AUTHOR'S NOTE : Naiintindihan kong nababasa ito ng karamihan sa classmates ko.
PS NO HARD FEELINGS :) Kinuha ko lang yung position niyo sa school pero iniba ko naman yung characterization :) Salamat sa pagbabasa.
[✔] 500 reads next target ⇨ 1000
Read-Enjoy-Vote-Comment :)
-
CHAPTER FIVE
Laurenette's POV
"Seryoso ka bang okay ka lang?" Sinamaan ko lang ng tingin si Zie sabay subsob ng mukha ko sa mesa.
"Di nio talaga ako titigilan noh?"
Nakakainis na. Kanina pa nila ako tinatanong ng kung anu-ano. Di ko na lang sana kinwento eh. Badtrip.
"Hindi," sagot ni Zie, "So, okay lang sa'yo na ganun?"
Tinaasan ko siya ng kilay tapos bigla siyang tumawa.
"Epic fail parin yung pagtaas ng kilay mo, Lau," tatawa tawa niyang pang-aasar. K payn!
"Ano ba kasing klaseng tanong yan, Rodzie?" sabat ni Praise, "Syempre okay lang yan kay Lau, wala namang something sa kanila ni Chie para hindi okay sa kanya eh," lumingon si Praise sa gawi ko saka tiningnan ako with intense look, "Unless.."
"H-hoy! Anong unless yan?"
Nandito kami ngayon sa cafeteria, lunch break na kasi. Monday nga pala at ang bilis dumaan ng araw para sakin, parang kahapon lang nga na umamin sakin si Chie. At tama ngang hinala kong may gusto siya kay Meeka.
"Tsk! Naman Lau, ang slow mo. Unless may gusto ka sa bestfriend mo eh malamang may kirot kang nararamdaman jan sa puso mo," kasabay ng salitang 'jan' sa sinabi ni Zie eh tinuro turo niya pa yung sa bandang dibdib ko. Medyo awkward kaya napangiwi ako.
Inilayo ko yung kamay niya saka humalumbaba at nilaro yung straw ng softdrink ko.
"Di ako slow. Di lang talaga pumasok sa isip ko na magkagusto kay Chie," sagot ko.
"Ganun?" tanong ni Praise na parang may pag-aalangan. Di ko rin gets kung bakit.
"May parte lang talaga na hindi okay," nagulat ako sa lumabas sa bibig ko pero di ko yun ipinahalata kasi baka intrigahin pa nila. Maski ako di ko alam bakit ko yun nasabi.
"Sabi ko na nga ba!" sambit ni Rodzie sabay kagat dun sa slice ng pizza na sa pagkakaalam ko ay akin!
Inilayo ko yung kamay niyang may hawak ng pizza. Kasi akmang kakagatin niya na ehh. Share ko yun, hanuba!
"Bumili ka ng iyo, bwiset!"
"Damot neto," nagpout lang siya saka ko binawi yung slice ng pizza. Walanjo tong babaeng to, kanina pa kumakain eh aagawan pa ako. Galing! Ang galing niya talaga.
"Lau, paanong may part na hindi okay sa'yo?"
"Di ko rin alam, Praise. Iba lang dating nung balita sakin," sagot ko. Kumunot naman yung noo niya saka siya ngbuntong hininga, "Bakit na naman?"
"Mukhang alam ko na bakit may parteng hindi okay sa'yo yung —"
"Dahil ba may gusto siya kay Chie?" singit ni Zie na para bang nagpapaunahan kami sa pagsagot na kailangang putulin yung tanong ng host.
"Dapat yun ba agad?" ~ako
"Pwedeng oo." ~Zie
"Kung pinatapos niyo ako noh?" ~Praise "Lau, bakit di ka niya sinabihan?"
BINABASA MO ANG
Just be Friends (On Hold)
HumorNainlove ka na ba sa bestfriend mo? Nasaktan ka na ba ng mismong pinagkakatiwalaan mo? Handa ka bang masaktan para sa ikaliligaya ng iba? Nagparaya ka na ba? Kahit alam mong mahal mo siya?