Prologue

0 0 0
                                    

Noong unang panahon, ang Crown City at Dark City ay magkasundo sa isa't-isa.

Magkapitbahay ang dalawang mundo.

Ang mundo ng Liwanag, at ang mundo ng Kadiliman.

Hindi naging hadlang sa dalawang City ang pagiging magkaiba.

Noon, ang Dark Magicians ay isa sa mapagkakatiwalaan sa lahat.

Madilim man ang kanilang mundo ay ganun naman kaliwanag at kabusilak ang kanilang mga puso.

Malayang nakakapunta ang bawat Magicians sa dalawang mundo.

Hanggang sa ipinanganak ang mga magiging pinuno ng ika-sampung henerasyon.

Sa Crown City, ipinanganak ng Reyna si Prinsesa Glace, siya ang pinakamalakas sa lahat dahil sa taglay na Light Magic.

Kasabay nito ay ipinanganak din ang iba pang mga prinsipe at prinsesa sa Crown City na siyang may taglay ng mga elementong kapangyarihan. Ang Fire, Land, Water at Air.

Sa Dark City naman ay ipinanganak ang nag-iisang Prinsesa at tagapagmana dahil sa taglay nitong Dark Magic na si Prinsesa Penelope. Naging mabuting magkaibigan si Glace at Penelope at ang iba pang royalties sa kanilang henerasyon. Hanggang sa sila ay lumaki at nakapag-asawa.

Ang ngayon na si Queen Glace ay nagkaroon ng nag-iisang anak na ang pangalan ay si Prince Guionne Hurich, na siyang nakamana ng light magic. Ipinanganak din ang iba pang mga royalties na may hawak ng elementong kapangyarihan. Si Prince Magnus sa Fire, Princess Flora sa Land, Prince Storm sa Air at si Princess Serene sa Water.

At ang ngayon na si Queen Penelope ay nagkaroon din ng mga anak. Ang kambal na sina Prince Harold Labrusca at si Princess Pyper Labrusca. Hindi pa natutukoy ang kapangyarihan ng dalawa kaya nagfocus ang mga ito sa pag-ensayo ng Physical Combat at paggamit ng iba't-ibang armas.

Naging mabuting magkakaibigan sina Magnus, Flora, Serene, Storm, Harold at lalong-lalo na sina Guionne at Pyper.

Malayang naglalaro at sabay-sabay na nageensayo ang mga magkakaibigan. Sabay-sabay na gumagawa ng potions at nag-aaral kasabay ng iba pa nilang kaibigan na Crown and Dark Magicians.

Isang araw, napadpad si King Arthur Hurich, ang ama ni Prince Guionne sa malaking Library ng Crown Palace. At nakita niya duon ang lumiliwanag na libro.

Ang Book of Prophecy.

Itoy kanyang binuklat at nabasa ang propesiya na siyang nagpagulo sa lahat.

"The Prophecy have told,

'One day, In no time,

Light is Light

Dark is Dark

The two will fight

The reason wont tell

They will fight

Dark has victory

Light will turn to dark"

Nagulat si King Arthur sa kanyang nabasa at agad na nagpulong kasama ng iba pang Hari at Reyna ng Crown City. Natatakot silang lahat sa maaaring mangyari kaya naman naisipan nilang sakupin ang walang kaalam-alam na Dark City.

Ngunit tumutol si Queen Glace. Matalik na magkaibigan sila ni Queen Penelope at napamahal na sa kanya ang Dark City.

Kahit na siya ang pinakamalakas ay wala siyang nagawa sa paglusob ng Crown Magicians sa Dark City. Hindi na nagkita pang muli ang magkakaibigang Pyper, Guionne, Harold, Serene, Magnus, Flora at Storm.

Tuluyan nang nawasak ang lahat ng gusali sa Dark City. Nagulat pa ang mga ito sa pagsalakay ng mga Crown Magicians. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari kaya nakipaglaban nadin sila dahil marami sa kanilang mga kasamahan ang nawalan na ng buhay.

Sa Dark Palace naman ay naisahan ng mga Hari at Reyna ng Crown City sina Queen Penelope at ang Hari kaya madali nila itong napatay. At dahil sa hindi pa alam ng kambal na Harold at Pyper ang kanilang kapangyarihan ay wala na silang nagawa. Napasama sa namatay si Prince Harold at tuluyan ng naglaho si Princess Pyper kaya inakalang namatay na din ito kasama si Harold.

Nalulungkot man sa nangyari ay wala ng nagawa pa ang ikasampung henerasyon na Royalties. Nangyari na ang dapat mangyari. Natakot lamang sila sa maaaring maging epekto ng Propesiya sa kanilang kinasasakupan kaya nila iyon nagawa.

Tuluyan namang nalungkot ang mga Royalties ng ikalabing isang henerasyon na Sina Guionne, Storm, Magnus, Serene at Flora sa pagkawala ng mga kaibigan nilang Dark Magicians lalo na sina Pyper at Harold. Ngunit wala na silang magagawa pa. Papanindigan na nila ang nasimulan ng kanilang mga magulang. Gusto lamang ng mga ito na protektahan ang kanilang nasasakupan kaya nila nagawa iyon. At ngayon ay iyon din ang gagawin nila.

Simula noon, ang Fire Palace ay nasa ilalim na ng Crown Volcano. Ang Water Palace ay nasa ilalim na ng Crown Ocean, ang Air Palace naman ay nasa ere ng Crown City. Ang Land Palace naman ay nasa gitna ng Crown Plantation kung saan kumukuha ang lahat ng Ingredients para sa potion. Pinalibutan din ang buong Crown City ng Protective Barrier para walang sino man ang makakapasok. Tanging Crown Magicians lamang ang maaaring pumasok. At ang Crown City ay tuluyan ng napalayo at napunta sa North.

Habang ang Dark City naman ay Naiwan na sa South. Sobrang tahimik at sira-sira na ang lahat ng gusali. Ang malinis na Dagat ay ngayon ay napakarumi na, ang malinis na kapaligiran ay sira-sira na. Nangungulila parin ang mga natitirang Dark Magicians sa pagkawala ng mga mahal nila sa Buhay. At ngayon ay wala na silang mapagkukunan ng lakas dahil nawala na ang kanilang mga Pinuno.

Paano na ngayon ang Dark City?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Side (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon