1

3.4K 39 5
                                    


-2016-


"Hoy Ashley! Tinanghali ka na naman ng gising! Ano wala ka bang pasok ngayon?"

Narining kong talak ng nanay ko sa baba. Ganito naman palagi eh. Everyday, kahit weekends nagtatalak talaga si mama. Parang kulang ata ang araw niya kapag di niya ako natatalakan. Jusme.

Di ko sinagot si mama at bumangon na lang. Di na ako makatulog ulit eh. Sa lakas ba naman ng boses ng nanay ko parang pati buong brgy nagising pa at. =_='

Dumeretso na lang ako sa banyo na nasa kwarto ko lang din. Wala naman akong pasok ngayon dahil sabado. Sinabi ko na kay mama yun pero maaga parin akong ginigising. haays. Dapat natutulog pa ako ngayon eh, sakit pa kasi ng ulo ko. Langyang alak yan! At para mas dama ko, sasabihin ko na din ang pinakagasgas ng linya ng mga na hahangover... AYOKO NANG UMINOM!

Naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi...


Kasama ko ngayon si Vince, ang kaibigan ko since high school. Hinihintay ko kasi matapos ang klase ni Leia- ang girlfriend ko. Sabay kasi kaming pupunta sa bar nina Vince, nagkayayaan lang. Although di ako lasengga, umiinom lng ng konti. Tsaka bonding na rin namin ni Leia at para mas maging close sila ng mga baliw kong kaibigan.

"Hoy babae nasan na ba ang syota mo? Aba kanina pa tayo naghihintay dito ha. Nilalamok na ako girl, alam mo namang alagang alaga ko balat ko!" maarteng sabi ni Vince. Maarte talaga ang baklang yan. Sarap basagin ang pagmumukha eh. HAHAHA opo bakla ang isang 'to. Di lang halata dahil lalakeng lalake ang kilos pero kung kami lang magbabarkada ang magkasama, ladlad ang pakpak neto. HAHAHA

Di ko siya sinagot. Nakita ko namang lumabas ang kaibigan ni Leia na si Shelly kaya nilapitan ko ito.

"Hi Shelly, si Leia?" nakangiti kong tanong sa kanya. mabait naman kasi itong si Shelly mejo mataray nga lang.

"Oh hi Ash, nasa room pa si Bes eh. Nauna lang ako kasi may kukunin pa ako sa library. Puntahan mo na lang siya sa room. SIge Bye sa inyo!" at naglakad na ito palayo matapos niyang sabihin yon at kumaway pa.

Tinungo namin ni Vince ang room ng gf ko. hehe namimiss ko na ang baboy na yun eh. HAHAHA ooops di naman sya mataba, gusto ko lang siya asarin. Lakas kasi kumain eh di naman tumataba.

Malapit na kami sa room nila ng may narinig kami ni Vince na parang nag uusap. Mejo galit ang tono ng lalake pero familiar naman ang isa pang boses sa loob.

"Babe kelan mo ba hihiwalayan ang nakakadiring Ashley na yun? Naiinis na ako sa tuwing hawak niya ang kamay mo. At mas lalo akong naiinis sa tuwing naiisip na may ginagawa kayo na dapat eh tayo ang gumagawa!" Nagulat ako sa narinig. Maging si Vince ay tahimik.

Nanginginig ang kamay ko. Sa galit.

"Babe, Im sorry promise gagawan ko ng paraan. Alam mo namang dahil lang sa dare ng barakada yun di ba? Alam mo namang ikaw ang mahal ko di ba?" Narinig kong sabi ng napaka familiar na boses. Si Leia. Hayop!

Di na nakasagot ang lalake ng bigla kong binuksan ang pinto at nagsalita...

"Well you don't have to pretend that you love me now Leia. I never asked you to love me anyway. You should've told me earlier na nagpapanggap ka lang at dare lang yun para naman nakipag cooperate ako ng maayos di ba? Nakakahiya naman sayo.. Kaya ako na ang mag aadjust for you. We're over. Good bye Leia." 

Malamig na sabi ko sa kanya. Nagulat sila pareho ng lalake niya. Hawak parin ni Vince ang kamay ko, natatakot na baka mag break down ako sa harap nila. pinipilit ko lang naman wag mapiyok habang nagsasalita dahil ayokong ma satisfy sila. Na nagtagumpay sila sa plano nila laban kay Ashley Damian. Well nagtagumpay nga sila pero di na nila kelangan malaman yon.

Dear Diary, Crush ko si Pepay...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon