I

2.8K 61 0
                                    

"Kuya Carlos!" Bati ni Paolo kay Carlos nang dumating na ito sa bahay. Agad niya itong nilapitan."Kuya, akin na ho yung  bagahe niyo. Ilalapag ko na po."

"Oh  eto oh." Ibinigay ni Carlos kay Paolo ang mga gamit nito. "Salamat, Paolo." Pasasalamat nito. Hinawi hawi ni Carlos ang buhok ni Paolo na parang natutuwang nakita ito, "Aba. Paolo, ang laki mo na ha. Parang kailan lang, kalaro pa kita nung batang bata ka pa."

"Hehehe. Oo nga po eh." Pagkatuwa ng kinse anyos na binata.

Nilapitan naman ni Paolo ang kasama ni Carlos, ang nakakabata niyang kapatid, si Bernadette. May karga-karga itong bata.

"Hello, Ate Bernadette!" Bati ni Paolo sa kanya.

"Oh, Paolo. Kamusta ka na?" Pangangamusta ni Bernadette kay Paolo.

"Ayos lang po, Ate." Sagot nito. "Ah, Ate, sino po yang batang karga-karga niyo? Yan pong natutulog." Tanong ni Paolo habang pinagmamasdan ang natutulog na bata.

"Ah eto ba, si Kyle. Anak ko siya."

"Aahh. Ilang taon na po?"

"Seven." Sagot ni Bernadette. "Nakatulog siya kasi ang haba daw ng byahe eh." Dagdag pa nito.

Kinuha na ni Paolo ang lahat ng bagahe nina Carlos at inilapag.

"Pasok po kayo, Kuya Carlos, Ate Bernadette." Iniayos naman ni Paolo ang uupuan nila. Nagwalis walis ng kalat. Nagbukas ng mga bintana at binuksan ang medyo lumang telebisyon nang may mapanooran ang mga bisita. "Sandali lang po ha, tatawagin ko lang si Nanay sa taas. Sasabihin ko lang na naandito na kayo." Sabay umakyat na siya nang hagdan paitaas para tawagin ang kanyang inay.

Di nagtagal, nagising na ang anak ni Bernadette. Lumiyad liyad ito at naghikab.

"Mom, nasaan na tayo?" Tanong ng bata sa kanyang ina.

"Nandito na tayo, anak. Dito sa probinsya." Sagot ni Bernadette habang inaayos ang damit ng anak. "Sa Panggasinan."

"Natatakot ako, Mommy..." Sabay yumapos ito sa nanay.

    "Wag ka matakot. Parang bahay lang din natin 'to."

"Where's Tito Carlos?"

"Oh, Kyle." Nakisama na rin si Carlos kina Bernadette sa mahabang kahoy na upuan. Doon sila naupo't naghintay.

"Natatakot daw siya." Ani Bernadette. Kinuha nito ang polbo sa bagahe at nilagyan sa likod ang anak.

"Natatakot ka, Kyle? Don't be! Di ba matapang tayo? Gaya ni Superman!" Sinubukan ni Carlos na pagaanin ang loob ng bata. "Gusto mo, Kyle, mamaya sama ka sakin, ipapakilala kita sa mga bata dya'an para may kalaro ka na dito." Pang-aanyaya nito nang nakangiti sa bata.

Hindi sumagot ang bata at lumihis na lang ng tingin habang nilalagyan ng bimpo sa likod ng nanay.

"Hayaan mo na. Masasanay din yan." Ang nasabi lang ni Bernadette. "Siya nga pala, Carlos..." Binago na nito ang usapan, "Si Isabelle, pupunta ba daw siya dito?" Tanong nito.

Napabuntong hininga si Carlos bago sumagot, "Ewan ko nga ba eh. Ewan ko ba kung galit pa din sa akin."

"Bakit ba daw siya nagalit?"

Madre Lucinda ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon