12

220 2 0
                                    


***

Nasa garden ako ngayon ng bahay namin.

Naiisip ko parin yung tagpo kanina.


MOMMY

HUHUHUHU </3

Di pa sana ako pauuwiin ni Jace at dun na lang daw mag dinner pero tumanggi na ako. Di kasi ako nakapagpaalam kay mama tsaka pano na lang kung umuwi asawa niya?

Di ko kayang makita silang super sweet. HUHUHU

You're overthinking Ashley.

Wow pati isip ko napapa english! Iba na talaga 'to.


Nakaupo lang ako dito. Malamig ang simoy ng hangin.


Napatingala na lang ako. Buti pa ang langit mukhang masaya. Andaming stars, at bilog pa ang buwan.

Naisip ko lang. Bakit kaya ang aga naman ata nag asawa ni Jace?

Di niya ako hinintay! HUHUHU


OA lang? Di niya nga alam na patay na patay ka sa kanya nung high school eh. TORPE mo kasi!


Haay. Onga naman.


May kumalabit sa balikat ko : "Anlalim naman niyan. Gusto mo pag usapan?" Si Audi. Nakapajama na siya at mukhang matutulog na. Naligaw pa ata dito sa garden =__=

O baka naman nagtataka lang siya kung bakit ka mukhang nalugi jan.


"May tanong ako Audi. AT AYUSIN MO ANG ISASAGOT MO HA!" Sabay turo ko sa kanya. Mejo baliw kasi ito minsan eh. Di matino kausap. Sabi ko naman dati diba ako na lang ang matino sa pamamahay na 'to.

Umayos naman siya ng upo.

"Math problem ba yan Ash? Bring it on!" kita mo na? Sumigla ata diwa niya, parang kumikinang pa nga mga mata niya. =___=


"Seryoso nga kasi Audrey!" Napapaisip tuloy ako kung sino ang panganay samin. Haay.


Umayos naman siya ng upo habang naka dekwatro. Ayan.Mukhang seryoso na nga siya.

"Mukhang tungkol sa lovelife yan Ash ah."

Tumango ako.


"Oh siya ano ba yung dapat na itatanong mo?"

Heto na... Huminga muna ako ng malalim.


"Pano kung bumalik yung first love mo pati yung feelings mo para sa kanya? Pero di na pwede maging kayo?"

Nakatingin lang si Audi sa langit. Nag iisip.

Ramdam ko parin ang lamig ng simoy ng hangin.

"Sa totoo lang Ash di ko alam eh. Bakit nga ba di na pwede maging kayo?"


Ayaw ko sana sabihin kay Audi pero kelangan ko ng kausap ngayon at payo.


"Kasi may asawa't anak na siya." nakayuko ako habang sinasabi ko yun. Masakit pala.

Parang napangiwi pa si Audi. Naisip niya rin siguro na masakit nga.

Dear Diary, Crush ko si Pepay...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon