~After 1month~
Marianne POV
hindi nanaman ako nakatulog ng maayos kagabi
Sinabi ko kay Derick kagabi na matutulog nako pero ayaw pumikit ng mata ko
Andami dami kong iniisip
Ang sakit na ng ulo ko grabe
Tapos sinabihan pako ng dean na ipractice ang Glee Club dahil may contest kami na sasalihan
Matagal ko ng hindi nakakausap si Dominique. Namimiss ko na sia
Hindi ko naman siya puwede puntahan dahil inaalala ko si Derick
Hay makapunta na nga ng gym
Nainform ko naman na ang lahat ng Glee club eh
"Hai ate Marianne"-Vivian
"hai Vivian.. Antagal kitang di nakita ah"-Marianne
"oo nga po eh. Busy po kasi sa studies ko"-Vivian
"maganda iyan. Pagpatuloy mo lang yan"-Marianne
"haha thanks ate. Ahy ate nabalitaan ko nga pala kayo na po ni kuya Derick. Congrats ha"-Vivian
"Ah nalaman mo pala yun. Salamat"-Marianne
"bakit parang hindi ka masaya ate?"-Vivian
"haha syempre masaya ako. Yaan mo na un. Tara punta na tayo sa gym"-Marianne
Ayaw ko pag-usapan ang mga ganyan ngayon
Magulo ang isip at puso ko
Basta alam ko masaya na ako kay Derick
"pero ate sayang no"-Vivian
"sayang ang alin?"-Marianne
"hindi po naging kayo ni Kuya NikNik"-Vivian
"ano ba sinasabi mo?"-Marianne
"huh??!! hindi mo po alam?! hala ayaw ko na po magsalita"-Vivian
"Vivian.. Sabihin mo sa akin. And please yung totoo"-Marianne
"ate sorry. Huwag na. May kuya Derick ka na eh"-Vivian
"Oh ano ngayon kung kami ni Derick? Ano kinalaman ni Dominique dun?"-Marianne
"akala po ni kuya NikNik at akala ko din po ay mas mahal mo si kuya Derick kaya po nireject niyo si kuya"-Vivian
"reject? Hindi nga siya nanliligaw eh"-Marianne
"pero lagi ka daw po niya kasama. Halos araw-araw daw po. Pero nung naging kayo na po ni kuya Derick eh wala ka ng time sa kanya. Kaya po parang nareject daw po siya"-Vivian
"Teka. Bakit naman siya makakaramdam ng ganyan eh ikaw naman ang gusto niya. Gusto mo nga din siya di ba"-Marianne
"kami? Gusto namin ang isa't isa? Hala hindi po ate! Si kuya Christian po ang gusto ko. Yun din po kasama natin sa Glee club. Kuya-kuyahan ko lang po si kuya Dominique"-Vivian
"Pero.. pero gusto ka niya"-Marianne
"Ikaw po ang gusto ni kuya NikNik.Kapag magkasama kami ay puro ikaw po ang pinag-uusapan namin kaya po ang saya saya niya"-Vivian
Ako???
Gusto ako ni Dominique???
Bakit ngayon ko lang nalaman??
Kung kailan naman kami na ni Derick
Pinacancel ko na lang yung practice kasi talagang hindi ako makaconcentrate
Hindi rin ako handang makita si Dominique kahit na si Derick
Uwian na at I'm sure inaantay na ako ni Derick sa may gate
Palabas na ako ng classroom ng nagulat ako na saktong papasok din pala si Dominique
"Uh.. a-andito ka p-pala"-Dominique
"Ah aalis na ako"-Marianne
Hindi ko siya tinignan ng diretsahan.. Hindi ko siya kayang makita
Lumabas na ako ng room at lumakad-takbo ako sa may corridor
Pero tumigil ako sa may bandang hagdanan dahil naisip ko na this is a great opportunity na malaman ang totoo.. na galing talaga sa kanya
Kailangan ko malaman ang TOTOO
Naglakas loob ako bumalik at andoon pa siya may inaasikaso
Kumatok ako at nagulat siyang napatingin sakin
"May tatanungin lang sana ako"-Marianne
"Ah puwede mamaya? Madami pa ako inaasikaso eh"-Dominique
"Hindi ko kayang maghintay. Kailangan ko ng makausap ka agad agad"-Marianne
"Inaantay ka na ni Derick mo sa labas. Punta ka na. Next time na lang"-Dominique
"Huwag mo nga akong iwasan!! Gusto ko sabihin mo kung bakit hindi mo inaamin totoo mong nararamdaman!!"-Marianne
"Ano ba sinasabi mo??"-Dominique
"Dominique please huwag mo na ikaila nararamdaman mo para sakin. Gusto ko malaman kung bakit.. bakit mo tinago??"-Marianne
"okay aaminin ko na lahat. Hindi ko kayang masira ang relationship.. ang friendship natin. Masaya na ako sa kaibigan lang turingan natin. At least magkasama tayo lagi. Masaya tayo"-Dominique
"Pero sabi mo si Vivian ang gusto mo"-Marianne
"Sinabi ko lang un para hindi ka maawkward sa ating dalawa. Saka kapag magkasama kami ni Vivian eh ikaw laging iniisip ko na kasama ko"-Dominique
"Bakit naman ganito.. sana naman sinabi mo na lang kaysa sa hindi mo inamin sa akin!!!"-Marianne
Grabe naiyak na ako.. hindi ko na napigilan pa
"Sorry.. wala lang ako lakas ng loob. Saka halata namang wala ka gusto sa akin at si Derick ang mahal mo. Kita mo nga kayo na. Wala na ako pag-asa pa"-Dominique
"Alam mo ba kung bakit ko siya sinagot?? Alam mo ba kung bakit siya na ang pinagtutuunan ko ng pansin??! Dahil.. dahil may isang lalaki na mahal na mahal ko na akala ko may mahal na iba pero yun pala.. yun pala naging torpe lang siya. Ako naman etong tatanga tanga"-Marianne
"A-ano??"-Dominique
"Oo Dominique Salvador!! Ikaw ang totoong mahal ko!! Pero nasaktan ako ng hindi mo namamalayan sa mga katarantaduhang ginagawa mo!!!"-Marianne
Pagkasabi kong yun ay tumakbo na ako palabas ng room
Ayaw ko ng marinig kung ano man ang sasabihin niya
Hindi na ako dumaan sa front gate.. sa may back gate ako dumaan. Iexplain ko na lang kay Derick bukas. Pati siya ay ayaw ko muna makita
Pagkauwi ko ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko
Isa lang malalapitan ko kapag ganito ako
Si Elaine
Tinawagan ko siya at agad naman siyang pumunta sa bahay
Binuhos ko lahat lahat sa kanya at nandoon lang siya nakikinig
Drama moment ako ng bigla may tumawag sa akin
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet
Teen FictionSila Elaine, Pauline, Marianne at Victoria ay magbabarkada na masasabi nating may perfect na buhay nang bigla nilang may dumating na apat na lalaki na sumira sa buhay nila. Tuluyan bang masisira yung buhay nila? Pano nalang kung yung mga taong kinak...
