Si faisal ay mula sa mahirap na pamilya at walang pinag aralan dahil dito makahanap man siya ng trabaho ay yaong na ngangailangan lamang ng mga simpleng gawain tulad ng pagtratrabaho sa isang milk farm o gatasan. Noong araw ang mga gawain sa isang gatasan ay hindi ginagamitan ng anumang makina. Ang lahat ng gawain dito ay ginagawa gamit lamang ang mga kamay. Bilang maggagatas tungkulin ni faisal na gatasan ang mga baka sa araw kapag dumating na ang hapon pa kakainin naman niya ang mga baka at hahayaan ang mga itong manginain sa damuhan. Kapag ang lahat ng kanyang gawain ay tapos na umuupo siya kasama ang ilan pang mga manggagawa sa gatasan at umiinom ng chai o tsaa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin na nilikha ng paglubog ng araw matapos ang pag inom ng chai ang lahat ng mga manggagawa sa gatasan maliban sa isa ay magpapaalaman at uuwi sa kanikanilang tirahan ang maiiwan ang may responsibilidad na mag bantay sa maga baka sa buing gabi.
Isang partikular ng gabi inilabas ng mga manggagawa ang mga baka sa kanilang kulungan upang hayaang manginain ng damo. Ang buong akala nila ay nailabas na nila ang lahat ng mga baka ngunit kalaunan ay napansin nilang may naiwan pa palang isang baka sa kulungan. Sinubukan nila itong akitin palabas sumabalit ni hindi nila ito pinansin. Itinulak at hinila rin nila ito ngunit talagang matigas ang ulo ng hayop kaya dinalhan nalang nila ito ng ilang toyung damo upang hindi naman magutom at saka iniwan.
--
YOU ARE READING
Mga kababalaghan sa Mundo
HorrorMay mga kaluluwang hindi matahimik at nandito parin sa ating mundo dahil sa ibat ibang kadahilanan. maaring humihingi sila ng katarungan, may mga mahal sila hanggang sa ngayon o nangangailangan sila ng kapatawaran. anu man ang dahilan kung bakit ka...