang kasalukuyang handler niya. Ang kanyang bodyguard slash planner slash tagapag-alaga. After Tita Joni's perseverance, awa ng Diyos ay may nakapansin sa potential niya.
Una siyang dinala nito sa Kapuso Network pero ewan ba niya, pagpasok pa lang niya sa building eh nagkaroon siya ng cold feet. Parang something just don't feel right kaya niyaya niya si Tita Joni na umuwi na lang. Nakiusap siya rito na kung pwede ay sa Kapamilya Network na lang dahil mas marami siyang kakilalang artista sa ABS-CBN. Buti naman at napapayag niya ito.
Eventually ay nameet nila ang kanyang kasalukuyang manager na si Tito Ogie. Tatlong beses siyang kinilatis nito. Noong una ay tinanggihan siya dahil sobrang shy at introvert daw siya. Hay, kung madali lang sanang imake-over ang ugali.
Disappointed silang umuwi ni Tita Joni. Pero kung 90 percent ng pagkatao niya ay mahiyain, ang 10 percent naman ay ang kanyang perseverance. Try ulit!
Sinama siya ulit ni Tita Joni sa ikalawang pagkakataon pero unfortunately eh napili niyang magsuot ng sleeveless blouse at napansin ni Tito Ogie ang kanyang medyo healthy na braso. Ending? Rejected for the second time. Argh.
Sa tulong ng araw-araw na exercise at halos oras-oras na internalization (kasama pa ang constant reminder slash sermon ni Tito Joni) ay sinubukan niya ulit makipag look-see kay Tito Ogie sa ikatlong pagkakataon.
Finally, she made it!
Sa tulong at connections ni Tito Ogie ay nagkaroon siya ng role sa Wansapanataym "Mac Ulit-Ulit" episode na na-air sa Channel 2 last October, 2011.
Inassign ni Tito Ogie si Tita Ana bilang handler niya.
"Hi, Tita. I'm glad to be here po. This is for a very good cause and I'm honored to be a part of it." Masayang pahayag ni Liza.
"Very good, Hope. Wait lang at sasabihin ko sa event coordinator na nandito ka na. Try to mingle, iha. We need exposure!" Habilin nito habang papalayo sa kanya.
Napakaraming tao sa loob ng Star City. Dito gaganapin ang Soup Kitchen na inorganize para sa 65 na bata from Child Haus, isang charity organization for children with cancer. At isa siya sa napiling artista na umattend. She's so excited to help. Ang promise niya sa sarili, kapag naging successful siya someday, mag-oorganize rin siya ng charity event like this.
BINABASA MO ANG
Reel o Real?
FanfictionPaano nagsimula ang Lizquen? Paano rin ang ending? May forever nga ba sa kanilang tambalan?