Disguise Four: Day Off
Tinapik tapik ako ang aking pisngi. Grabe. Inaantok pa talaga ako.
Sa dalawang linggo na pagsama ko sa The Cliché naranasan ko ang umuwi ng alas tres nang madaling araw para matulog at gumising ulit ng alas singko ng umaga para pumasok. Kaya siguro walang tumatagal sa kanila na assistant, wala naman kasi talagang humpay ang schedule nila.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Napakurap kurap pa ako dahil tagilid ang tingin ko sa mga bagay bagay.
“Gising ka na,” sabi ng katabi ko. Bigla kong nailayo ang ulo ko sa balikat niya. “Matulog ka lang kung gusto mo,” sabi niya ulit.
“Hindi o-okay na ako,” nauutal na sagot ko. Umurong ako ng konti. Masyado kaming magkadikit. “Kanina pa ba ako natutulog?”
Ngumiti siya. “Medyo,” sagot niya.
Naningkit ang mga mata ko. Kanina feeling ko si Jusper siya pero nang ngumiti na siya pakiramdam ko si Justin na siya. Binalik niya ang tingin na binigay ko sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan?” kunot-noong tanong niya.
“Sorry,” mahinang sabi ko, “Uhm. May way ba para malaman ko kung sino si Justin at kung sino si Jusper? Naguguluhan na kasi talaga ako sa inyong dalawa,” pag-amin ko.
“Wala,” mahinang sagot niya. Tumayo siya at sandaling tumingin sa akin pero umiwas din kagad. “Kanina ka pa yata hinahanap nila Mark,” nagpamulsa siya, “Sige, mauna na ako.”
“T—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ng isang crew.
“Ms. Shara, tapos na po ang The Cliché puwede na po silang umalis,” sabi sa akin ng crew.
“Ah, sige salamat,” sagot ko.
Mabilis na pinuntahan ko sila Mark sa dressing room nila. Naabutan ko silang nag-aayos na ng mga gamit nila. Pasimple akong umupo sa gilid para hindi mahalata na nakararating ko lang. May ilang Segundo pa bago nila ako napansin.
“Kanina ka pa d’yan?” tanong ni James.
“Medyo?” alanganing sagot ko.
“Hayaan niyo na siya, hindi naman pinagbabawal sa atin ang office affair,” natatawang sabi ni Mark, “'Di ba, Shara?”
“Huh?” naguguluhang sagot ko.
Inangat na nila ang mga bag nila at sabay sabay na tumayo. “Uwi na tayo, pagod na ako, e,” sabay sabay na sabi nila.
Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanila. Habang tinatahak namin ang kalakhang Maynila ay napapaisip ako. Ito na ang huling araw na makakasama ko 'tong makukulit na 'to. Simula bukas makukulong na ako sa opisina. 'Yun naman kasi talaga ang in-apply-an kong trabaho. Gusto kong sabihin na hindi ko sila mami-miss. Gusto kong sabihin na ayos lang na hindi na ako ang assistant nila simula bukas. Kaya lang ang hirap tanggapin. Kahit ano’ng gawin kong isip sigurado akong mami-miss ko sila.
“Shara,” tawag sa akin ni Mark. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita kasi feeling ko maiiyak ako. “Do you want to stay as our assistant?”
“H-huh?” naguguluhang tanong ko.
“Tinatanong kita kung gusto mong mag-stay na assistant namin,” ulit niya. Tinignan ko kung seryoso siya. “If yes, tatawagan ko na si Kuya Yael para maghanap nang papalit sa iyo sa accounting department.”
“Puwede ba 'yun?” mabilis na tanong ko. Biglang nabuhay ang dugo ko. “Mark, puwede ba 'yun?” ulit na tanong ko.
Nginitian niya ako at tinapat na sa tainga niya 'yung cellphone niya. “Kuya Yael, I have a favor to ask. Okay lang ba kung kuhanin na namin si Shara as permanent assistant? Yes kuya. Thank you!” binaling niya sa akin ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
ChickLitMeet Shara. Siya daw ang number one fan ni Jusper Kennedy Lopez. Ipinangako ni Shara na pupuntahan niya sa Manila si Jusper pag kagraduate niya. Eh paano na lang kung pag dating niya sa Manila ay ang matagpuan niya ay ang kakambal nitong si Justin K...