14

191 2 0
                                    


***

"Ha?" 

Kelangan kong isiguro kung tama ba ang pagkakarinig ko, nagiging abnormal na kasi ang puso ko.

"Gusto kitang ligawan. If that's okay with you Ash." seryosong sabi ni Jace.


OMG.

TOTOO NGA!

Naloloka na ata ako. 

Parang baliktad kasi eh. Siya manliligaw??? Ang isang Jace na napaka hinhin? Napaka feminine? Wow. Wala akong masabi.


"Bakit?" yan lang ang nabuo kong salita sa bibig ko. huhu

"Dahil gusto ko?" patanong na sagot niya. =__=


"Ang ibig kong sabihin, bakit moko liligawan? Gagawin mo ba akong kabit ha Jace?" Naiisip ko pa lang na gagawin akong kabit ni Jace, nasasaktan na ako.

Pinakain ka pa niya sa bahay niya kasama ang asawa niya!

Onga! huhu


Narinig kong bumuntong hininga siya: "Ashley Damian, hindi ko asawa si Sean if that's what you mean. KAPATID KO SIYA."


KAPATID NIYA??? pusang gala! bakit di ko napansin yun???

Kasi nga po tatanga tanga ka.

Psh. 

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Jace. 

"Sorry kung di ko nasabi kanina ha. Kinakabahan kasi ako kanina pa eh. Tapos ngayon wala ka pang sagot sa tanong ko." nakita ko siyang nag pout. OMG! ang cute. parang bata. 

Pwede ko na ba siya iuwi sa bahay namin???

Wag ka munang magsaya jan Ashley. Di ka ba nagtataka kung bakit parang biglaan ata?

Onga no?

"Pwede ba akong magtanong din muna Jace?" alanganin kong tanong sa kanya. Baka kasi umaasa lang ako sa wala. huhu

Tumango siya kaya nagpatuloy na ako: "bakit parang ang bilis yata? Sigurado ka na ba?"

Yan tama! Kelangan mong maniguro! Mahirap na no!


Ngumiti siya at tiningnan na naman ako sa mga mata:

"Yes. I've never been so sure in my whole life. Gusto na kita simula nung high school pa lang tayo, di ko lang masabi sabi dahil nahihiya ako... Tapos sa kabilang bayan pa ako nag aral at super busy pa.

At nalaman ko pa na may mga naging girlfriends ka na. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita tayo ulit at pareho tayong malaya, I'll grab the chance. Ito na yun. Sana." yumuko siya.

Narinig ko parin yung last word na sinabi niya kahit pabulong lang iyon. Kami lang naman kasi dalawa ang nandito sa garden.

Shit. May gusto siya sakin simula nung high school pa lang kami???

Girl mutual pala feelings niyo.


Niyakap ko siya. Siguro dala na rin ng lamig ng hangin kung bakit nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.

"Gusto din kita Jace. Dati pa." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.


Nakita ko siyang napangiti.

Dear Diary, Crush ko si Pepay...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon