Disguise Three: You're funny.

8.8K 255 13
                                    

Disguise Three: You're funny.
Shara's

Ito na siguro ang pinakabonggang kasal na napuntahan ko. Puro bigating artista at talaga namang puro kilalang tao ang imbitado. Nakakapanliit nga eh. Kung wala nga siguro ang The Cliché rito malamang, wala rin ako rito.

Nakakalula ang simbahan. Napakagarbo! At 'yung bride ang ganda ganda niya. Kapatid siya ni Sir Yael. Hindi na nakakapagtaka, nasa lahi talaga nila ang mga gwapo at maganda. Ngayon ko pinasasalamatan ang pagiging assistant ko. Sa probinsiya hindi ko ito maeexperience at siguro hindi rin kapag napunta na ako sa accounting department.

Tinitigan ko si Jusper habang kumakanta. Ang ganda ganda talaga ng boses niya. Alam niyo ba 'yunh feeling na ang lapit lapit siya pero feeling mo ang layo layo pa rin? Ayan na siya oh. Halos abot kamay ko na, pero bakit ang hirap hirap pa ring abutin. Hanggang tingin pa rin ako. Hanggang subaybay pa rin ako.

"Huy!" Napatingin ako sa gumulat sa akin. "Hi!" Nakangiting bati niya. Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya. "Justin ako, hindi si Jusper."

"H-huh?" Binalik ko 'yung tingin ko sa pwesto kanina ni Jusper. Wala na siya. "Nasaan na siya?" Naguguluhan kong tanong.

"May schedule pa kasing iba 'yun eh." Tinignan niya si Ma'am Ysabelle at ang asawa nito. "Hindi na niya siguro kaya pang kumanta sa kasal ng taong gusto niya."

"G-gusto niya si Ma'am?" Ngumiti lang siya sa akin.

"Labas tayo. Ang boring dito." Nanlaki 'yung mga mata ko sa tanong niya. "Bakit?" Natatawang tanong niya.

"H-hindi ako pwedeng lumabas, e." Palusot ko.

"Bakit naman hindi? Kaya na 'yan nila Mark." Nagtaas-baba ang kaliwang kilay niya. Hindi ko alam kung magtitiwala ako. Sabi ng utak ko 'wag, pero iba 'yung gustong gawin ng katawan ko. "Wala akong gagawing masama sa iyo." Nakagiti niyang sabi sabay alok ng kamay niya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos no'n. Ang alam ko na lang nasa labas na kami ng simbahan. Walang masyadong tao, may ilan lang mga tindera ng street food at sampaguita.

"So, permanent assistant ka na nila Mark?" Tanong ni Justin sabay upo sa isa sa mga batong upuan malapit sa amin.

"Hindi. Sa Accounting department lang talaga ako." Nakangusong tumango-tango siya.

Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kanya. Bakit kahit alam kong si Justin siya iba pa rin ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko kilala ko siya. Feeling ko nagkasama na kami.

"May dumi ba ako sa mukha?" Kunot noong tanong niya. Umiling lang ako. "Fan ka ni Jusper?"

Umupo na ako sa tabi niya, pero may agwat pa rin. "Oo." Matipid na sagot ko.

"Ano na gustuhan mo sa kanya?"

"Maganda kasi ang boses niya at gwapo rin. Mabait din siya." Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya hindi ko sinusubukang lumingon.

"So, may chance ka palang magkagusto sa akin?" Natatawang tanong niya. "Gwapo ako, maganda rin ang boses ko. Tingin ko mabait din ako." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. "Si Mark gano'n din." Tumaas 'yung kaliwang kilay ko. "Sinasabi ko lang, hindi lang si Jusper ang gano'n."

"Talaga bang lagi kang nakangiti?" Lalong lumapad 'yung ngiti niya.

"Oo. Nakasmile therapy ako, e." Ibinaba ng hintuturo niya 'yung nakataas kong kilay. "Nakakatanda raw kagad kapag laging nakasimangot at nagtataray." Hinawi ko 'yung kamay niya.

"Hindi ako nakasimangot at nagtataray 'no."

"Hindi ako nakasimangot at nagtataray 'no." Malanding gaya niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. "See? Mas bagay sa iyo nakatawa." Napahinto ako.

Ang lapit na ng mukha niya sa akin. 5 inch... 4 inch... 3 inch... 2 incー

"Ano'ng ginagawa niyo d'yan?" Napatayo ako at umiwas nang tingin.

"Sige maiwan ko na kayo d'yan." Paalam ko.

"Uy saglit lang Shara." Natataranta akong tumingin kay Mark.

"B-bakit?"

"Eh bakit namumula 'yang mukha mo? Naistorbo ko ba kayo?" Natatawang tanong niya.

"Uy w-wala!" Todo iling na tanong ko.

Nagtaasbaba taas baba ang mga kilay niya. Feeling ko tuloy umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

"Tumigil ka nga, Mark." Saway ni Justin.

Pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. "Ang init," sabi ko sabay hinga ng malalim.

Napangisi si Mark. "Shara tara na, punta na tayo sa reception." Tumango-tango ako. "Ikaw sasabay ka?" Parang nang-iinis na tanong ni Mark kay Justin.

"Hindi, may dala akong sasakyan pati kasabay ko si Jerykah. Kita na lang tayo do'n." Tumayo siya at inayos ang suot na puting polo at skinny black pants niya.

Ngayon ko lang napansin ang gwapo ng dating niya sa suot niya. Medyo formal pero may pagkarakista pa rin.

Napaiwas ako nang tingin nang tumingin siya sa akin. Wala nang nagsalita sa amin. Nagkanya-kanya na lang kami ng alis. Ako sumunod kila Mark at siya sa kotse niya. Nakita ko rin 'yung Jerykah ata 'yun, inalalayan niya kasing pumasok sa kotse nila.

"Eh..." Napatingin ako kay Mark. "Bakit ka nakatingin sa kanya?" Umiwas ako ng tingin at inayos ang upo ko.

"Kanino ako nakatingin?" Kunwaring tanong ko. Sinara ko na rin ang bintana ng sinasakyan naming van. "Kuya tara na." Aya ko sa katabi kong driver namin.

"Kunwari ka pa." Natatawang sabi ni Mark. Inirapan ko na lang siya.

Sa isang linggo ko silang nakasama, mabait naman pala sila. Lahat kalog. Mag-eenjoy ka. Hahayaan mo lang talaga sila sa mga personal matter nila. Kung walang kinalaman sa pagiging banda hindi ako p'wedeng makialam. Ayos lang naman 'yon. Hindi ko na nga naman talaga trabaho 'yon.

"Good morning, Shara." Automatic na napaangat ang kilay ko at nag-alangang ituloy ang paglakad ko.

Sino ba ito? Nakangiti eh. Si Justin?

"G-good morning din." Patagilid akong naglakad, pasimpleng lumalayo sa kanya.

Bakit ba ang awkward? Dahil ba 'to sa nangyari kahapon? Hindi naman natuloy eh! Teka! Wala naman talagang nangyari!

Napalunod ako ng ilang sunod nang tumayo na siya sa kinauupuan niya sa lobby.

"Ano'ng ginagawa mo?" Kunot noong tanong niya.

"Nagpapractice ako ng sideway walking para pagmaraming tao makakasingit ako?" Kunot noong sagot ko. Agad namang lumitaw ang ngiti sa mga labi niya.

"You're funny." Lumapit siya sa akin at inayos 'yung bangs ko na humarang sa mukha ko. "See you around." Kumindat pa ito bago ako tuluyang iniwan.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis bilis ng tibok nito. Shems. Ano ba ito?

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon