Kabanata III

55 3 0
                                        

"Hi Era." Napairap nalang ako ng bumungad sa akin ang muka ni Luke.

"Ano nanaman bang kaylangan mo?" Inis kong sabi at dirediretso akong naglakad para malampasan ko siya.

"Matamis mong OO.. Yun ang kaylangan ko ! Maibibigay mo na ba sa akin iyon?"

"Pwede ba wala akong sa mood para pag tripan mo! Umalis kana at mag rereview pa ako." Iritang sabi ko.

Dumiretso na ako sa library para kumuha ng libro na kaylangan ko . Nang makuha ko na 'to ay naupo na ako at nag simulang may take down notes.

May umupo sa harap ko at di ko nalang pinansin at pero ng mag salita ito ay nasira nanaman yung araw ko.

"Ano?" Mahinang sabi ko ng ngumiti siya sa akin.

"Ang cute mo talagang mag sungit." Bulong niya pero napatingin na sa amin ang mga kasama namin sa table.

"Di ako aso." Mahina siyang natawa kaya napatingin sa amin ang librarian .

"Shhhh.." Napayuko nalang ako sa pag ka irita ko.

Ibabalik ko na sana ang aking atensyon sa libro ng pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok si Ate Ema at dumiretso sa direksyon ko.

"Halika sumama ka sa akin." Napakunot ang noo ko.

"Ate may Ex-"

"Bibigyan ka nila ng Especial exam. Kaya tara na." Nag padala na ako sa kanya na hila hila ang braso ko.

"Ate saan tayo pupunta?" Nalilito kong tanong ng pasakayin niya ako sa kotse nila.

"Nag file ako ng one week absences para sa ating dalawa. Kasi susundan natin si Kuya sa New York! Ayoko na mapunta siya sa babaeng yun. Alam ko na ang baho niya! Kaya humanda siya sa akin." Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Alam kaya ni Mommy at Daddy 'to? Mag tatanong palang ako ng bumaba na kami ng sasakyan sa bahay nila.

"Na ipag paalam na kita kila ninong. And nakaimpake na ang gamit mo so mag papalit nalang tayo." Wala sa loob kong tumango. Meron kasi si Ate Ema na aura na kaylangan hindi mo siya pwedeng tanggihan kundi ay may mangyayaring di mo magugustuhan.

Andito na din pala ang maleta ko. Nag palit nalang ako ng damit at okay na habang si ate Ema ay nag kulot pa tapos nag ayos pa ng bangs niya.

"Tara.." Tumango nalang ako at kinuha na ang Driver nila ang maleta naming dalawa. Hinanap ng mata ko si Elly pero bigo ako. "Di siya sasama.." Tumango nalang ako.

Pag karating namin sa nag check in agad kami ni Ate. Nakaupo lamang ako habang inaantay tawagin ang aming flight . Tumunog ang cellphone ni ate at padarag niyang sinagot ang tawag.

"What?" Sigaw niya. "Stop calling me Miguel! You can't stop me. And bakit hindi kayo ang ikasal , bakit kay Kuya? Oh shut up you asshole!" Sabi niya sabay putol ng linya at sakto naman na tinawag na ang flight namin.

NAGISING  ako sa tapik ni Ate sa pisngi ko kaya agad akong napabangon. "Ituloy mo yung tulog mo sa condo ni kuya , Tara na."

Sumakay kami ng cab at may sinabi si Ate Ema na place. Tumango lang ang driver. Saglit lamang ang biniyahe namin binaba kami nito. Napatingala ako sa pag kataas taas na building nito.

"Dito nakatira si Jan-Jan?"  Ngumisi si Ate Ema at tumango nalang.

"Yes, dito nakatira si KUYA Jan-Jan." Namula ang pisngi ko ng idiin niya ang Kuya kaya napaiwas ako ng tingin.

Agad siyang nag doorbell . Nakailang pindot siya bago tuluyang buksan ang pinto. Agad na may punyal na tumusok sa aking puso ng bungaran kami ni Marina na suot ang T-Shirt ni Jan-Jan.

"What the hell.?" Sigaw ni Ate Ema kaya napaiwas nalang ako ng aking tingin."Nasaan si Kuya?" Inis na sabi niya. Agad siyang pumasok at hinila ako papasok sa loob. "Paki pasok yung Maleta namin." Napatingin ako kay Ate Ema tapos ay napabaling ang tingin ko kay Marina halata ang lungkot nakarihistro sa muka niya.

"Ako n-"

"Era." Madiing tawag ni Ate kaya napatingin ako.

"Sige ako na magaan naman 'to." Siniglahan niya pero halata kong nabigo siya kasi pumiyok ang boses niya.

"Tara Era, magpahinga na tayo!" Ngumiti nalang ako kay Marina at lumakad na kahit kinokonsensya na ako.

"Ema.?.. Era?" Napatingin kami kay Jan-Jan na nag kakamot ng buhok at nanlalaki ang mata. "Anong ginagawa niyo dito? Alam ba 'to nila Daddy at Ninong?"

"Mamaya kana mag tanong pagod ako , tsaka inaantok na ako kuya!!" Kumapit pa si Ate sa braso ni Jan-Jan.

Ngumiti nalang si ate Ema at pumanhik na at pumasok sa kwartong blue ang pinto. Napatingin ako kay Jan-Jan na nakatingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Uhm..?! Saan pwedeng mag pahinga?" Tanong ko di ako makatingin sa kanya. Napakamot ako sa batok ko sa sobrang ilang ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa puson ko. Bahagya palang umangat ang damit ko at nakita niya ang tattoo ko sa gilid ng puson ko. Agad kong binaba ang damit ko.

"What's that?" Takang tanong niya sa akin.

"T-Tats.." Nakayukong sagot ko sa kanya.


"Alam ba ni ninong yan?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Hindi.. P-Pero alam naman ni Kuya.."

"Damn it Yuan.." Bulong niya pa. "Come here.." Hinila niya ako papasok sa pinasukan ni Ate Ema. "Sleep now Era.. Mag uusap pa tayo." Tumabi na ako kay Ate Ema na himbing ang pag kakatulog.

NAGISING akong wala nang katabi, bumangon na ako at nag aayos muna ng sarili bago bumaba.


"Bakit sinama mo si Era.." Galit na tanong ni Kuya . Dahan dahan akong bumaba .


"My Gosh kuya.. Open your eyes!! She isn't worth it.. Era is.." Galit naman na sabi ni Ema. "Just because of that damn agreement kuya? Really? Mabubulag bulagan ka sa totoo? Nasan na yung kuya ko na Handa ipaglaban ang mahal niya?" Galit na tanong ni Ate Ema.

"Here.. Fighting for someone who's not worth it."



"Just shut up Ema."




"What? Can't accept the ugly truth?" May panunuya sa tono ni Ate Ema. "Just think kuya kung sino ang mawawala pag tinuloy mo ang awa mo. At wag na wag kang mag hahabol pag buto na dating sayo at napunta sa iba. Dahil binabalikan mo lang 'to pag gusto mo na."



Matagal na tahimik ang namagitan at huminga ako ng malalim at nag kunwaring walang narinig tungkol sa pag tatalo nila.




"Good Evening.." Siniglahan ko ang tono ng boses ko kaya nadako ang tingin nila sa akin.



"Era, here oh.. Kumain kana!" Tumango ako at tumabi kay Ate Ema.


"Sinong nag tattoo sayo? Babae o Lalaki.?" Napatingin ako kay Jan-Jan na nakayuko lang sa pag kain niya.



"It's a boy right?" Tumingin ako kay ate Ema na nakangisi. "I have tats din kuya! Sabay kami ni Era nag pa tattoo, pero babae kasi nag tattoo sa akin."



Nakita ko ang pag yukom ng kamay ni Jan-Jan kaya lumawak ang ngiti ni Ate Ema. Padarag na binitawan ni Jan-Jan ang kutsara niya. At umalis at pumanhik sa kwarto niya.




Anong problema nun?

Wishing StarWhere stories live. Discover now