Love at first sight (His POV)

896 18 1
                                    

Eto po yung POV ni myke, character sa something. 

~~

 Napakalakas nyang tumawa. Madaldal. Pagala-gala sa school. Sinalihan lahat ng organization sa school, kulang na lang pati pagtakbong presidente ng pilipinas salihan din nya. Mahilig sa black, pati mga damit or gamit nya black. Hindi marunong magsuklay. Hindi rin marunong mag-ayos ng sarili, pulbos lang ata ang ginagamit sa mukha. Sumasayaw, kahit na hindi naman malambot ang katawan. Kumakanta, kahit na hindi naman maganda ang boses.  

Pero kahit na ganyan sya, mahal ko pa rin sya.

Una ko palang syang makita, nahulog na ang puso ko sa ganda nya. Eto ata ang tinatawag nilang love at first sight. Kahit na siguro hindi sya mag-ayos, para sakin maganda parin sya. Kahit na ang hilig nyang sumigaw, para sakin mabait sya. 

High school palang schoolmates na kami, nakakaasar nga kasi laging syang nasa section 1. Habang ako laging nasa section 3, pano ba naman kasi ang talino nya. Hay. 

Una ko syang nakita high schol ball namin, grabe ang ganda nya. Lagi ko kasi syang nakikitang nakalugay lang ang buhok, minsan pa nga sabog. Idagdag pa na lagi nyang tinutupi ang manggas ng blouse nya, at ang lagi nyang pagsusuot ng cap na pabaliktad. Napagkakamalan tuloy syang tomboy. Pero nawala lahat ng yun sa isip ko dahil sa makalaglag panga nyang ganda nung gabing yun. Lahat nga ng tao napatingin sa kanya habang naglalakad sya sa red carpet. Sayang nga kasi lahat ng classmate nya may kapartner, sya lang wala. Gusto ko sana syang puntahan para partneran kaso baka sigawan lang nya ako, at baka pagalitan pa ako ng adviser namin.

Simulan ng araw na yun, parang gusto kong lagi na syang makita. Kahit na iba yung canteen na kinakainan nila, pinilit kong don kumaen makita lang sya. Kahit na lagi silang nakatambay sa library, tumambay pa rin ako kahit na inaantok ako kapag nandun ako. Kahit na hindi ako mahilig makinig ng rock songs, pinapakinggan ko pa rin dahil yun ang hilig nyang pakinggan. Ewan ko ba, pero ang lakas ng tama ko sa kanya. Pero hanggang tingin lang ako sa kanya eh, natorpe kasi ako. Hindi ko sya magawang lapitan, kahit nga makipagkaibigan lang hindi ko magawa. Kapag kasi nakakasalubong ko sya, parang tumitiklop ako. Umaatras ang dila ko, at nawawalan ng boses. Hay.

Dahil chismoso ang mga kaibigan ko, nalaman nilang gusto ko sya. Balak sana nila akong tulungan kaso hindi ako puayag, baka kasi tuluyan akong hindi makapagsalita kapag nasa ko na sya at nakangiti sakin.

Sabi nga nila bagay daw kami eh. Alam ko naman yun, kasi totoo naman eh. 

Kaso bigla akong nawalan ng ganang gustuhin sya, simula nung kumalat ang balitang nililigawan sya ni julius, pinsan ng kaibigan ko.  Halos lahat ng tao sa school kinikilig kapag nakikita silang magkasama, kaya yung sinabi ng mga kaibigan ko na bagay kami, kinalimutan ko na. Hanggang isang araw nakilala ko si shienna, ang babaeng sobrang kabaliktaran nya at ang first girlfriend ko.

Maganda, makinis ang balat, babaeng-babae kumilos, manamit at magsalita, sosyal, balingkinitan ang katawan, mahilig sumali sa mga beauty contest, mayaman at higit sa lahat nakakainlove  boses lalo na kapag kumakanta. Nakatambay ako nun sa lounge, katabi lang ng music room. Ang sarap na ng tulog nang may narinig akong tumutugtog ng piano at ang kantang pinapiano ay "love somebody" ng maroon 5, favorite song ko.Dahil sa sobrang curious ko, agad akong lumabas ng lounge at sumilip sa music room. Naiwanan ko pa nga yung gamit ko dahil sa pagkacurious ko. Ewan ko ba pero nung narinig ko syang kumanata, para bang may kung anong espirito ni kupido ang nag-utos sakin na sabayan sya sa pagkanta. Nung una nagulat sya, kahit ako din naman pero ipinagpatuloy nya ang pagtugtog at tinabihan ko sya. Naging magkaibigan kami, nung una nga nagkakailangan pa kami, kaso nung nalaman namin na magkapareho kami ng mga gusto, bigla kaming nagclick sa isa't isa.

One Shot Stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon