Chapter Two : Ganyan Kami

365 13 8
                                    

CHAPTER TWO

Laurenette's POV

"Ohh," nilapag ko sa table ni Richie yung one whole sheet of paper na may answer dun sa assignment namin. Pinaghirapan ko yun, kailangan ko pang mag-isip ng bagong idea eh. Akala ko irerewrite ko lang answer ko Huhu.

"Wow! Galing!" sabi niya habang tinitingnan yung paper. Ang babaw niya talaga.

Nanatili akong nakatayo sa harap niya at hinintay yung 'thank you' mula sa kanya. Okay na yun kahit yun lang matanggap ko mula sa kanya.

Napansin niya atang di parin ako umaalis kaya tumingin siya sakin with narrowed eyes. Yung para bang pinagsususpetyahan ako sa kasalanang wala akong kinalaman

Tinaasan ko siya ng kilay. At kahit anong pilit kong gawin yun eh di ko mababago yung fact na hindi naman talaga ako marunong magtaas ng isang kilay, nag-end up tuloy na yung dalawang kilay ko mismo ang tumaas na wari'y gulat ako sa pagmumukha niya at dahil dun, sinuklian niya ako ng malakas na hagikhik. Langyang lalake to, mapatay ko to ehh!!

"Biik ka biik?" sarkastiko kong tanong. Nakakainis, ako na nga tong gumawa ng assignment niya, tatawanan pako. Walanjo talaga.

"Grabe ka naman! Ano bang meron?" tanong niya na halata paring nagpipigil ng tawa. Ay wow, ano daw meron, "O-Oi y-yung assignment m-matutupi!" hinampas hampas ko kasi yung papel sa kanya. Aba't! Urghh ! Nakakailan ka na ha!

"Nakakainis ka!" tumayo na siya at pinipilit iwasan yung pagpalo ko sa kanya. Bah! Ngayong ang layo na ng pagitan ng height niya sakin, kailangan niya pa tumayo? Pinagmumukha lang eh noh?

"T-teka, Lau, ano ba-uyy. Aray! kamay mo na-aray tumatama sakin ehh-ouch!"

"Tae ka! Di ka man lang magthank-you eh samantalang pinaghirapan ko yan! Walanjo ka rin ehh," sabi ko at tumigil na kakahampas kasi feeling ko lahat ng mata eh nakatingin samin.

Napaupo ako dun sa chair katabi ng upuan niya. Umupo din naman siya.

Nakakafrustrate lang! Mas inalala pa yung papel kaysa sa feelings ko. Chos XD

"Malay ko bang nakalimutan mong essay pala yung assignment natin kaya di basta rewrite yung ginawa mo," oo na . ako na ang may memory na katulad sa matanda. Eh di ko alam. Kala ko sa Physics yun, English pala. Tss, "Tampo siya ohh. Pumapanget ka, Nettie," sabay sundot sa tagiliran ko sabay tawa. Binatukan ko nga. Grr! Sa susunod sana mabutas yang tiyan mo kakatawa.

"Tigilan mo nga pagtawag sakin ng Nettie," tsk. Okay pa tp kaysa yun.

"Bitter," pabulong niyang sabi. Pero rinig ko yun kaya nakatanggap siya ng infamous glare ko at tumingin sa harap.

Kung may powers lang ako tulad kay Ogami Rei, kanina pa to pinagpi-pyestahan ng apoy.

"Alam ko iniisip mo na naman kung paano ako patayin," lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na ng nakakaloko, "Eto naman, siyempre kung magte-thank you ako, di ko na ibibigay yung kapalit dun sa tinulong mo."

HA?? Baliktad na ba ang mundo ngayon? Ayy ewan. Di ba pag ako yung nagthank you ng hindi ko pa natatanggap yung mkukuha ko eh yun ang hindi maibibigay? Ganon yun di ba? Bakit baliktad ata sa kanya?

"Baliktad lang. Tss," baliktad din siguro yung utak nito.

Tumingin ako sa paligid at nakatingin parin yung ibang mga classmates namin, yung iba ngumingiti pag nakakasalubong ko yung mga mata nila. Plastic lang ehh noh. Di pa sila sanay eh ganyan na kami ni Chie last year pa.

Kung nagtataka kayo kung bakit nakaka-free talk kakao talk kame ngayon -chos- yun ay sa kadahilanang inabandona kami ng aming mga guro dahil masyado raw nangangamoy si Toilet Seat Cover.

Just be Friends (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon