ED 2: Who's RJ?
"The most beautiful thing we can experience is the mysterious. It is the source of all true art and all science. He to whom this emotion is a stranger, who cannot longer pause to wonder and stand rapt in awe, is as good as dead: his eyes are closed." - Albert Einstein
Naka-stamp na kulay royal blue ang pagkasulat ng RJ na Old English ang gamit na font. Nilamon nang matinding kuryosidad si Jaizz. Pilit niyang inaalala kung may kilala ba siyang RJ. Lalo na't tinawag siya nitong CJ. Iyon ang palayaw niya noong bata pa siya. Wala nang tumatawag sa kanya ng ganoon sa ngayon.
"Who are you, RJ? Why did you know my childhood nickname?" pabulong niyang tanong.
Bigla na naman kumalam ang kanyang sikmura. Saglit siyang nag-isip kung kakain o hindi. Paano kung may lason ang pagkain? Naisip rin niya na hindi naman siguro siya lalasunin nito agad-agad. Siguro kung pinagsawaan na nito ang katawan niya, baka sakali pa. Naisip rin niya na tutal hindi naman siya ginahasa nito, kailangan niya talagang kumain upang magkabawi ng kanyang lakas, para kung sakali man ay makalaban siya rito.
Tiningnan niya ulit ang pagkain. Natakam siya dahil pawang mga paborito niya ang nakahanda. Health conscious siya kaya complex carbs and kinakain niya tulad na nga ng brown rice. Lalo pa siyang naglaway nang makita ang malalaking sugpo na tila sariwa bago niluto. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, nilantakan na niya ang grasyang nakahain. Hinigop pa niya ang mainit-init pang sabaw na tamang-tama ang asim.
Bakit ito ang ihinanda niya sa akin? Pinoy ba siya? Ba't alam niya ang sinigang? Baka Pinoy ang cook niya. Kilala ba niya talaga ko? Kilala ko ba siya? Sunod-sunod niyang tanong sa kanyang isipan.
Hindi niya maiwasang balikan ang nakaraan.
"Anak, sigurado ka bang kaya mong magti-travel kang mag-isa sa Europe? Puwede natin ipare-book ang flight mo para masamahan kita," nag-aalalang sabi ng kanyang ina.
"Mom, as if, it's my first time to travel alone. I'm fine! Kayo na lang po ni Dad ang mag-Europe Tour next time for your second honeymoon, third, fourth... ahh, ewan!" sagot niya.
Halos kada taon ay nagti-travel silang pamilya noon maliliit pa kami ni JC, ang makulit na nakababatang niyang kapatid. Sa tatlong taon na nagkalipas, hindi na sila sumasama ni JC sa magulang. Kaya laging biro ng kanilang daddy na magse-second honeymoon sila ng kanilang mommy.
"Oo nga naman, sweetheart! Pagbalik ng dalaga natin, tayo naman ang aalis." Niyakap pa ng dad niya ang kanyang ina mula sa likod at hinagkan sa pisngi. Pinamulahan naman ng mukha ang kanyang ina na tila teenager na nagbi-blush sa kilig.
"Tss! Mom, Dad, get a room! You're breaking the innocence of my naïve mind!" JC told their parents then chuckled. He's 17 years old. Jaizz is six years older than him but breaking the innocence of his naïve mind... Oh, no! He was only thirteen when he had his first girlfriend, and until now, he's dating different girls.
"Puwede ba, JC, don't play naïve there!" Inismiran niya ang kapatid.
"Oo pala. Si Ate Jaizz lang ang naïve. Still NBSB until now! Ba't 'di ka na lang kaya mag-madre, 'te?"
Parang wala nang bukas kung makatawa ang hinayupak niyang kapatid. Kaya binatukan niya. "Aray naman, ate! 'Di na bagay sa kaguwapuhan ko ang binabatukan! Tss! Ako na lang kaya ang sasama sa 'yong mag-travel?"
"No way! Ayokong mag-baby sit sa 'yo." Inirapan na naman niya si JC.
"Baby sit? Ako? Eh, mas matangkad na nga ako sa 'yo." Hinawakan siya nito sa ulo at tinapik-tapik na parang tuta. Lampas balikat nga lang siya nito kahit pa 5'6" ang kanyang taas. Palagay niya ay 5'11" or 6' na taas nito. Matatangkad rin kasi ang lahi ng kanilang daddy. "Ikaw ang ibe-baby sit ko, baka may manligaw pa sa 'yo, do'n!"
BINABASA MO ANG
Enduring Desire [BMRSS]
AcakRe-posting again... Original posted in April 18, 2016. Deleted by WP on Sept. 18, 2016. Re-posted on September 19, 2016. Deleted by WP again on December 9, 2016. 2nd Reposting on December 20, 2016 WHY? Getting curious? Then, read it on... Only f...