Unexpected Love

367 7 3
                                    

Bakit ang dilim? Nasan ako?

Nagpalibot-libot ako pero san nga ba ako patungo? San nga ba ang direksiyon ng pupuntahan ko

Paano ko malalaman kung ang lugar na kinalalagyan ko ay napakadilim

"Hello??!!! May tao po ba ditto??!!" Sumigaw na ako ng pagkalakas lakas hanggang sa mawalan na ako ng hininga pero wala ni isang sumagot man lang kahit man lang sana mag-echo ang sinigaw ko kanina

Napaupo na lang ako sa lungkot. Ano ba itong kinaroroonan ko?

Napaiyak na lang ako sa nangyayari .

Habang ako ay umiiyak at nakatingin sa kawalan

Naramdaman kong may mabigat na dumagan sa balikat ko. Napalingon ako bigla. Nabigla ako dahil isang malawak na bakuran ang aking nakita habang may isang lalaki na nakatayo sa gitna habang papalapit siya sa akin ay binabanggit niya ang pangalan ko

Ang weird ng nangyayari pero iyong feeling ko ay magaan ang pakiramdam ko. Mas lalong weird pa ay Malabo ang mukha ng lalaki, dahil ba ito sa pag-iyak ko kanina?

Hindi ko namalayan pero nasa harap ko na pala ang lalaki

Hinawakan niya ang mukha ko at unti unting lumapit ang mukha niya. Napapikit na lang ako habang inaantay na maglapit ang aming mga labi.

Habang nakapikit ay bigla na lang may umalog sa akin ng napakalakas. Napamulat ako sa gulat at mas lalo pa ako nagulat ng nakita kong umaalog sa akin ay si Mama ko pala.

"Anak!! Gising na! Nakalimutan mo na ba na may pupuntahan tayo ngayon?!" Pabulyaw ni Mama na sinabi habang inaalog pa din ako

"Ma! Tama na nahihilo na po ako" Nairita kong sinabi. "Hindi ko po nakalimutan. Sige po babangon na ako"

"Hala sige bangon na at nakakahiya kung late tayo. Nandiyan na yung damit na isusuot mo"

"Opo sige na. Salamat" Bumangon na ako at diretso banyo agad pagkatapos umalis ni Mama sa kuwarto

Magsisimula pa lang ako maghilamos ng pagtingin ko sa salamin ay mugtong mugto pala ang mga mata ko. Napaisip at pilit ko inaalala kung ano iyong napanaginipan ko pero wala na akong maalala. Ang weird nga naman.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Saktong pagkatok ni Mama sa kuwarto ay handang handa na ako.

Bago ko makalimutan. Ako nga pala si Zephinaiah Elaine Tabernero.

Summer vacation namin. Pero isang linggo na lang pasukan nanaman ulit.

Pupunta nga pala kami ngayon sa kapit-bahay namin. May birthday party kasi. Actually Children's party siya.

Kaclose namin iyong kapit-bahay namin. Ako naman ay close din sa birthday boy lagi kasi siyang bumibili sa store namin at lagi siya tumatambay sa bahay at Masaya siya kasama. Name niya ay Jack Cortez.

Nakarating na kami sa bahay nila. Napakaingay grabe dahil Children's party nga eh kaya siyempre puro mga bata ang dumalo sa birthday niya. Bigla lumapit ang tita nung bata at kinausap kami

"Mare ...Elaine ,..salamat sa pagdating"

"Wala yun mare. Hindi naman na kami iba sa inyo eh. Eto nga pala Regalo ni Jack Jack" sabay bigay ni Mama ng napakalaking regalo.

"Mare talaga nag-abala pa oh. Salamat. Yung birthday boy kasi ayaw pa lumabas. Nahihiya daw. Nako Elaine puntahan mo nga siya at baka ikaw lang ang makakumbinsi na lumabas siya"

Natawa pa ako sa utos na tita niya. Napatango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay nila. May tiwala na sila sa akin. Lagi din naman ako minsan dito eh kaya alam ko na ang pasikot sikot sa bahay nila.

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon