Maling Akala

43 1 0
                                    

Una beses na naranasan kong umibig, first year high school ako. Pero hindi ko alam kung pag-ibig nga ba ang tawag don. Gusto ko kasi na palagi ko s'yang nakikita, nakakusap. Naiinis ako kapag may ibang babaeng pinapares sa kanya. Kapag may ibang babaeng lumalapit at pinupuri s'ya kung gaano s'ya kahusay sa basketball. S'ya ang first kiss ko, pero s'ya rin ang unang lalaking iniyakan ko. Hindi naman din klaro sa'kin kung naging "kami" nga ba talaga. Siguro akala ko lang, dahil sweet s'ya, maalaga, malambing. Pero pagkatapos namin maghiwalay, don ko na-realize na ganon pala talaga s'ya sa lahat. Inisip ko na baka kaya n'ya lang nagawa akong halikan ay dahil nalaman n'yang gusto ko s'ya. Wala pang isang linggo kaming hiwalay, may iba na syang kasama. Ni hindi na nya ako matignan at mangitian, hindi kagaya ng dati. 

Sa paglipas ng panahon, nakalimutan ko na s'ya lalo na ang nararamdaman ko sa kanya. Limot na limot nya rin naman ako dahil inlove sya sa babaeng official nyang sinabing girlfriend nya. Naging masaya na akong muli, at may muli na namang nagpatibok ng puso ko. Nakakainis kasi isang ngiti palang n'ya para bang bumibigay ang puso ko. Hindi ko inisip na baka gsuto n'ya na rin ako, dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya. Gwapo, matangkad, matalino, mabait. Halos lahat na ata nasa kanya na. Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako muli pang kakapit sa "akala". Gusto ko one hundred percent na siguro at galing rin sa kanya mismo na gusto n'ya ako. 

Isang araw, kasama ko ang kaklase ko. Sinamahan ko s'yang magpunta ng restroom dahil naiihi rin ako. Pagkalabas ko, biglang sumulpot si Dean sa harapan ko. Malapad ang ngiti na naging dahilan para lumitaw ang malalim n'yang dimples. Isa sa mga features ng mukha n'yang gustong-gusto ko. Lumapit s'ya sakin at kinuha ang kamay ko. Nagtataka ako sa ginawa n'ya lalo na ng nagsimula s'yang may isulat sa ibabaw nito. Mayroon pala s'yang hawak na ballpen sa isa n'yang kamay. Nang aking tignan ang nakasulat, phone number. Tinitigan ko s'ya dahil hindi ko maintindihan. Ngumiti s'ya at sinabing "aantayin ko ang text mo mamaya" bago umalis kinindatan n'ya ako. Kinikilig na inasar ako ng kaklase ko. 

Naging magkatext kami, halos araw-araw kahit sa klase katext ko s'ya. Sa tuwing nagkikita naman kami sa school, palagi n'ya akong kinikindatan. Mas lalo tuloy akong nahuhulog. Lumipas ang araw, magpi-pitong buwan na kaming magkatext at  isang buwan na rin n'ya akong nililigawan. New year na at gusto ko s'yang patiin. Sa tinagal tagal kasi naming magkatext, hindi n'ya pa ako naisipang tawagan. Habang busy ang lahat, pumasok ako sa kwarto ko at tinawagan s'ya. Kilig na kilig ako, gusto ko rin kais s'yang yayain na lumabas. Oo alam ko dapat s'ya ang magyaya pero naiinip na kasi ako, hindi kami nag-uusap sa school. Hindi kasi ako makontento sa pagngiti at pagkindat n'ya sakin. Kapag may ibang tao di nya ako pinapansin, para bang isang palabas lang ang lahat. Pero sabi ko sa sarili ko, ayoko syang husgahan kaya lang kasi naiinip na ako. 

Dali-dali kong dinial ang phone nya. Wala pang ilang minuto may sumagot, isang babae. Bigla akong nakaramdam ng kaba. 

"Hello? Sino to?"

"Ahh. Ako po si Nikki. Nandyan po ba si Dean?"

"Sino po?"

"Dean. Pwede ko ba syang makausap?"

"Ho? Dean? Ay, ate baka wrong number ka po. Walang pong Dean na nakatira dito."

Kumunot ang noo ko. Pilit kong binubura ang nabubuong konklusyon sa isipan ko. Dapat ay magsasalita na ako kaya lang biglang naputol ang kabilang linya. Bumagsak ako sa higaan ko na gulong-gulo ang isipan. Lumipas ang bagong taon na nasa loob lang ako ng kwarto ko. Nag-iisip. Kinabukasan panay ang text sakin ni Dean, pero hindi ko sya nire-replayan. Naguguluhan kasi ako sa nangyayare. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. 

Dumating ang pasukan, di ko pa rin nakakausap si Dean. Sinigurado kong di ko sya makikita o makakasalubong, kaya ginawa ko lahat para lang maiwasan sya. Pero nakakainis ang tadhana. Magkasunod kami sa pila sa canteen. Nginitian nya ako na para bang walang nangyare. Umiwas na lang ako at pinuntahan ang mga kaibigan ko. Pero sa malayuan, tinatanaw ko sya.  Ang saya-saya nya at walang bukas ang kanyang tawa. Kinuha ko ang phone ko at tinext sya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon