"Tita Joni, malayo pa ba?" Hindi mapakali si Liza. Nakasakay sila sa MRT papuntang main building ng ABS CBN.
Tinawagan kasi sila ni Tito Ogie kaninang umaga at sinabing ngayon ang look test niya para sa gagawin niyang movie. Look test muna kasi ang kailangan para mafinalize ang hitsura ng bawat character sa isang movie bago pa ito ishoot.
"Tatlong stations na lang, wag ka nang mainip." Ani Tita Joni sabay ayos sa nakalugay na buhok ni Liza.
"Kinakabahan kasi ako, Tita. Paano kung bigla silang mapangitan sa akin at magbago ang isip nila na i-cast ako?" Nag-aalala niyang tanong.
"Hay naku, Hope. Wag ka ngang praning diyan. Tumingin ka sa paligid mo. Kalahati ng tao dito sa MRT nakatitig sa iyo. Yung kalahati natutulog o nakikipagtext. Sus!" Pabulong pero mariin nitong tugon.
True enough, paglingon nga ni Liza sa paligid ay may mga matang nakatingin sa kanya. Bigla siyang napayuko.
"Tita Joni, baka masyadong revealing itong spaghetti strap na pinasuot mo sa akin. Pinagtitinginan tuloy ako."
Napailing na lang si Tita Joni. Umandar na naman ang insecurity ng maganda niyang alaga. Hindi naman niya ito masisisi. Pagkatapos ng Wansapanataym ay hindi na ito naofferan ng iba pang project.
Halos isang taon na rin ang nakakalipas. Mainam rin naman dahil isinabak ni Tito Ogie si Liza sa iba't-ibang acting workshops ng ABS CBN.
Isinali niya rin ito sa mga teen fashion shows para maexpose sa iba't-ibang uri ng personalities. At para na rin madagdagan ang self confidence nito.
Time well spent naman, ika nga.
Dumating ang good news last week nang ibinalita sa kanila ni Tito Ogie na nakumbinsi raw nito ang isang prominenteng producer na sumugal sa kanyang bagong discovery. Gaganap bilang "Angel" si Liza sa isang movie starring Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
"O, malapit na pala tayo. Ready ka na ba?" Tanong niya sa alaga.
"I'm ready."
Ready na nga ba siya? Actually, despite of all her insecurities and reservations, she has a good feeling about today. Pagkagising pa lang niya kanina ay parang may navi-vibe siyang momentous ang magiging araw niya ngayon. Parang may magandang mangyayari na magpapabago ng buhay niya. Forever.
**********
"Jao, halika nga dito." Pabirong sabi ni Kathryn kay Enrique habang kinakawayan siya.
Lumapit siya sa co-star at naupo sa silyang katabi nito. Nasa conference room sila sa main building ng ABS CBN. Press Conference ng kanilang hit teleserye na "Princess and I" at hinihintay pa nila ang mga press na dumating.
"Bakit kasi sa kabilang side ka umupo?" Nagtatakang tanong ni Kathryn.
"Oo nga. Sa teleserye lang naman tayo magkaribal, Quen," singit naman ni Daniel na nasa kabilang side ni Kathryn.
Napahalakhak si Enrique. "Wow. Hindi ba pwedeng lumayo lang para hindi niyo maamoy ang mabaho kong utot?"
Sabay na napatawa ng malakas sina Daniel at Kathryn.
"Ah, kaya naman pala. Talaga itong si Prinsipe Jao, royalty nga ang baho naman ng utot." Kantiyaw ni Kathryn.
"Guys, pagkatapos nitong Press Con, gimmick tayo." Yaya ni Daniel.
"Hoy DJ, kailangan pa nating magpakita dun sa look test mamaya para sa magiging movie natin." Paalala ni Kathryn sa ka-loveteam.
"Eh di after," nakangusong banat ni Daniel sabay hawak sa baba ni Kathryn.
"Okay." Kinikilig namang pahayag ni Kathryn.
"Game ka ba, Quen?" Baling sa kanya ni Daniel.
"Game!" Masayang sagot niya.
**********
Tapos na ang look test. Nakakapagod and at the same time nakakaexcite ang magproject sa harap ng maraming camera. Both photo and video kasi ang kailangang output para sa look test.
Nakatatlong beses nagpalit ng damit si Liza. Yellow crinkled dress with matching floral belt ang unang damit na pinasuot sa kanya. Sinundan ito ng skimpy shorts with embroidered blouse at isang black floral patterned dress. Pati ang mga accessories niya ay on point para sa kanyang character.
Ingliserang sosyal ang labas niya sa "Must Be Love" kung saan siya ang third wheel sa tambalang Kathniel. Hindi pa niya name-meet ang dalawang bida ng pelikula dahil hindi sabay ang kanilang look test.
"Good job, iha. I heard tapos na ang look test mo and they can't stop raving about how beautiful you are." Masayang bati ni Tita Ana habang papalapit sa kanya.
"Hi po, Tita Ana." Bineso niya ito sa pisngi. "Opo, katatapos lang po ng look test."
"Bakit wala yata si Tita Joni mo?"
"Nagmerienda lang po sa canteen. Nagutom po yata habang pinapanood ako kanina. Kalalabas ko lang po galing sa studio."
"Kaya pala nag-iisa ka lang dito sa lobby. Halika, let me tour you around hangga't wala pa si Tita Joni," sabay kawit nito sa braso niya at inakay siya papalayo. "Malay mo makita natin yung crush mo sa tabi-tabi."
Napatigil sa paglalakad si Liza. "Ha? Ano po? Sinong crush? " Medyo natataranta niyang tanong.
"Naikwento kasi sa akin ni Tita Joni mo na may isang actor ka daw na laging mong pinapanood."
Pinawisan ng malamig si Liza. Is she that obvious sa Tita Joni niya? Akala pa naman niya ay well kept secret ang admiration niya kay Enrique pero heto at pinagtsitsismisan na pala siya nina Tita Joni at Tita Ana.
"Eh sino naman po ang sinasabi niyang crush ko, Tita Ana?"
"Secret!" Nakangising banat nito.
**********
"Pucha! Parang kabayo lang no?!" Sabi ni Quen habang sinasayaw ang hit song na Gangnam Style. He decided to stay in the dressing room while waiting for Daniel and Kathryn to finish their look test.
Nagtawanan ang dalawang beks na nasa loob ng silid at aliw na aliw na pinapanood siya.
"Hmmm, pwet pa lang ni Quen ulam na. Sarap i-touch mobile." bulong ng isang bakla sa kasama.
"Josko, ang tambok talaga, badet. Daku!" Nanggigigil na sagot naman ng isa. "Na-Tom Jones tuloy ako. Halika na nga, mamaya na natin ligpitin 'yang mga nakakalat na damit. Bogchi tayo sa baba."
Paglabas ng dalawa sa dressing room ay nakasalubong nila si Tita Ana.
"Uy, Megan, may tao ba sa loob ng dressing room?" Tanong ni Tita Ana.
"Yup, Manay. Ang chopopo kong jowawis." Malanding sagot nito sabay kendeng paalis.
"Ano daw po?" Nalilitong tanong ni Liza.
"Haha. Ang gwapong boyfriend daw niya ang nasa loob." Paliwanag ni Tita Ana sabay katok sa pinto ng dressing room.
"Come in." Sigaw ng tao sa loob.
**********
Pagpasok nila sa dressing room ay halos himatayin si Liza sa nakita. Nanlaki ang maganda niyang mata. Napabuka ang makipot na labi. At kumabog ng todo-todo ang kanyang dibdib.
Enrique Gil is dancing right in front of her! Sticking his butt in the air like nobody's business.
"Quenito!" Malakas na tawag ni Tita Ana. Medyo maingay kasi ang music sa loob ng dressing room. Buti na lang at kay Enrique rin nakatingin ang handler kundi malamang naweirduhan na ito sa reaksyon niya. Yumuko siya at pilit ikinalma ang sarili.
Hope, it's time to put your recently acquired acting skills to a test.
Napatigil naman sa pagsayaw si Enrique. Nilingon ang tumawag at nakita ang babaeng kasama ni Ate Ana.
Hah! He remembers her. Ang babaeng ilang beses gusto niyang kausapin sana noong Soup Kitchen event last year. Ang babaeng kung iwasan siya ay para siyang may nakakahawang sakit. Ang babaeng ni ayaw man lang siya tingnan.
And she wont even look at him for the third freaking time!!!
BINABASA MO ANG
Reel o Real?
FanfictionPaano nagsimula ang Lizquen? Paano rin ang ending? May forever nga ba sa kanilang tambalan?