Disguise One: Justin

12.8K 310 16
                                    

Disguise One: Justin
Shara's

Nilibot ko 'yung paningin ko sa buong paligid. Whew. Traffic dito, usok doon. This is it. Nasa Maynila na nga ako. Parang noong nakaraan lang iniisip ko pa lang ang pag punta dito. Ngayon nakatapak na ko. Ito na 'yun. Ito na 'yung matagal ko nang pinapangarap na gawin.

Jusper, just wait for me!

Kinuha ko 'yung papel na pinaglalagyan ng address ng Tita ko na pansamantala kong tutuluyan dito. Sabi ni Nanay kung hindi ko daw alam kung paano puntahan mag tanong daw ako sa guard o kaya ay basahin ang mga sign sa jeep. Eh kung tawagan ko na lang kaya? Nandito naman 'yung number. Dapat pala kanina ko pa na isip 'yun. Nag hanap ako ng malapit na payphone.

"Pwede po pa tawag?" Tanong ko sa tindera.

"Limang piso tatlong minuto." Nag abot ako ng limang piso. "Anong number?" Binigay ko 'yung papel. "Oh ito na."

"Salamat po." Inabot ko 'yung telepono. "Hello."
"Sino 'to?"
"Si Shara po ito."
"Shara? Anak ni Ate Sabel?"
"Opo. Nandito na po kasi ako sa Maynila, hindi ko po sigurado kung ano ang sasakyan ko po papunta dyan."
"Eh nasa pier ka pa ba?"
"Opo."
"Hintayin mo na lang dyan ang ate Jessica mo. Pasundo kita."
"Nako, maraming salamat po Tita."
"Mag hintay ka kang dyan ha?"
"Opo. Salamat po ulit." Binalik ko na sa tindera 'yung telepono. "Salamat po." Sinenyasan niya ako na umalis na kaya umalis na ko.

Pumunta ako sa isang kainan malapit lang sa pier. Madali lang naman siguro ako makikita dito ni Ate Jessica. Sana lang na aalala niya pa kung ano ang itsura ko. Tinignan ko 'yung mga taong dumadaan sa harapan ko. Kapansin pansin pala ako. Mukha talaga akong probinsyana. Nakapalda na mahaba at nakablusa na puti. Samantalang itong mga nakikita ko parang kinapos sa tela. Ganito ata talaga ang uso dito.

"Nasa kabilang kanto pa lang ako tanaw na tanaw na kita." Napatingin ako sa nag salita. "Kamusta insan?"

"Ate Jessica!" Niyakap ko siya. "Okay lang. Pasensya na kung na abala pa kita sa pag sundo sa'kin." Umiling siya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun!" Inaya na niya ako papunta sa kotse niya.

Kumpara samin 'di hamak na mas nakakaangat sila sa buhay. Nakapag asawa kasi si Tita ng Amerikano eh. Pero kung titinignan mo si Ate Jessica parang pinoy din ang tatay niya. Morena, maganda, medyo kulay brown ang buhok. Masasabi mo lang na may lahi siya dahil sa kulay asul niyang mga mata.

Masasabi mo din na medyo na iinggit ako sa kanya. Nung nagpasabog kasi ata si Bro ng lahat ng magandang katangiang physical nakapayong ako o kaya nakikipaglampungan sa kama ko. Hay.

"Sha, okay lang dumaan muna tayo sa office? May kukunin lang akong importanteng files."

"Sige lang." Umiwas na ko nang tingin sa kanya at tinuloy na lang ang pag sasight seeing sa labas.

Ibang iba dito kaysa sa probinsya. Doon kasi puro puno, konti lang ang tricycle, walang polusyon at buhol buhol na traffic. Simple lang ang pamumuhay. Hindi maingay katulad dito. Ngayong iniisip ko 'to napapatanong ako.

Nag sisisi ba ako na nag punta ako dito sa Maynila?

Syempre hindi. Nangako ako kay Jusper na pupuntahan ko siya dito. Ito na ang pagtupad ko no'n. Sana lang na aalala niya pa ako para hindi naman masayang ang effort ko. Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas, na aalala pa naman siguro niya?

"Sha, may in-apply-an ka na ba na work? Graduate ka ng Accountancy 'di ba?"

"Oo, bakit mo na tanong?"

"Hiring kasi kami ngayon sa office. Baka gusto mong mag apply. Ayos na din 'yun if ever na makukuha ka pwede kang sumabay sa'kin papasok."

"Talaga ate? Okay lang talaga?" Natatawang tumango siya.

"May dala ka bang resume o kaya biodata? Para maibigay ko na mamaya."

"Oo, dala ko lahat ng pwedeng requirements." Kinuha ko kagad 'yung envelop na dala ko. "Nandito na lahat, transcript, diploma, birth certificate, MIB clearance, baranggay clearance, tapos-"

"Oo na, dala mo na lahat." Napapailing siya habang tumatawa. "Resume lang ang kailangan ko." Tinignan niya ako ng pasimple. "Ganyan ba lahat nang dala mong damit?"

"Oo eh. Eh alam mo naman sa probinsya masarap lang manirahan pero medyo mahirap din kumita ng pera. Eh 'yung naiipon ko naman pinambibili ko ng album." Ngumiti siya.

"Ni Jusper?" Nakangiting tumango ako. "Alam mo bang sa AYV Entertainment ako nag tatrabaho?"

"AYV Entertainment? Alex Yael Valdez Entertainment, Ate?" Natatawang tumango siya. "Oh my gad! Hindi nga?" Tumangu-tango siya. "Seryoso ate?!"

"Oo nga. Pero kung matatanggap ka do'n hindi pwedeng ganyan ang itsura mo ha? Paano ka mapapasin ni Jusper kung ganyan?"

"Baka nga kilala niya na ako ate, nag kita kami nung nag punta siya do'n sa probinsya." Napakunot 'yung noo niya, kaya kinuwento ko. "Kaya 'ayun, sana na aalala niya pa ako 'no?"

"Malay mo naman." Niliko niya sa isang magandang building 'yung kotse niya. "Akin na 'yung resume mo, sasubmit ko na." Inabot ko sa kanya 'yung resume ko. "Gusto mo pumasok ka muna sa loob? Baka mabagot ka dito sa kotse." Tumango ako at sumabay na sa kanya pag baba. "Wait mo lang ako dito sa lobby. Mabilis lang ako." Tumango na lang ako.

Tinignan ko 'yung lobby nila puno ng mga picture ng iba't ibang artist. Hinanap ko 'yung kay Jusper. Isa siya sa may pinakamalaking picture sa hall. Nakalagay din sa info niya na isa siya sa may best selling album. Ang lapad ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.

"Sana matanggap ako dito at makasalubong kita. Hay."

"Justin! Saan ka na naman pupunta?!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Parang familiar siya.

"What do you want me to do? Seat there after mong sabihing ikakasal na si Ysabelle?" Lumipat 'yung tingin ko do'n sa lalaking nag salita.

"Jusper..." Bulong ko sa sarili.

"Get back to the recording now!"

"No!" Napatingin sa'kin si Jusper. Napalunok ako ng ilang sunod. "Leave me alone, Lheine. Kahit ngayon lang." At nag madali na siyang umalis.

"Justin!" Tawag pa nung Lheine. Ay wait. Bakit ba Justin ng Justin 'tong Lheine? Eh si Jusper 'yun?

"Na saan na si Justin?" Oh Justin na naman. Tinignan ko 'yung nag salita. Siya ata si Mark, 'yung vocalist ng The Cliché sikat din sila pero hindi ako fan. "Just let him be muna, Lheine. Ako na ang bahala."

"Lagi na lang siyan ganyan. Hindi kasi siya nag napapagalitan." Parang mangingiyak na 'yung Lheine. "Why it has to be Justin? May sariling mundo ang isang 'yun. Sa inyo naman talaga ako na assign, bakit ako na lipat sa kanya?"

"Masasanay ka din. We're currently hiring, mag request ka na lang ng transfer pag may na hire na." Tinapik niya ito sa balikat. "Sige susundan ko na si Justin, baka kung ano pa ang gawin no'n eh." Nanlulumong tumango si Lheine.

Bakit kaya nila tinatawag na Justin si Jusper? Hindi naman ako pwede mag kamali, sigurado akong si Jusper 'yun. Boses pa lang eh.

"Shara." Tinignan ko si Ate Jessica na papalapit na sa'kin. "Hired ka na daw, pero sa field ka muna daw since may two weeks pa 'yung sa nag resign sa accounting deparment." May inabot siya sa'kin na papel. "Here, ikaw muna ang mag aassist sa The Cliché habang hindi ka pa natatransfer sa accounting."

"H-ha? Anong gagawin ko?" Tinignan ko 'yung papel. Schedule ata uto, puro date, time at location ang nakalagay.

"You just need to follow them. As in susunod ka lang nang susunod sa kanila. Madali lang 'yan, Mark will definitely assist you sa simula. Makulit sila pero mabait." Inaya na niya akong bumalik sa sasakyan niya. "And minsan may collaboration si Jusper at The Cliché malay mo makadaupang palad mo siya ulit."

"Ah. Ate Jessica kanina kasi nakita ko sa lobby si Jusper pero ang tawag nila sa kanya Justin." Pinatakbo na muna niya 'yung kotse.

"Ang alam ko kambal sila eh pero..." Biglang nag ring 'yung phone niya. "Wait sagutin ko lang 'to."

Kambal? Bakit hindi naman nakalagay sa internet na may kakambal siya? Pero mag kamukhang magkamukha sila. Magkaboses din. Gano'n ba talaga ang kambal?

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon