Happy 100+ reads :D *tapon confetti*
Thank you guys for supporting my story :)
Read. Comment. Vote. ENJOY ^^
-
CHAPTER THREE
Laurenette's POV
MAPEH time! Excempted ako dahil sa mala-anghel kong boses na siyang nagpasok sakin sa choir
"Hala bastos na hangin," sambit ni Roichelle habang hawak sa palda niya na tumaas onti dahil sa hangin. Naku, bakit parang sumabay ata yung hangin sa sinabi ko?
"May nasesense akong may nagyayabang," ako yan. Para di halata, hanuba.
Binigyan lang ako ng weird look ni Roichelle at nag-shrug lang ako ng balikat ko.
"Hey-" tawag ni.. nino daw? "Toilet paper," sabay tapik sa balikat ko, oh nahulaan niyo ba?
"Ano na naman?" inis kong sabi. Nawala kasi yung maganda kong atmosphere dahil narinig ko na naman yung tawag niya sa akin. Tsk, ewan.
"Tsk. Wala! PMS ka ata eh," kibit-balikat niyang sabi. Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Ano naman pakialam niya sa menstrual cycle ko? "Hala oh tagos!"
Nanlaki yung mata ko at dali-daling tiningnan yung likuran ng palda ko, medyo inangat ko kaunti yun kaso di naman pwedeng umikot yung ulo ko para makita kung may tagos nga di ba?
"Pest* ka man!" sabi ko sabay tingin ng masama. Nakakaano lang. Bwisit -___-
Wala pala eh, nambiro pa na di naman nakakatawa. Ako naman si tanga naniwala.
"Grabe reaksyon mo, laftrip! Pero uy bunganga mo neh," sumbat niya habang nakangiti ng nakakaloko. Kung bunutin ko kaya yang retainer niya kasama na yung ngipin? Makangisi pa kaya siya ng ganyan?
"Pumunta ka na nga sa DT room at umalis sa harap ko!" Yung DT ay libingan ng mga walang magawang toilet seat, yung dump truck ba. Pero siyempre, joke lang yun. Meaning ng DT eh Dance Troupe, di naman siya marunong sumayaw, mas pinili niya lang maging muchacha ng DI doon kaysa bumalik sa Drum and Lyre corps, di niya raw kasi kaya yung pag-uugali ng instructor nila na at the same time, instructor namin sa choir, nagmumulti-tasking yung instructor namin eh. Bawas pogi points nga yung ginagawa ni Chie tuwing nasa DT room siya eh, alam mo yung sayang kagwapuhan niya tapos maglilinis lang siya run? Ayaw niya rin bumalik sa MAPEH kasi ayaw niya raw magtake ng test. Sa school kasi namin, kapag kasali ka sa Drum & Lyre, Chorale Ensemble at Dance Troupe eh di mo na kailangang umattend ng MAPEH, excempted ka na, di mo pa kailangan magbayad ng PTA.
"Pinapaalis mo naman ako agad. Bahala ka," sumabay na siya sa mga kasama niya papuntang DT room at aba! nagtampo ba yun?
-
-
-
-
Nakisabay nako sa mga kasama ko papunta ng band room. At alam niyo ba? Kasama ko yung mga taong nilista ako sa Hate List nila. Sino pa eh di sila Queenie and friends. Si Michelle at Ella sa choir, okay naman boses nila si Ella lang ang may problema sa falcetto, pati ako eh nawawala sa mga kinakanta namin kapag nagsimual na siyang kumanta. Ako napapagalitan, siya lusot. Si Queenie naman majorette, sia dalawa ni Kristine kaya join to the hip talaga yung dalawa, kaya ang hirap kapag silang dalawa ang nakalaban mo sa school, dudumugin ka talaga ng mga estudyante. Silang apat yung parang mga Homecoming Queens kaya kung ako sa'yo, huwag mong ipagsasabi sa kanila mga sinasabi ko kasi for sure.. patay ako T_T
Naglalakad akong mag-isa papunta sa bandroom kasi naman kina Praise at Zie nag-MAPEH, wala raw sila talento sa pag kanta eh meron naman. Duga eh -_-
BINABASA MO ANG
Just be Friends (On Hold)
MizahNainlove ka na ba sa bestfriend mo? Nasaktan ka na ba ng mismong pinagkakatiwalaan mo? Handa ka bang masaktan para sa ikaliligaya ng iba? Nagparaya ka na ba? Kahit alam mong mahal mo siya?