Biyernes. Mag-isa sa bahay si Carlos. Nasa pulisya si Bernadette kasama ang anak, pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan ni Aling Sally. Naglilibot si Carlos. Sa dingding ng bahay nakasabit ang mga lumang litrato. Nandoon ang litrato niya noong bata siya at si Bernadette. Ang mga litrato ng lola niya at ang mga anak nito. Ang litrato ng nanay nila Carlos at ang asawa nito. Ang litrato ni Aling Sally at noong sanggol pa lamang si Paolo. Nandoon sa dingding nakasabit ang mga alaala ng mga nakaraan. Ang daling balikan ang mga masasayang alaala. Ngunit ang hirap tanggapin na ang mga taong ito, namayapa na. Napapangiti si Carlos, hindi na lamang niya pinapansin ang mga alaalang dapat nang kalimutan.
Umakyat ng itaas si Carlos. Dumiretso sa kwarto ng lola. Wala na roon ang matandang nakasanayan niyang makita sa tuwing pinupuntahan niya. Maaliwalas ang paligid. Hindi makalat. Nakaayos ang lahat ng gamit. Naalala nanaman niya ang mga alaala ng kasama niya ang lola; noong bata pa siya at linalaro laro siya nito.
Sa gitna ng pagmamasid ni Carlos, naalala niya ang drawer. Ang drawer na itinuro sa kanya ng lola niya bago ito mawala. Nilapitan niya ulit ito. Binuksan. At nandoon pa rin ang nakita niyang mga damit ng matanda. Ngunit napaisip siya ng malalim. Anong gustong iparating ng lola niya. Bakit nito tinuro ang drawer na ang laman lang naman ay mga damit niya, wala nang iba. At ang naisip ni Carlos, hindi ang mga damit ng matanda ang tinutukoy nito. Malalim. At nang hilahin niyang maigi ang drawer, tinanggal na niya ito, doon na niya nakita ang gusto talagang iparating sa kanya ng matanda. Sa ilalim ng drawer, nakita niya roon ang isang album ng mga lumang litrato at isang brown na lumang kuwaderno. Kinuha niya ang album. Agad na binuksan. Nandoon ang mga litrato ng matanda na nakasuot ng pangmadre. Puro litrato niya na nakamadre at nasa isang bahay. Magandang bahay. Mayroon ring mga litrato ng bata. Maraming bata kasama si Lola Nyebes, si Madre Nyebes. At mga sumunod na litrato ay may kasama na si Lola Nyebes. Ibang madre. At karamihan ng mga litrato dito ay may kasama si lola, dalawa lang sila, babaeng madre din. Sa pagusad pa ni Carlos sa mga sumunod na litrato ay unti unting umaaliwalas sa isip niya ang mukha ng madreng kasama ng lola niya, unti unti niyang namumukhaan. Hanggang sa, "N-Nanay... Lucinda..." Ang mukha ng nakilala niyang matandang babae sa bahay na nakita niya sa kakahuyan ang namukha niya sa kasama ng lola niya. Nakasuot rin siya ng pangmadre. Si Nanay Lucinda, si Madre Lucinda.
Ibinalik ni Carlos ang album sa loob. Kinuha naman niya ang lumang notebook. Pagmamay-ari ng Lola Nyebes niya iyon. Diary ito ng lola niya. Agad niyang ibinuklat para basahin.
Hunyo 1985. Ang dami kong nakilalang bagong kaibigan dito sa bahay ampunan. Mga bago kong kapwa madre. At mga bibong bata. Nakilala ko rin si Lucinda. Madre rin siya gaya ko. Bago rin siya rito. Siya ang naging malapit sa akin sa lahat. Masaya siyang kasama. Sa awa ng Diyos, maayos namang umuunlad ang ampunan na ito. Masaya ang bawat isa. Lalo na ang mga bata sa twing kasama si Lucinda. Ang mga bibong bata, madaling dumederetso sa terasa pagkatapos kumain. Doon kasi nagkukwento si Lucinda, sa terasa. Masayang masaya naman ang mga bata kapag nagsimula na si Lucinda.
Hulyo 1985. Nagpapasalamat ako sa maayos na pamumuhay ng mga bata rito sa bahay ampunan. Para sa malusog na pangangatawan at sa paggabay Niya sa mga bata habang lumalaki. Nagkaroon lang ng konting problema sa pinansyal dito sa ampunan ngunit sa pamamagitan ng Panginoon malalagpasan namin ito.
Agosto 1985. Masayang masaya ako. Ipinanganak na kasi ang apo ko sa bunso kong anak. Si Carlos. Maputi siya. At mukhang lalaki ito ng maayos. Ukol naman sa bahay ampunan, medyo nagigipit na ang pondo namin. Konti na lang ang nailuluto namin. Sinusubukan na lang ipagkasya sa mga bata. At isa pa ang napansin ko, kay Lucinda. Parang nagbabago na ang ugali niya. Hindi ko maintindihan sa kanya. Ganoon man, pinakikisamahan ko pa rin siya ngunit madalang na. Ayaw ko namang manghusga dahil masama ang manghusga ng kapwa. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nananatili kaming matatag. Manalig lang sa Panginoon at ang lahat ay malalagpasan ng sinuman.
BINABASA MO ANG
Madre Lucinda ✔
HorrorMakinig ka upang mabuhay ka. Makinig ka at tapusin ang kwento ni Madre Lucinda. Dahil sa oras na ibuka niya ang kaniyang bibig at magsimula, Wala ka ng magagawa kundi makinig sa istorya. Tuklasin ang kababalaghang bumabalot sa isang bayan sa probins...