Ang Multong sa Express Train # 2

397 10 0
                                    

---

Napakahirap man ay pinilit ng autralyanong umiwas na mapatingin sa babae hanggang sa dumating na ang oras Para iladlad ang mga upuan at gawain kama habang nag aayos ng kama ang mga kawani ng tren ang babae ay tahamik na nakatayo sa tabi ng australyano nakaramdam ng huling nakatingin parin ang una sa kanya kayat lalong nanghina ang kanayang mga tuhod.pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay

Sa kabutihang palad ay naihanda na ang mga kamang tutulugan matapos lamang ang ilang minuto. Mabilis na umakyat ang australyano sa upper deck isinarado ang mga kurtina sa paligid ng kama huminga nang malalim at nahiga. Nagawa naman niyang makatulog nang ilang oras nagising lamang siya dahil nakaramdam siya ng panunubig

Hinawi niya ang mga kurtina upang bumaba at sakanyang pagkasindak ang kulubot na matandang tinulungan niya noong umaga ang bumugad sa kanyang paningin. Naroroon ito mismo sa likod ng mga kurtina puno ng galit ang tingin sa kanya ng matanda maya maya pa ay binuksan nito ang kanyang bibig at nalantad ang isang pares ng matutulis na pangil sa ilalim ng kanyang pang itaas na labi napasigaw ang australyano at mistulang isang batang babae at napaihi sa kanyang pantalon sa labis na sindak ay pumasuk siyang muli sa kanyang deck at hinila pasarado ang mga kurtina

Ang ilan sa mga pasahero ng tren ay nagsigisingan sa nalikhang ingay at nag silabasan sa pasilyo sa labis na takot at kahihiya hindi nakuhang lumabas muli ng australyano nang makita ng ibang pasahero na wala namang nangyari masama bumalik muli sila sa pagtulog ngunit ang australyano ay hindi na nakatulog pa at hindi na rin nagtangkang pumunta sa CR at sa unang paglatag ng liwanag sumilip siya sa labas ng kanyang deck at laking pasasalamat niya na wala na ang matanda roon hinablot niya ang kanyang mga gamit lumipat sa ibang cabin at doon naglagi nang nakatayo hanggang makarating sa bangkok station isa iyong nakapangingilabot na karanasan na ayw na niyang maulit pa

---

Mga kababalaghan sa MundoWhere stories live. Discover now