The story of us

1.2K 19 2
                                    

Tandang-tanda ko pa ang una nating pagkikita noon. Birthday ng kapatid kong panganay, imbitado ang lahat ng Santiago clan, at the same time kasi despidida nya rin. Pupunta na kasi syang New York, natanggap kasi sya biglang chief editor sa publishing company na pinag-applayan nya. Buti pa nga sya magtatrabaho na at magkakaroon na ng sarili nyang pera. Habang ako nag-aaral pa rin, college na ako at gusto ko ng grumaduate. Gusto ko na kasing makaipon ng pera na mismong dugo at pawis ko ang pinggalingan. Kahit papaano nahihiya ako sa mga magulang ko, sila kasi eh isang hinge ko lang bigay naman agad nila. Kaya eto ako, nasanay sa kakahinge sa kanila.

Dumating na ang mga tito, tita, lolo, lola, pamangkin at mga pinsan namin. May mga ilan na hindi nakapunta, mga busy kasi at yung iba naman nasa ibang bansa na. Maya-maya pa ay dumating na kayo ng pinsan ko.

“Insan!” tawag sa akin ng pinsan kong si daryl.

“Oh musta na?” nakangiti syang lumapit sa akin at nakipagshake-hands. “Long time no see”

Binatukan ko sya ng malakas kaya napaOUCH sya. “Long time no see mo mukha mo, eh schoolmates at teammates lang naman tayo” parehas kaming varsity player ng basketball. 3rd year na sya habang ako naman ay 2nd year. Sya ang assistant captain ball namin, pagka4th year nya paniguradong sya na ang captain ball. Aaminin kung mas magaling sya sa akin pagdating sa basketball, pero mas gwapo naman ako sa kanya. Walang halong yabang, pawang katotohanan lang.

Bumitaw ang pinsan ko sa shake. Ipinakilala ka nya sa akin “Si fishae nga pala” ngitian mo ako ng pagkaganda-ganda. “Girlfriend ko” alam kong tama ang narinig ko pero nagbingi-bingihan lang ako. Paano naman kasi ang pinsan ko lagi na lang may ipinapakilalang babae at sinasabi nyang girlfriend nya kaya hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o hindi.

Umupo tayo sa may table, nasa gitna natin ang pinsan ko. Tss! Oo naiinis ako, kasi hindi tayo magkatabi. Gusto kasi kitang matitigan kasi na side-view lang.

Tumayo ang pinsan ko kasi may tumatawag sa kanya, at sa wakas nagkatabi na rin tayo. Ewan ko ba, pero nung nagdikit ang mga balat naten, may kung anong boltahe ng kuryente akong naramdaman. Umusog ako para mas lalo tayong maglapit kaso lang napalakas ang pag-usog ko kaya medyo natumba ka. Nagsorry ako sayo at nginitian mo ako. Sa totoo lang gustong-gusto ko yung ginawa ko, kasi mas lalong nagkadikitan ang mga balat naten at napansin ko kung gaano ka kaput parang gatas sa puti. Ang kinis nga rin ng balat mo eh, parang ang sarap haplusin.

Nagstart na ang party , lahat nagsasaya. May sumasayaw, kumakanta, nagchichismisan, busy sa pag-inom ng wine pero wala naman akong pake sa mga ginagawa nila dahil nasayo ang atensyon ko. Kaso lang hindi naman tayo nag-uusap. Ramdam ko kasi parehas tayong nagkakahiyaan. Kakausapin na sana kita nang biglang dumating ang pinsan ko.

“Gutom ka na ba?” tanong nya sayo. Pasimple kang tumango, medyo mahiyain ka pala.

“Kuha lang kita pagkaen. Oy insan kausapin mo naman si shae, baka maop tong girlfriend ko” pinat nya ang ulo mo at ginulo. Sana magawa ko rin yan sayo. Umalis na sya kaya agad kitang kinausap.

“Hi shae” tumingin ka sa akin at ngumiti. “I’m dylan” inoffer ko ang kamay ko at agad mo namang tinggap. “I know” sagot mo sa akin habang nakangiti. Nagtaka nga ako eh, kasi kilala mo pala ako.

“How did you know my name?” tanong ko sayo, nginitian mo ako bago ka magsalita. “Lagi ka kasing kinukwento ng pinsan mo sa akin, kaya I already know you na” at ngumiti ka.

“San ka nga pala nag-aaral?” tanong ko sayo. Gusto ko kasing malaman kung paano at saan kayo nagkakilala ng pinsan ko. Diba nga kasi matinik sa chicks ang magaling kong pinsan. Madame na syang nabiktimang babae kaya hindi ko malaman kung ilan ba don ang sineryoso at fling lang.

One Shot Stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon