"Uy, kasama ba ako sa mga loots na iyan?" Sabi ng boses sa gawing kanan ni Enrique.
"Tita Ana!" Ani Yen Santos na kasalukuyan siyang tinutulungan sa paglalagay ng laruan sa loot bags.
"Ate Ana! Hello po." Hinalikan ni Enrique sa pisngi ang dumating na handler. "Para sa pinakamagandang handler sa buong mundo, kahit tatlong loot bags pa."
"Bolero ka talaga kahit kailan, Quen. At hindi sinungaling. Mukhang kalahati ng TF mo ang pinambili mo diyan ah."
"Magpapasko naman eh," nakangiting tugon ng binata.
"Siya nga pala, nakita niyo ba yung bago kong alaga? Kanina ko pa hinahanap eh." Kunot noong pahayag ni Ate Ana.
"Sino po, Tita?" Tanong ni Yen.
"Ate Ana, kung cute yan, ipakilala mo sa akin, ah." Kumikindat na singit naman ni Enrique.
"Si Hope. Sabi ko makihalubilo sa mga stars pero she's nowhere in sight. At tumigil ka Quenito, she's way too young for you." Mataray na pahayag ni Ate Ana with matching palo sa braso niya.
"Don't worry, Tita. Kapag nakita namin siya, sasabihin naming hinahanap mo siya." Sagot ni Yen.
"Thanks, iha. See you later, kids."
"Tapusin na nga natin itong mga gifts mo, Santa Quen, para maipamigay na natin," biro ni Yen. "Malay mo makita natin yung lost 'alaga' ni Tita Ana along the way."
"H-O-P-E so," nakangising banat ni Enrique.
**********
Malayo pa lang si Liza ay natanaw na niya sina Enrique at Yen na magkasamang nagpapamigay ng loot bags sa mga bata. May magic show na pinapanood ang mga kids sa isang mini stage na dulo ng room.
Better stay here than there.
Nilapitan ni Liza ang crew na nagpapamigay ng pagkain.
"Tulungan ko na po kayo," nakangiti niyang sabi sa babaeng sinungitan siya kanina.
Medyo nagulat ang babae sa pahayag niya at tinitigan siyang maiigi. "Ay, salamat." Sabi nito pagkatapos makarecover. "May mga guests sa labas na hindi pa kumakain, pahatid naman ng food please?"
"O sige po, Ate." Pinuno ni Liza ng value meals ang tray at dahan-dahang naglakad palabas ng room.
**********
"Grab lang ako ng makakain dun sa table, Yen. Ginutom ako kakapamigay ng gifts. Do you want some?"
Sinenyasan siya nitong hindi raw kaya nagpunta na si Quen kung saan nagpapamigay ng pagkain ang mga miyembro ng organisasyon.
Muntik niyang makabangga ang isang babaeng may dalang sampu yatang stacks ng pagkain sa isang tray. Halos tuktok lang ng buhok ang nakikita nya dahil sa taas ng styrofoams na dala nito.
Aalalayan sana niya kaya lang naunahan siya ng guard na malapit sa pinto.
Pinagmasdan niya ang papalayong babae. Parang may kung anong "something" ang naramdaman niya at that moment. Parang the universe has alligned or a destiny realized. Ah, basta something.
Krug....krug...krug. Maingay na reklamo ng kanyang tiyan. Hay, naku, Quenito. Malamang gutom lang yan.
**********
Sobrang nage-enjoy si Liza sa pamimigay ng pagkain sa mga tao sa labas. Nakalimutan ang pagiging mahiyain at masiglang nagsilbi sa mga bata't matanda.
"Hope!" Malakas na tawag sa kanya ni Tita Ana. Kinakawayan siya nito malapit sa pinto kaya dali-daling siyang lumapit.
"Kanina pa kita hinahanap. Come inside, iha. I told you to mingle with celebrities, not with the crowd. Nagpapamigay na sila ng giveaway food at may cameraman na to take a footage. You need to be seen with them."
"Sorry po, Tita," paumanhin ni Liza at pumasok na siya sa loob kasama ang handler.
True enough, nasa lamesa na sina Coco, Jessy, Paolo, Yen at Enrique na busy sa pamimigay ng pagkain.
"Come stand beside Yen, iha. Siya ang medyo ka-age group mo at si Quen." Bulong ni Tita Ana. "Wait, pakikilala muna kita."
Nanlaki ang mga mata ni Liza. Gusto niyang sumigaw ng "My body's not ready!" Buti na lang bago pa siya itulak nito palapit kila Enrique ay may biglang nag-approach rito at hinila ang handler niya palayo.
Whew. Thank God.
Naiwan si Liza na feeling awkward malapit sa kaliwa ni Yen na nakapagitan sa kanila ni Enrique.
Kahit two feet away ay naamoy niya ng bango ng binata. Feeling niya konektado ang lahat ng senses niya sa existence nito. Habang nakatalikod ito ay sinamantala niya ang pagsulyap sulyap sa kanyang crush.
"May mga tao pa yata malapit sa stage ang hindi pa nakakakain nitong pandesal. Dalhan ko lang sila." Sabi ni Quen sabay lingon kay Yen.
Napansin niya ang dalagang katabi nito na kahit sure siyang hindi niya kakilala ay parang may sense of familiarity siyang hindi niya mawari.
"Um --" Pasimula niya, trying to place her somewhere, pero biglang umiwas ito ng tingin at pinagpatuloy ang pag-aabot ng pagkain sa mga lumalapit sa mesa.
"Oh, eto na ang box ng pandesal, dalhin mo na doon," paalala sa kanya ni Yen.
**********
Habang wala si Enrique ay kinausap ni Liza ang katabi.
"Ate Yen, big fan niyo po ako. Mas bet ko po kayo ni Sam sa GV. I'm Hope." May paghahangang sabi niya.
"Hi, Hope. Nahanap ka na pala ni Tita Ana. You're very pretty."
Nagblush si Liza. Hindi pa rin sanay sa compliments.
"Oh my God, Yen! Idol!" Tumitiling sabi ng dalawang fans habang papalapit sa kanila.
"Papicture naman kasama ka, idol." Excited na sabi ng isa habang iniaabot ang digicam sa kasama.
"Halika, Hope. Sumama ka." Yaya naman sa kanya ni Yen. Pumagitna ito sa kanya at sa fan.
"Okay, 1, 2 --," paghudyat ng kukuha ng picture.
"Wait. Sama ako diyan!" Malakas na sigaw ni Enrique.
**********
Oh, no! Parang slow-mo niya nakikita si Enrique habang papalapit sa kanila. Medyo malabo ang tingin niya sa malayo pero feeling niya sa kanya nakatingin si Enrique. Yeah, right, Hope.
Moment of truth. Kanino ito tatabi?
**********
Ah, there's THE girl. Bahagya lang nagtama ang kanilang mga mata dahil bigla itong umiwas ng tingin sa kanya. For the second freaking time.
"Oh my gawwd, Enrique Gil!" Ang hindi naman makapaniwalang sambit ng fan na magpapapicture. Hinila ng fan si Enrique sa tabi nito.
Smile!
**********
Matapos magpapicture ay nagpa-autograph ang dalawang fans kina Yen at Enrique. Sinamantala ni Liza ang pagkakataon at lumayo papunta sa magic show.
Tinabihan niya ang ilang mga bata na nakaupo sa sahig. Karamihan sa mga ito ay masayang pinaglalaruan ang toys na bigay ni Enrique. Napansin niyang nanonood din ang ilan sa mga artistang natira sa event.
Maya-maya pa ay nakiupo na rin sina Enrique at Yen malapit sa pwesto niya.
Destiny is playing tricks on her. Not to mention trying her patience. Kung bakit naman kasi kinulang siya ng isang baldeng confidence. If ever na maintroduce siya formally kay Enrique in the future, hindi niya sasabihing nagkita na sila through this event. Ipinangako niya sa sarili na kakalimutan niya ang araw na ito. Kakalimutang hindi man lang siya nito napansin. Kakalimutang she's way out of his league.
And she also made a promise to herself that she's gonna turn the tables on him. Some day. Soon.
BINABASA MO ANG
Reel o Real?
FanfictionPaano nagsimula ang Lizquen? Paano rin ang ending? May forever nga ba sa kanilang tambalan?