Love In Disguise

25.4K 426 25
                                    

Love In Disguise
ckaichen©

Prologue
Shara's POV

"Jusper. Oh Jusper Kennedy Lopez. Dumating na din ang panahon na mag kikita tayo my love!" Hinalikan ko 'yung poster na hawak ko.

After two years of being fan matutupad na ang pangarap ko makita ang nag iisang lalaking nag papatibok sa puso ko. Kahit alam kong mahirap siyang abutin kasi sikat siya. Okay lang. Handa akong tumandang dalaga basta tatanda siyang binata. Ako ata ang number one fan niya. Support all the way ako!

Hindi naman kami mayaman kaya hindi ako makabyahe papuntang Manila katulad ng ibang fans niya. Ilang araw akong hindi kakain para makabili ng album niya. Makikiinternet ako sa bahay ng kaklase ko para makakuha ng update tungkol sa kanya. Mas matagal nga ata ang ginugugol ko sa kanya kaysa sa family ko. Pag kagraduate ko talaga, sa Manila ako mag hahanap ng trabaho.

Tinitigan ko 'yung katabi kong standee ni Jusper dito sa entrance ng mall.

"Iuuwi kita mamaya pag katapos ng mall show." Tinignan ko 'yung relos ko. Ilang segundo na lang mag bubukas na ang mall. Ilang oras na ata ako dito. Gusto ko kasi mauna sa pila eh.

10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1!

"AAAAAHHHH!"

Hindi ko na alam ang nangyari. Naramdaman ko na lang ang sakit ng kamay ko at binti na natapaktapakan kanina ng mga babaeng bigla na lang nag sulputan. Saan kaya sila galing? Eh kanina lang ako lang mag-isa.

"Are you okay?" Sinimangutan ko 'yung pesteng nag tanong.

"Mukha ba akong okay? Ikaw kaya pag tapak tapakan tignan ko kung maging okay ka! Psh." Na gulat ako nung bigla akong binuhat nung lalaki. "Hoy! Ibaba mo nga ako!"

"Hindi ka mukhang okay, dadalin kita sa ospital." Napakunot 'yung noo ko. May kaboses siya. Sino nga ba 'yun? "Miss your head."

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko na tumama sa roof ng van nila. Inupo na niya ako at pumasok na din siya.

"Lheine, sa hospital tayo." Napatingin 'yung 'Lheine' na tinawag niya.

"Are you kidding, Jusper? Malelate ka na!" Napakunot 'yung noo niya nung napatingin siya sa'kin. Alanganing ngumiti ako. "And she is?"

"Your name, miss?" Tinanggal niya 'yung shades niya. Napakurap kurap ako. "Miss?"

"Oh my god! Jusper?! Jusper Kennedy Lopez?" Bigla ko siyang na yakap. "Oh my god! Totoo 'to! Totoo!"

"Uhm. You're squeezing me tight." Medyo pigil na sabi niya. Napabitaw tuloy ako.

"I am your number one fan! Promise! Pwede pa picture?" Ngumiti siya. Napatitig na lang ako sa kanya. Gwapo siya sa picture pero shet! Mas gwapo aiya sa personal! Hindi binigyan ng hustisya 'yung mga picture niya!

"Lheine kunan mo kami ng picture. Uhm. Your camera?"

"H-huh?" Napakunot 'yung noo niya. "Ah! Camera!" Kinuha ko 'yung bag ko at hinalungkat para makita 'yung camera ko. "Asaan na ba 'yun?"

"Forget it." Bigla niya akong inakbayan at na gulat na lang ako nung may cellphone, na nakatapat saming dalawa. "Smile!" Hindi ko sure, pero nakanganga ata ako sa picture! "I'll keep this as a remembrance. What's your name?"

"Sh-shara. Shara."

"Pupunta pa ba tayo sa ospital?" Napatingin ako kay Lheine.

"H-hindi. O-okay na ko." Tinignan ko si Jusper. Ayoko man pero bumaba na ko sa van nila. "Please hintayin mo kong makagraduate. Promise pupuntahan kita sa Manila!" Ngumiti siya.

"Then see you sa Manila, Shara."





A/N: I dedicate this to crazygirlshara. Girl! Hope to see you soon! <3 Alam ko Magical Pen ang promise ko sayo, pero sana magustuhan mo itong pinalit ko. Hehehe.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon