Kinabukasan. Umaga. Nasa sala si Carlos at nanonood ng balita. Habang si Bernadette ay kinakausap ang mga pulis tungkol sa pagkawala ng kanyang anak. Napatayo sa kinauupuan si Carlos. Naisipan nitong itanong sa mga pulis kung may nangyari bang trahedya, kung sakaling alam nito ang gustong iparating ni Carlos, kung meron bang babaeng pinatay mga di kalayuan sa bus terminal.
"Sandali lang, Bernadette..." Paalam nito sa kapatid, "Mawalang galang na po. May naireport po ba sa pulisya ninyo na may nabaril kagabi? Isang babae. Di kalayuan sa bus terminal kung saan nangyari ang krimen? Meron po ba?"
"Ahh, iyon ba..." Mukhang alam nito ng pulis, "Oo e. Kagabi siya naireport. Iyon ba yung nabaril? Di pa kasi nakikita yung suspek. Di daw matukoy kasi konti lang ang mga nakasaksi at di daw malinaw ang mukha nung lalaki. Pagnanakaw ang hinihinalang dahilan. Sa pagkakatanda ko, may nakita daw sa kanyang ID. Ahmm... I-Isabelle ata ang pangalan." Ang sabi ng pulis na kausap ni Bernadette.
Naliwanagan na si Carlos. Totoo nga ang narinig niya at ang hinihinala niyang nangyari, "S-Sige po. Salamat..." Dumiretso si Carlos sa puwesto nito sa upuan, umupo at tumungo. Nagagalit. Nanggigil sa sarili. Ang kanyang kapatid, napatitig na lang sa kanya. Naaawa.
"Kuya..." Tawag ni Bernadette sa kapatid. "Di pa daw nakikita si Kyle. Sasama na ako ngayon sa kanila sa paghahanap." Walang naisagot si Carlos. Mas problemado ito sa nangyari sa kanyang nobya. Hindi na itinanong ni Bernadette kung sasama ang kayang kapatid, "Tara na ho," Ang sabi niya sa mga pulis kaya't umalis na sila at naghanda na sa paghahanap.
Naiwan si Carlos. Mag-isa nanaman. Sunod sunod na ang nangyayaring kamalasan sa buhay nila. Apat na ang nawala. Alam niya ang nangyayari. Di lang niya ito matanggap. Napuno ang galit ni Carlos kay Madre Lucinda. Alam niyang dahil sa madreng iyon kaya nagkakaloko loko ang buhay niya. Dahil sa kwento nito. "Hindi ko na mapapatagal pa ang kalokohan ng madreng yon! Alam ko siya ang dahilan kung bakit nawawala ngayon si Kyle. Kailangang tapusin na to'!" Ang sumpa nito sa sarili.
Iyon nanaman ang paglalakbay niya papuntang bahay, o ang sinasabing dating bahay ampunan, kung saan dati'y nag-aalaga ang lola niya, kung saan isinilang at namatay si Madre Lucinda. Buong tapang niya itong pinuntahan. Walang takot. At gagawin niya ang lahat para sa pamilya. Kung kaya niya lang saktan ang hindi totoo, gagawin nito, pero hindi.
Madali niyang natunton ang bahay. At di pa nakakapasok sa loob si Carlos, narinig na niya ang malamig na boses ng matanda, "Carlos, bumalik ka..." Sabay humagikgik ang matanda.
Agad niyang pinuntahan ang pinto sa likod. Sinubukan niya itong bukas ngunit ayaw na nitong bumukas. Sinipa sipa niya ang pinto ng buong lakas at ibinuhos na ang nararamdamang galit ngunit ayaw magbukas ng kinakalawang na pinto. Nakita niya ang bintana. Binato niya ito ng bato at nabasag ang salamin ng bintana. Sinipa sipa ang mga natirang salamin. At buong tapang na pumasok sa loob ng bahay. Madilim. Nabibilang na lang ang mga natirang maliliit na kandila. Ngunit buong tapang na hinarap ni Carlos ang dilim ng bahay.
"MADRE LUCINDA! ILABAS MO SI KYLE!!" Ang isinisigaw ni Carlos habang kinakapakapa ng paa ang daan papuntang hagdan papuntang itaas na palapag. Ngunit ang naisagot lang ng matanda ay isang nakakakilabot na hagikgik nito. Madaling pumunta si Carlos sa hagdan, inakyat ang marupok na kahoy na hagdan papunta sa kinaroroonan ng madre, sa terasa. At nang pagbukas niya ng pinto ng terasa, ang inaakala niyang matanda na nakaupo sa tumba tumba ay wala roon. Nauga mag-isa ang tumba tumba. Nagtaka ng maigi si Carlos. Nang biglang naramdaman ni Carlos ang malamig na haplos sa kanyang braso. Nagulat siya, napatalikod at tinignan kung sino ang humawak sa kanya. Nang pagtalikod niya, tumambad sa kanya ang madre, si Madre Lucinda. Nakatayo. Maayos. Ang iisang mata, nakatutok kay Carlos. Habang ang mga ngising parang nagbabalak ng masama.
BINABASA MO ANG
Madre Lucinda ✔
HorrorMakinig ka upang mabuhay ka. Makinig ka at tapusin ang kwento ni Madre Lucinda. Dahil sa oras na ibuka niya ang kaniyang bibig at magsimula, Wala ka ng magagawa kundi makinig sa istorya. Tuklasin ang kababalaghang bumabalot sa isang bayan sa probins...