Shane's POVNaramdaman ko ang pagkainit sa buong katawan ko na syang nagpaistorbo sa mahimbing kong tulog. Nagising ako dahil sa pawis ng aking noo at likod. Iminulat ko ang aking mata at nagtaka kung bakit ako nandito sa loob ng kwarto.
Ang pagkakaalam ko ay nasa sofa ako natulog kagabi at wala na akong natatandaan pa. Napansin kong may nakadapong basang twalya sa noo ko. Mukhang nilalagnat nanaman ako. Masakit parin ang aking katawan pero bumaba narin naman yung lagnat ko kaya nakakaramdam ako ng init sa buong katawan.
Kaya pala mainit kasi it's 12pm. Yung araw nasa tapat pa ng bintana ko. Nakasuot pala ako ng makapal na jacket. Kay kurt siguro ito. Hinubad ko kaagad ito.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok si kurt na may dalang pagkain. Napahinto siya sa kung ano mang nakita niya saakin at biglang namula.
"bakit?" nagtaka ako sa nagiging reaksyon nya.
"y-your umm.." utal na sabi niya then he looked away. Tinuro niya sa direksyon ko kaagad kung ano mang nakita nya sa akin.
I lately realize na hindi pala ako nakapag bra! And what's worse, halatang-halata pa yung utong ko sa manipis na tshirt.
"ahhh!" I immediately covered myself with my blanket kasama na yung mukha ko na pulang-pula sa hiya.
"L-lumabas ka!" sigaw ko.
"o-okay, iwan ko lang muna dito sa lamesa. Kumain kana ah" sabi niya tsaka lumabas kaagad.
I immediately stood up from my bed to get my bra from my cabinet. Tinignan ko kung anong pagkain ang dinala ni kurt para saakin. Pinakita niya parin sakin na nag care siya. Ano ba to? Ba't nakikiliti yung tyan ko? Eto na ba yung sinasabi nilang butterflies?
Kumain na kaagad ako dahil sa sobrang gutom. Masarap pala magluto tong mokong to. Di niya kaya to nilagyan ng lason? Haha just joking. To be honest, na appreciate ko yung ginawa niya sakin. Pero babaero't manyakis pa rin yun.
But there's this part of me na walang pakialam sa attitude niya. And i feel like I could forgive him if he would apologize. Kaso, we're not together yet. Pero parang may namumuong feelings para sa kanya. Di ko lang ipapahalata at never ako umamin hanggang sa tamang oras. Baka ma broken lang ako nito.
At sana naman wag na siya mambabae pa kapag kasal na kami.
Kumatok siya sa pinto asking my permission for him to enter and I did. He then enter and look at me with worry in his eyes.
"okay ka na ba?" he said.
"y-yes" yumuko ako at kunwari sinigop yung sabaw.
"di ko pala namalayan na nilalagnat ako kagabi. Thank you for taking care of me" dagdag ko.
"Wala lang yun. Wala ka pala naalala kagabi?" at lumabas nanaman yung nakakalokong smirk nya.
"h-ha? May ginawa ba ako?" napaisip ako kung ano ba ginawa ko ngunit wala talaga akong matatandaan. Namula ako na baka may nagawa akong ano..
Pero kompleto naman damit ko pagkagising ko ah.
"hmm wala naman..." sabi niya sabay patago yung ngiti niya, na kita ko naman.
Di ko nalang siya tinanong ulit tsaka ipinagpatuloy ko ang aking almusal. Baka kung ano pa lumabas sa bibig ng mokong nato. Iba panaman siya magsalita. Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
-FORCED MARRIAGE- (Revised)
Novela JuvenilFamily knows what's best for you they said. Kasi gusto din nila maging maayos yung future mo. Lalong-lalo na babae ang kaisa-isang anak mo. You will do anything to make your girl become a princess with happy ever after. But marriage is a NO for me...