Ang Mga Misteryosong maggatas #2

707 10 1
                                    

--
Isinarado nila ang pintuan sa kulungan at umupo para uminom ng chai. Nang gabing iyon si faisal ang nakatoka bilang bantay sa mag damag. Matapos umalis ang lahat naghanda si faisal ng maraming chai at naupo upang hanggang mag isa ang huling sandali ng paglubog ng araw. Habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalikasan nakarinig siya ng mga tinig.

"Namesta bai ji ( hello,kapatid ) wika ng pag bati ng mga ito.

Sa kanyang paglingon nasulyapan niya ang dalawang lalaki na nakadamit ng tulad ng sa kanya. Maggagatas din ang mga ito naisip niya. hindi nagulat o nag alala manlang si faisil sa biglaang paglitaw ng mga estrahero sa gatasan. Sa ngayon kasing iyon pangkaraniwan nang may dumarating na estrahero mula sa ibang gatasan upang saluhan ka sa pag inom ng tsaa. Kagyat na naghanda si faisal ng chai para sa kanila at nag usap sila hanggang a paglubog ng araw.

Ayon sa mga estrahero Jamir at ballu ang kanilang mga pangalan at sila ay nanggaling sa isang kalapit ng baryo. Kilala halos lahat ni faisal ang mga taga karatig baryo ngunit hindi niya namumukhaan ang dalawa. Isa pang kakaiba nang gabing iyon ay katahimikang namamayani sa buong paligid. Anumang ungol mula sa binabantayang mga baka ni faisal ay wala siyang narinig. Ang nakapagtataka naririnig niya ang kokak bg mga palaka ang huni ng mga kulilig at ang mahina ngunit malinaw na galaw ng mga dahon sa puno kahit sa gitna ng maingay nilang pag uusap. At hindi lamang mga tunog nga kalikasan ang kanyang naririnig siya ay nakakarinig din ng tunong na kakaiba mahabangtunog na animoy mga salita ngunit hindi naman salita ng tao
--

Mga kababalaghan sa MundoWhere stories live. Discover now