Ang multon sa Express train

503 8 0
                                    

---

Isang umaga isang autralyano ang naglakbay mula sa hatyai papunta sa bangkok. Sumakay siya sa express train sa hatyai train station ang byaheng ito ay inaasahang tatagal ng mahigit sa isang araw ibig sabihina makakarating siya sa bangkok nang bandang tanghali ng susunod na araw siya ay may hawak ng isang sleeper ticket. Nanghuhulugan ito na ang kanyang upuan ay pwedeng iladlad upang maging kama pagsapit ng gabi. Tinataya niyang mangyayari ito bandang alas otso ng gabi bago iyon mag titiis muna siya sa mahaba habang pag kakaupo sa matigas na upuan ng tren.

Noong araw na iyon Mainit ang panahon at ang takbo ng tren ay banayad. Tuwing kalahating oras humihinto ang tren ay banayad. Tuwing kalahating oras humihinto ang tren sa maliit na istasyon ng bayan kung saan maraming pasahero at tindera ng pagkain ang sumasakay. Mainam naman iyon dahil makabibili siya ng meryenda.

Noong una ang upuan sa harap ng austarlyano ay bakante. Hindi nagtagal isang matandang babae ang namamaybay sa maliit na pasilyo pango rito.
Tila hirap na hirap ang matanda sa pagbitbit ng kanyang mga bagahe habang naglalakad. Sympre pa dahil maginoo siya ay tinulungan ng australyano ang matanda. Nagulat pa ang australyano nang buhatin ang mga bagahe ng matanda.
Masyadong mabigat ang mga bag para sa isang may edad na tulad niya. Naupo ang babae sa harap ng pwesto ng australyano ngunit napansin ng lalaking umiiwas tumingin sa kanyang mga mata.

Halatang hindi naghahanap ng makakausap ang matandan sa mahabang habang byahe iyon kaya pinagkaabalahan na lamang ng australyano ang pagbabasa ng kanyang dalang libro. Paminsan minsan ay nahuhuli ng lalaking tumitingin sa kanya ang babae subalit sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata mabilis na nag bababa ng tingin ang babae ipinagpalagay na lamang ng lalaki naito ay normal sa mga thai ang pagiging mahiyain sa mga farang na katulad niya caucasian gayundin duda ng lalaki ay hindi nakapagsasalita o nakakaintindi man lamang ng ingles ang babae

---

Mga kababalaghan sa MundoWhere stories live. Discover now