Chapter 10- I think I'm falling

75 3 0
  • Dedicated kay Mitzi Abat Reveche
                                    

 Dedicated to kay MITZI ABAT REVECHE... love u mitz.., dumuduty ka pa din huh ahahah

tnx. at nagustuhan mo ung story ko

:))))))))))))))))) <3

________________________________________

Natapos ang buong klase ng hindi na ako lumilingon kay Renz kasi sa sobrang hiya ko...Ano ba naman kasing pumasok sa mahiwagang utak ko at nasabi ko yung mga sinabi ko kanina.

Nagmamadali na akong ligpitin yung gamit ko dahil alam kong kukulitin ulit ako nito ni Renz...

Pero sa sobrang pagmamadali ko nalaglag yung ballpen ko...

Ang tanga naman kasi Trixie eh....

Nung pagdampot ko biglang....

Nagkauntugan kami ni Renz., sinubukan niya din kasing damputin yung ballpen ko..

Badtrip naman to si Renz, ang sakit tuloy..

Pero bigla akong napatigil ng nakita at naramdaman kong hawak niya ang kamay ko...

Hawak niya dahil dadamputin niya nga sana yung ballpen

Ang tagal kong tinitigan ng malapitan yung mukha ni Renz..bakit parang siya ay mukhang gulat din sa nangyayari...

At parang wala siyang balak bitawan ang kamay ko...

"Trixie uwi na tayo"- mitzi

Nagulat ako kasi bigla nalang akong natumba..dahil tinulak ako ng magaling na si Mitzi...

At ang ending natumba ako sa dibdib ni Renz, parang telenovela na napapanuod sa tv, takte ka talaga Mitzi, pahamak ka talaga

Langhiya ang bago ni Renz ... o_O bakit ganun parang ayoko ko ng tumayo pero nahiya naman ako diba kasi lahat ng klasmate ko nakatingin samen...

"Mitzi at Renz ang agang liveshow naman niyan...mamayang gabi na ahahah" -klasmate nmen

Lintik...kinikilig naman ako ahaha, kahit kailan ka talaga Mitzi, kung minsan napapakinabangan ka din ahahah

Tumayo na ako, masyado na akong nasiyahan sa piling ni Renz ahahah

"Renz ok ka lang "- Mitzi

"So Mitzi, si Renz pa talaga ang una mong tinanong kung ok ba siya, eh diba ako ang tinulak mo"- Trixie

"Ikaw nga yung tinulak ko, pero ang sumalo sa iyo ay isang magandang nilalang, sa tingin ko naman ok na"- Mitzi

Si Mitzi talaga ang isang halimbawa ng isang tunay na kaibigan...Sana hindi kayo magkaroon ng kaibigan na katulad niya, ang malas ko lang dahil nagkaroon ako huhuhuhu

"Ok lang naman ako, ikaw trixie ok ka lang"- Renz

Buti pa tong si Renz tinanong ako...kinilig naman ako ahahah, pero napansin ko bahagya siyang napaaray dun sa kamay niya sa pagkakaalam ko yung kanang kamay niya yung pinangtukod niya sa sahig para hindi ako gaanong bumagsak.

"Ok lang ako, ikaw mukhang masakit ang kamay mo"- Trixie

"Ah heto, ok lang to, malayo kay kamatayan to"- Renz

"Renz gusto mo dalhin kita sa clinic, willing akong magbantay"- Mitzi

Heto na naman si Mitzi, umeepal na naman, ang hirap dito kay Mitzi kapag  may gwapo masyadong active eh..

"Ok na nga siya diba Mitzi, nagyaya ka pang magclinic eh"- Trxie

"Tinatanong lang naman eh"- Mitzi

Kapag nasisindak si Mitzi tumatahimik naman..ahahah, hala may nakalimutan ako iyong isa ko pang bag na maliit...

"Mitz, paantay ako dito may nakalimutan lang ako"- Trixie

"Araw-araw naman eh may nakakalimutan ka eh"- Mitzi

"Saglit lang samahan na kita"- Renz

Nagulat naman ako dun sa nagsalita...si Renz sasamahan ako, babalik lang ako ng room, hayaan ko na lang ahahah ...babae ka talaga Trixie..

Tumakbo na kami..para kaming mga bata na naghahabulan pero mukhang hindi naman ahahah (ang gulo) pero ito ang kinagulat ko...

Hinawakan nya ulit yung kamay.. this time mas mahigpit at parang wala siyang balak bitawan iyong kamay ko..

Ang eksena namin HOLDING HANDS WHILE RUNNING... ahahah

pero bigla siyang tumigil...parang umaray siya sa kamay niya..

"Ok ka lang ba talaga"- Trixie

Binitawan ko na yung kamay niya

"Ok lang ako, titiisin ko lahat ng sakit kung kapalit naman nito ay mahawakan ko itong kamay mo, Hayaan mo lang na hawakan ko ang kamay mo dahil sa ganitong paraan ko lang mapaparamdam na mahalaga ka sa akin at di ko hahayaang masaktan ka" - Renz

Napanganga ako sa speech ni Renz..bakit ganon ka Renz sa sobrang sweet mo hindi ko maiwasang mahulog sayo...bakit Renz?? ayoko muna....idadaan ko nalang muna ito sa biro..

"And drama mo huwag ka ngang ganyan, kinikilig ako, ahahah "- Trixie

"Eh di kiligin ka, para sa susunod magustuhan mo na ako hanggang sa handa ka ng mahalin ako"- Renz

Hindi ko na carry to..Renz huwag kang ganyan...

Buti nalang dumating yung klasmate ko at bitbit niya yung bag na dapat sana babalikan namin ni Renz

"Trixie, yung bag mo nakalimutan mo"- klasmate nmen

"Salamat, ito nga sana yung babalikan namin ni Renz eh, diba R--renz"- Trixie

Nung pagbanggit ko sa pangalan ni Renz at tumingin ako sa likod ko wla na siya...ang bilis namang umalis nun...anong nangyari dun

"Ah sige salamat ulit"- Trixie

Umalis na iyong Classmate ko, umalis na din ako pero hindi ko nakita si Renz akala ko nag CR pero wala naman eh, nung nakita ko si Mitzi tinanong ko siya

"Nakuha mo na ba?"- Mitzi

"Oo, binigay saken.. saglit lang Mitz, nakita mo si Renz"- Trixie

"Eh di ba kayo magkasama, bakit ako pa tinatanong mo"- Mitzi

"Eh baka kasi dumaan dito eh"- Trixie

"Umuwi na tayo Trixie nagugutom na ako huwag mo ng hanapin si Renz malaki na iyon, at tsaka hayaan mo naman ang sarili mong mamiss mo siya"- Mitzi

Ako pa tuloy ang makakamiss sa kanya..pero parang totoo namimiss ko siya alam kong OA kasi parang kanina lang nakita ko siya...pero nasanay ang mga magagandang mata ko na siya ang nakikita at palaging bumabalik sa utak ko iyong mukha niya sa malapitan..

Naisip ko na parang may kamukha siya..hindi ko lang alam kung sino pero parang nakita ko na  siya...aist nevermind...

Bumabalik-balik sa tenga ko yung mga sinabi niya sa akin.....

Bakit ganun..hindi ko mapigilang unti-unting mahulog sa kanya. pero natatakot ako na baka kapag sinalo niya ako ay bigla niya din akong ibagsak na alam kong napasakit..

Hangga't maaari pipigilan ko muna ang sarili ko, hindi pwede to...

______________________________

Sana sipagin pa akong mag-update

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon