Laurence POV
"I can't believe napapapayag mo parents namin para sumama sa inyo"-Elaine
"Oo naman. Malakas kami sa parents niyo eh"-Laurence
"Sino nga ba nakaisip nito?"-Victoria
"Si Laurence lahat nagplano. Pero kami na gumawa ng paraan para mapapayag parents niyo"-Adrian
Actually andito kami sa Villa ng family ko. Tambayan naming boy barkada dati and ngayon dito kami magcecelebrate ng new year
Napapayag din namin parents nila.
Isa lang ang malungkot samin dahil wala yung kapartner niya
"Ui Dominique umimik ka naman dyan. Huwag ka na masiyadong madepress"-Elaine
"Ayos lang ako. Hindi ko lang kaya na wala si Marianne dito. Teka lang at tatawagan ko siya"-Dominique
"Hala kawawa naman si Dominique"-Victoria
"Nasan nga pala si Pauline?"-Elaine
"Ah tulog pa siya eh. pinunta ko lang sa may sala"-Adrian
"Mabuti pa mag-stroll muna tayo sa may dagat. Sakto hindi na masiyado mainit doon"-Laurence
"Sige mauna na kayo. Antayin ko lang magising si Pauline"-Adrian
"Oi pare dadalawa lang kayo dito. Ingat ha. Or should I say mag-ingat si Pauline sayo"-Romnick
"Ulol !! Ano ano lang sinasabi mo"-Adrian
"Hoy Adrian kapag iyang si Pauline eh ginalaw mo lagot ka sakin!!"-Elaine
"Geez wala ako gagawin. Alis na nga kayo. Susunod nalang kami"-Adrian
Haha playboy ka kasi. Natural lang pag-isipan ng ganyan no
Pumunta na kami sa dagat at naglakad lakad lang ng pagtingin namin sa taas eh parang kumukulimlim Hindi namin masiyado pinansin dahil nga nag-eenjoy kami sa paglalakad sa dagat
Naeenjoy ko kasama si Elaine Yuucks korni haha..
Bestfriend ko iyan isipin mo yun Sira ka talaga Laurence
Habang naglalakad eh patakbo naman papunta si Adrian samin
"Oh tol anong problema??"-Laurence
"S-Si P-P-Pa.. P-Pauline"-Adrian
"Bakit??!! Anong nangyari sa kanya??!"-Elaine
"Na.. na.. uh.. na.."-Adrian
"Ano??! Sabihin mo na!!"-Victoria
"N-nawa-nawawala siya"-Adrian
"Ano??!! Akala ko ba binabantayan mo!!"-Elaine
"Halika na hanapin natin! Baka kung ano mangyari sa kanya!"-Dominique
Tsk hindi ko inaasahan na mangyayari to
Pinagtataka ko lang eh private tong lugar na ito kaya imposibleng pasukan ng kung sino sino lang.
Hmm teka lang...
"Hahahahaaahaahhaha"-Adrian
"Hoy anong tinatawa tawa mo dyan??! Nawawala si Pauline!! Hanapin na natin"-Elaine
"Haha actually joke lang yun. Sasabihin ko lang sana na nanews na may bagyo daw na parating"-Adrian
"A-Adrian!!!"-Elaine
Pagtingin ko kay Elaine eh halatang nagdidilim na paningin niya. Yung kamay niya handa ng sumuntok
"Bro Bro I think you better go back to the Villa now. Dali habang inaawat namin siya!"-Laurence
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet
Teen FictionSila Elaine, Pauline, Marianne at Victoria ay magbabarkada na masasabi nating may perfect na buhay nang bigla nilang may dumating na apat na lalaki na sumira sa buhay nila. Tuluyan bang masisira yung buhay nila? Pano nalang kung yung mga taong kinak...