1 MESSAGE RECEIVED

4.4K 34 1
                                    

Friday pala ngayon, at isa lang ang subject ko. Yun ay ang Filipino. Hay, wala na namang gaanong gagawin kasi may meeting ang prof ko kaya sasabihin na lang nya sa amin yung project namin.

"Magresearch kayo ng 2 maikling kwento, tapos ang moral lesson don sa nabasa nyo. Isama nyo na ang biography nung author na gumawa nun pati ilagay nyo na rin pala ang inyong reaction don sa 2 maikling kwento. Nakukuha nyo ba?" sabi nya habang inooff ang aircon.

"Yes ma'am" sagot naming lahat. Halatang lahat kami nabobored sa subject nato.

"Next Tuesday na ang submission nyan, gandahan nyo kung gusto nyong makakuha ng maganda grade" Tumayo na sya at kinuha ang bag nya.

Aaminin ko, masaya syang maging prof. Mahilig magkwento ng kung ano-ano at marunong makisama sa kakulitan at kaingayan namin. Pero wala kaming natututunan sa subject nya. Alam nyo ba yung feeling na ang aga-aga mong pumasok tapos pagdating mo wala namang prof? Ganon sya, pero minsan naman may meeting or di kaya may appointment..... May appointment sa table nya, inaabangan ang be careful with my heart. Tama ang nabasa nyo, crush na crush nya kasi si sir chief -___- we can't blame her naman kasi tumanda syang dalaga. Pero ang sabi nya madami syang naging jowa.

So anyways, hindi ito tungkol sa lovelife nya. Kundi sa akin :)

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko, sa labas na lang ng room ko aantayin si janna. Ang bestfriend ko since birth, sobrang lakas ng tama ng babae na yan. Paano ko nasabi? Kasi kapag magkasama kami tas bigla nyang makikita ang crush ko, bigla na lang nya akong babatukan ng malakas sabay sigaw ng "Yung prince charming mo!!" Paglabas nya, abot hangga bumbunan ang ngiti nya sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hulaan mo kung sino agad ang nakita ko kaninang umaga pagpasok ko" sabi nya sa akin.

"Wag mo na akong pahulain pa, sabihin mo na kung sino!" atat na atat kong sabi. Kasi naman to, patense pa masyado.

"Excited? Hindi makapag-intay? Nagmamadali? Hinahabol?" tamo to namilosopo pa. Sarap ingudngud sa lupa -__-

"Naman oh! Sabihin mo na kasi!" binatukan ko sya ng malakas, tinignan nya naman ako ng masama. Pero instead na sabihin nya ay kinaladkad nya ako sa may.... OPEN COURT?!

"Ano bang ginagawa naten dito?" paano kasi nandito sa open court nagpapractice yung varsity namin sa basketball. May gumagamit kasi ngayon ng gym kaya dito muna sila.

"Hanapin mo sa kanila yung nakita ko kanina" turo nya sa mga varsity. Agad ko namang ibinaba ang kamay nya. Pahamak talaga to kahit kelan. Buti na lang at walang nakakita, tsk!

"Pwede bang wag ka nang magturo! May mga taong nanunuod din sa kanila no, mamaya sabihin napaka fangirl nateng dalawa at may paturo-turo pa tayong nalalaman" hinatak ko sya paupo sa may table. May mga tables at chairs kasi na inilagay dito, yung iba kasing estudyante dito kumaen imbis na sa canteen. Buti na lang at malaki tong open court.

"Hindi naman nila nakita na tinuro ko sila no. Atsaka nandun sila oh, sa may kabilang court. Buti sana kung nandito sila sa kabilang court malapit sa atin, kitang-kita nila ang paturo ko" inilapag nya ang mga gamit nya sa table at umupo. Hindi na lang ako nagsalita, umupo na lang din ako sa tabi nya.

"So ano na? Hindi mo ba talaga huhulaan kung sino ang nakita ko kaninang umaga?" nakangiti sya habang tinatanong ako.

"Fine! Sino?" bwiset naman to eh, dapat kanina nya pa sinabi -_-

One Shot Stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon