Chapter One : Call Sign?

608 21 11
                                    

Chapter One

Laurenette's POV

Minsan talaga di nakakaintindi ang mga tao. Kahit na sinabi mong busy ka, kukulitin at kukulitin ka pa rin para ipagawa yung gusto nila. Tulad na lang nitong lalakeng 'to, alam niyang busy ako eh isinisingit niya pa yung pagpapagawa niya ng assignment kesyo may bet game pa raw silang tinatapos ng mga kaibigan niya. Ano naman kaya yun?

*bzzt*

From : Richie M.

Psst geh na :)

Tsk. Ang kulit ha. 'Di ata ako titigilan nito hanggang di ako nagsasabing gagawin ko.

To : Richie M.

AYOKO!

Manigas siya. Kung ano man yang bet game na yan, yun ang isantabi niya muna noh.

*bzzt*

From : Richie M.

Toilet paperrrr sige na plsss :(

Kulit naman neto, di na ba siya naawa sakin? Chicken. Di niya ba pwedeng itigil yung ginagawa niya? May salitang 'Game' sa pinagkakaabalahan niya eh, meaning naglalaro siya. Hindi ata makatarungan yung ako magpapakahirap gumawa ng assignment tapos siya maglalaro lang? :(

To : Richie M.

Toilet Seat, ako'y tigil tigilan mo ha, kung ayaw mong mapukpok ng libro bukas.

-

-

-

-

-

-

Kung may nabasa man kayong kakaiba dun sa itaas, basahin niyo ulet at nang marealize niyong tama kayo ng basa. Nakakacurious ba? Pero talagang TOiLET PAPER ang tawag niya sa akin TOiLET SEAT tawag ko sa kanya, toilet seat cover sana yun kaso ang haba. Kung paano to nagsimula? Itanong mo sa kanya. De joke. Ganito kasi yun

-

*FLASHBACK

"Okay class, since tapos na ang first quarter, kailangan niyo na ng bagong sitting arrangement," mga salitang nagpabago sa lahat. Weh? Di nga? Adviser namin nung First Year kami ang nagsabi niyan at ayun nakatanggap siya ng iba't ibang reaksyon mula sa amin. Siyempre nung sinabi niya yan, nagkagulo, literal na tapunan ng papel sa adviser at walk out ng mga estudyante, tapunan ng chairs, suntu- joke lang, impluwensiya ng Gokusen eh.

"Nihh, ma'am," kami yan. Nung first quarter kasi eh kmi pumili ng sitting arrangement namin, meaning katabi namin yung mga kakilala na namin, pag magchange ng seats, paano nako? Paano pag nahiwalay ako kina Rodzie at Praise?

"Change na daw," huh? lumingon ako tapos nakita ko ang isang pigura ng lalake, kasing tangkad ko lang.. siguro?

"Ako kausap mo?" tanong ko at tumayo sa kinauupuan ko. Baka naman kasi iba tapos sasagot ako, major kahihiyan eh.

"Oi babae, ikaw lang naman po yung nakaupo parin kanina," singit ni Praise. Grabe, binara pako. Lumingon ulit ako dun sa lalaki, pero naglakad na siya papunta sa harap. Tsk, suplado.

Pumunta na lang din ako sa harap saka kumuha ng kapirasong papel para sa # ng new seat ko.

-

-

-

Kung may swerte, may malas. Swerte kasi same row lang kami ni bestie Zie at nasa likod niya lang si Praise, ang malas eh pinapagitnaan kami ni Zie ng isang lalaki, yung kaninang kinausap ako.

Joke ba 'to?

-

-

-

-

-

Ilang months ding ganun ang sitting arrangement. At akala ko suplado tong katabi ko, hindi pala. Ang ingay niya, sobra, lagi tuloy kami nase-special mention ni Zie nang dahil sa kanya. Siya nga pala si Richie Magdaraog. One word to describe him - maTrip. Yung one time nga nagsusulat kami ng lecture, bigla niyang tinanong, "Sino pumatay kay Lapu-Lapu?"

"Oh, oh! Alam ko yan!" pabulong na sagot ni Zie, "Si.. basta alam ko yan!" Oo na, alam mo na.

Hanep nagthinking gestures pa. Nahiya naman ako kasi di ko alam sino. Nasa History ba yun?

"Alam ko na! Si magellan!" proud na proud na sabi ni Zie eh mali naman.

"Tange! Si Lapu-Lapu pumatay kay Magellan, binaliktad mo ehh," singit ni Praise. Haha tama nga naman, kailan pang bumaliktad ang history *tango tango*

"Malay mo minulto ni Magellan si Lapu-Lapu, tapos naHeart Attack siya," patawang sabi ni Rodzie. Teka parang may point siya.

"Ang wild ng imagination Zie," comment ko,"Eh sino nga ba, Chie?"

"Andali niyong mag-give up lam niyo yun? Simpleng logic eh," sagot ni Richie, nasamaan tuloy namin siya ng tingin, "Eh di yung mangingisda!"

1

2

3

4

5 seconds na nagThree-Way glance kami nina Zie at Praise. Okay. Tatawa na ba kami?

"Patok naman joke ko ahh?"

"Uhmm. No. Corny mo toilet seat," takte! Lumabas lang sa bibig ko. Paano naman kasi nasobrahan sa kakanood ng Clannad. Impluwensiya ni Sunohara eh, Toilet Seat Cover ng Toilet Seat Cover kasi siya, nahawa tuloy ako.

*End of Flashback

At dahil sa pangyayaring yun, naging Toilet Paper ako. 'Di raw kasi siya papatalo kaya nag-isip ng mas matindi kunu. Yung naisip niya? Toilet paper at tama siya, di nga siya talo. Paano naman kasi yung toilet paper.. pamunas, pamahid - phew. Saklap at nakakadiri.

From : Richie M.

Plsss. :(

Napabuntong hininga na lang ako. Sadyang di ko matanggi-tanggihan eh kasi di naman ako titigilan neto.

To : Richie M.

fine. but you owe me

From : Richie M.

Yes. Thanks, tp! I love you, bestfriend!

*dugdug*

Teka, tama ba yung nabasa ko?

Wait. Dapat galit ka, Lau! Galit. Grr. Takti, feeling ko tuloy na alila ako at hindi bestfriend. Ang sakit sa puso, pramis! XD Bahala na nga, re-write ko na lang answers ko tapos, tapos na. Easy. Saang subject nga ba ulit yung assignment namin?

Patay! Essay pala 'to.

-

Dear planner,

Bukas na bukas din, ipapasalvage ko yang Richie na yan!

--End of Chapter One--

waah . pangit ba? leave naman ng feedback ohh :) appreciate ko talaga yun.

Special thanks kina Laurenette Trinidad, Praise Sayo Toribio, Rodzie Hitsugaya at Richie Magdaraog sa pagpapahiram ng cute names niyo ^^

Comment Vote Enjoy

Just be Friends (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon