THUNDER
*ring ring ring*
I took out my phone from my pocket and looked at the screen to see who is the person calling me. My sister's name was flashing on my screen with the green and red button below her name. Sinagot ko naman ang tawag n'ya and pressed the phone near my ear.
"Ohh, Mira?" sagot ko.
"Kuya, pwede mo ba akong sunduin today?" agad n'yang sabi sa akin.
"Pero Mira, coding ako ngayon, hindi ko dala yung sasakyan ko." Sabi ko sa kanya.
"Please kuya, it's a bit late na kasi." sabi nito sa akin dahilan para mapatingin ako sa wristwatch ko para makita na 5 pm na, later that the usual time na uwi ng kapatid ko.
I sighed, wala naman akong choice dahil baka mamaya eh kung ano pang mangyari sa kanya, nag-cocommute lang kasi ito pag-uwi dahil maaga naman itong lumalabas, I wonder what happened at hinapon na s'ya ng uwi.
"Alright." Sabi ko sa kanya, "Wait for me inside your school, may kasama ka pa ba d'yan?" tanong ko to make sure.
Naglakad na ako pabalik sa loob ng company para mag-paalam na uuwi na ako at susunduin ko ang kapatid ko.
"Oo kuya, kasama ko pa si ate Kami, pati na din yung ko pang kaibigan." Sabi nito sa akin.
"Okay, wait for me there." Bilin ko naman sa kanya at tuwang tuwa ito bago namin ibinaba yung tawag namin.
Bumalik ako sa practice room at dumeretso sa mga gamit ko.
"Ohh, Xander, aalis ka na?" tanong ni kuya Gino.
"Oo kuya, kailangan kong sunduin yung kapatid ko." Paliwanag ko sa kanila at sakto naman na pumasok si manager kaya naman nag-paalam na ako.
"Ahh, ganun ba? Oh sige, mag-iingat ka. Ituloy mo na lang bukas ang practice." sabi ni manager.
"Sige po, bukas na lang po ulit. Baka malate pa po ako, coding pa po ako." sabi ko.
"Ahh, oh sige, pwede mong dalhin yung bike ko na nasa may unahan ng building." sabi ulit ni Manager at tumango ako.
"Ahh sige po, thank you po." pagkatapos nun ay lumabas na ako at dumiretso sa unahan ng company kung saan nakita ko yung bike na tinutukoy ng manager namin at tsaka nagbisikleta papunta sa school ni Mira.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako dahil hindi naman ito kalayuan sa company namin. Tumigil ako sa harap ng school gate n'ya, iniayos ko muna yung bike stand at tsaka ko kinuha ang phone ko at tinext s'ya na nasa harapan na ako ng school nila.
Maya-maya lang ay natanaw ko na s'yang naglalakad palabas ng school nila, may kasama itong mga babae, anim na babae to be exact. Nagtatakbo naman s'ya palapit sa akin, nauna s'ya sa mga kasama n'ya dahilan para maiwanan n'ya ang mga ito.
"Kuya!" bati n'ya ng makalapit na s'ya sa akin.
"Madami ka palang kasama?" sabi ko sa kanya and looked behind her.
Yung dalawa sa babae ay nakakapit sa bisig nung isang babae na nasa gitna. Yung isa naman kinakausap n'ya yung katabi n'ya. Yung isa naman ay nakatingin lang sa amin ni Mira habang yung nasa gitna ay pilit nilang itinutulak palabas pero parang ayaw ata nitong lumabas, she was looking at us also. Yun namang nakatingin sa amin kanina ay pumunta sa likuran nung babae na nasa gitna at bigla itong itinulak at sapilitan na pinalabas.
"Sandali nga Jica, ano ba 'to?!" reklamo nung babaeng nasa gitna, "I swear! Masasapak ko kayo isa-isa." Banta nito.
Her voice was somewhat familiar to me, hindi ko alam kung saan ko narinig yun. Pero hindi lang yun, pamilyar din yung itsura n'ya, pero baka ako lang yun. Ah ewan.
BINABASA MO ANG
Her Perfect Lie [Complete] (Editing)
Novela JuvenilA famous icon in the music world and an heiress that is gifted with such fine talents, were connected by one fateful accident, meeting unconsciously, and ended up being together for the sake of a favor, Thunder and Mia are about to discover love in...