7

319 2 0
                                    


***

Dear Diary,

Badtrip! Nagka chickenpox ako! Malapit pa naman na ang periodical exams namin!

Tsaka di ko makikita si Pepay!

Siya pa naman ang reason kung bakit mas ganado akong pumasok ngayon.

Sabi ni mama sa kwarto lang daw ako, busy kasi siya sa tindahan niya. Si Audrey naman, pumasok na sa school. Siya na rin daw ang magpapass ng excuse letter ko.

-A


***

Dear Diary,

Magaling na ako! Kaya nga lang sunod sunod ang kinuha kong exams. last week pa kasi natapos ang exam eh. Buti pinayagan pa akong kumuha ng exam. Tambay lang nga ako buong araw dito sa teachers' office eh. hays. Di ko pa nakikita si Pepay. Buti pa si Louise namiss daw ako. Si Pepay kaya namiss din ako?

Uwian na, sakto naman natapos na din ako sa lahat ng exams. Grabe! natuyo utak ko! Ang hirap ng math pramis! Sakit sa ulo!

Napadaan ako sa tambayan namin sa may puno ng acacia, wala na sina Louise at ang kambal, siguro sinundo na sila. Si Pepay na lang ang nandun. Nakaupo at nagbabasa. Gusto ko siya lapitan kaso nahihiya ako. Halata pa kasi ang mga peklat na dala ng chickenpox eh. Pero safe naman daw na akong lumabas, di na ako makakahawa.

Parang ayoko din naman siya makitang nag iisa kaya lumapit ako sa kanya.

Tinanong ko siya kung pwede ba akong maupo at pumayag naman siya. Di talaga maarte si Pepay. hihi

Nag usap usap lang kami tungkol sa mga bagay na namiss ko sa school. Kinumusta niya rin yung exams ko. Syempre sabi ko okay lang, pwera na lang sa math na napakagulo! Natawa siya dun. Himala kasi ang daldal niya ngayon. Gusto ko itanong kung namiss niya ba ako kaso parang hindi maganda sa pandinig hahaha.

Ang ganda niya parin.

Nagagalit din kaya ang isang Jace? parang di kasi marunong magalit or mainis eh.

Hay Diary, mas lalo lang ata akong nagkakagusto kay Pepay...


-A

***

Dear Diary,

Second year na ako! 2 years na lang gagraduate na ako! excited na akong mag college! Sabi kasi ng pinsan kong si Ate Marie maganda daw sa college eh! Ikaw ang kokontrol sa oras mo. At mas mahaba daw ang breaktime di tulad ng sa high school. Pati sabado pinapapunta kami sa school para mag garden!

Kaso nga lang nakakalungkot.

Nalipat na kasi ako ng section eh. Dahil kasi nung nagka chickenpox ako, maraming activities ang namiss.

Third section ako.

Si Pepay 1st section parin. Talino niya kasi eh. Top 1 siya.

Nalungkot tuloy ako ng malaman kong mas malayo pala ang room namin kina Pepay. Sayang talaga.

Naiyak nga ako sa cr eh. Akala ng mga kaklase ko dahil yun sa nalipat ako ng section pero dahil yun sa mapapalayo na ako kay Pepay.

Hay.

-A

***


Dear Diary,

Dear Diary, Crush ko si Pepay...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon