Disguise Two: Jusper

9.7K 251 14
                                    

Disguise Two
Shara's

"Ate Jess, kailangan ba talaga ganito ang suot ko? Hindi kaya magkasakit ako nito?" Tinignan kong maigi 'yung itsura ko sa salamin. Kailangan ko na ata nasanay sa mga ganitong kasuotan. Labas ang kalahati ng hita at nakasleeveless.

"Oo. Dapat masanay ka na. Kahit assistant ka lang ng artist kailangan presentable ka." Nagbaba siya ng isang sapatos na may nakapakataas na takong. "Specially pag may mga press conference sila. Always think na dala mo ang pangalan ng Artist na hawak mo. Hindi pwede ang puchu-puchu lang." Sinuot niya sa'kin 'yung sapatos at inalalayan ako hanggang nakatindig na ako ng maayos. "You look beautiful."

"Baka matapilok ako ate, hindi ba pwedeng nakagflats lang ako?" Umiling siya at inalalayan akong maglakad. Medyo gumegewang gewang pa ako. "Baka ito ang ikamatay ko ate." Natawa siya.

"Hindi 'yan. Masasanay ka din dyan." Inabutan niya ako ng isang shoulder bag. "Here, nag lagay na ako dyan ng pang retouch mo tapos notepad and ballpen." Napakunot 'yung noo ko. "Trust me, you'll need it." Nagkibit balikat na lang ako. "Pag dating naman natin sa office may sarili kayong service so, hindi ka maliligaw, you just need to be on time lagi."

"'Yun lang ba ate? Baka may nakalimutan ka pa, sabihin mo na lahat." Humawak ako sa dibdib ko. Parang nagpapalpitate ako. Kinakabahan ako.

"Uhm. 'Yun lang naman ata. I-oorient ka naman mamaya sa office, don't worry."

"Kinakabahan ako, Ate. Okay lang naman kung may kinalaman sa numbers ang gagawin ko." Tinapik niya ako sa braso.

"Ano ka ba? 'Di hamak na mas madali 'to kaysa sa pag solve mo ng mga numbers."

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Katapat ko ngayon ang Big Boss namin na si Sir Yael at ang lahat ng member ng The Cliché. Para akong kakainin ng inuupuan ko. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso. Feeling ko hihimatayin ako. Ang gwagwapo pala nila sa personal, para akong nasa isang harem na puno ng mga pinagpalang nilalang.

"So, Shara right?" Kinakabahang tumango ako. Ang ganda ng boses ng big boss. "I think you already know them." Sabay turo sa apat. "Papakilala ko pa din. This is Mark." Nginitian ako ni Mark. Ngumiti din ako. "Siya si James." Nakangiting kumaway sa'kin si James. Tingin ko siya 'yung pinaka-jolly sa kanilang apat. "And that guy with hindi katiwatiwalang mukha is John." Natawa ako sa pag introduce niya do'n kay John.

"Mabait ako." Tumayo siya at nakipag shake hands sa'kin. "Single ka pa ba? Ang ganda mo kasi eh." Napakurapkurap ako.

"Sabi ko sayo hindi katiwatiwala 'yan eh." Inalis ni Sir Yael 'yung kamay ni John sa kamay ko. "And that is Marco the drummer, just let him be. Drum lang ang pinapansin niyan." Tinignan ko si Marco, ngumiti naman siya sa'kin. "And that means inimagine ka niya as a drum."

"H-ha?"

"Biro lang." May inabot siya sa'king folder. "Here's their schedule. Make sure na sundin lahat ito. If mag kakaroon ng cancellations sa schedule nila, they will call here." Inabutan niya ako ng iPhone. "For company use lang ito, lahat ng numbers nila nandyan. Personal, pang chix, pang work at kung para saan pa andyan lahat. And last but not the least, relationship is allowed. I don't mind." Sabay kibit balikat. "Any questions?"

"W-wala na po." Umiling-iling pa ako.

"Shara, familiar ka ba dito sa Manila?" Mariing umiling ako kay Mark. "As in?"

"First time ko lang po dito."

"Po?" Natatawang tanong nila.

"'Wag ka na mag po, bata pa kami 'no!" Tumango tango ako.

"Sir Yael." Napatingin kaming lahat sa biglang pumasok.

"Yes, Lheine?" Nakakunot noong tanong ni Sir.

"Kuya Yael, mag rerequest na naman 'yan ng transfer." Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Nagkaroon ng lula sa tummy ko.

"Jus-"

"Justin." Napatingin ako kay Sir. Justin? Si Jusper siya 'di ba? "Ano na naman ang ginawa mo?" Napatingin siya sa'kin, umiwas din bigla.

"Wala, ewan ko ba dyan kay Lheine kung bakit ayaw na ayaw sa'kin." Umupo siya sa tapat ko. "Hi. I'm Justin."

"J-justin?" Tumango siya at inabot 'yung kamay. "S-shara." Inabot ko na din 'yung kamay niya. "H-hindi ka ba si J-jusper?" Binitawan niya 'yung kamay ko.

"Justin." Tumayo na siya. "Lheine let's go. Malelate na ko sa schedule ko." Pag labas nila biglang nagbulungan sila Mark.

"May topak na naman? Tanong ni Sir Yael.

"Baka." Sabay kibit balikat nung tatlo.

Grabe pala maging assistant ng mga 'to. Takbo dito, takbo doon. Ang sakit sakit na ng paa ko dahil sa heels ko. Bukas mag sneakers na lang ako. Ganito pala ang trabaho tapos kailangan nakaheels? Pinagloloko ba nila ako?

"First day mo pa lang, mukhang susuko ka na." Tinignan ko si Mark. "Tubig?" Kinuha ko 'yung inalok niyang tubig. "If hindi ka comfortable dyan sa suot mo, mag suot ka na lang sa susunod kung saan ka comfortable. Wala namang dress code eh."

"Talaga? Sabi kasi ni Ate Jessica kailangan daw ganito."

"Jessica? Eh hindi naman niya kasi na experience ang field kaya walang idea 'yun." Natatawang sagot niya.

"Uhm. Mark, pwede ba akong magtanong?" Ngumiti siya at saka tumango. Okay. Gwapo talaga siya. Para siyang Prince. "Uhm. 'Di ba si Jusper dito din naman siya sa entertainment niyo?"

"Uh yeah." Lumapad 'yung ngiti niya. "You're Jusper's fan!" Alanganing ngumiti ako. "I knew it! The way you look at him kanina."

"Wait. Kanina? Si Justin 'yun 'di ba?" Nagtatakang tanong ko.

"Yep." Napakunot 'yung noo ko. "Si Justin at si Jus-"

"Jusper!" Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Oh si Justin 'yan?" Tinignan ko si Mark. "Kambal sila 'di ba? Si Jusper lang kasi ang kilala ko eh." Medyo kumunot 'yung noo niya. Tumayo siya at nilapitan si Jusper o si Justin. Ah basta.

Pero ang weird. I have same reaction kat Justin. Nararamdaman ko lang naman 'yun pag nakikita ko si Jusper. Gano'n ba talaga pag magkamukha? Isa lang din ang mararamdaman mo kahit mag kaibang tao sila? Umupo ako ulit. Tinignan ko si Mark at si Justin o si Jusper na nag uusap. Napaayos ako ng upo no'ng bigla silang lumapit sa pwesto ko.

"Shara, this is Jusper." Napalunok ako ng tatlong sunod at napahawak sa dibdib ko. Grabe ang bilis talaga ng tibok nito. Para akong hihimatayin.

"Shara?" Nakakunot noong tanong niya. "You're from Palawan right?"

"Oh my! Na aalala mo pa ko?!" Ngumiti siya. "Hindi nga?!"

"Of course I remember you! Ikaw 'yung na ipit no'ng nag ka stampede 'di ba? I helped you pa nga eh." Napakurap kurap ako. "Are you okay?"

"Oh my. Oh my!" Hindi ko mapigilan. Tumayo ako at medyo tumalon talon. "Oh my talaga!"

"Shara?" Huminto ako. "You okay?" Natatawang tanong ni Mark.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na na aalala niya pa ako." Tumingin ako kay Jusper. Nakangiti pa din siya. "Baka naman na nanaginip lang ako. Pwede pakurot?" Nagtinginan sila ni Mark. Kinurot ko na lang 'yung sarili ko. Masakit! "Totoo nga! OMG talaga!"

"Shara, calm down." Hingal na umayos ako nang tayo.

"Sorry. Fan mo kasi talaga ako eh." Kinuha ko 'yung iPhone na binigay sa'kin ng office. Wala kasing camera 'yung phone ko talaga. "Pwede bang mag papicture ulit?"

"S-sure." Kinakabahang lumapit ako sa kanya.

"Jus ikaw na. Hurry up! Late na tayo sa airing!" Pag pindot ko wala na si Jusper sa tabi ko.

"Sorry Shara, next time na lang." Nakangangang tinignan ko na lang siya.

"Get use to it. Ganyan 'yan si Jus-" Napatingin ako kay Mark."Jusper. Work first. Si Amber lang ang makakapagpatigil dyan." Napakunot 'yung noo ko.

"May girlfriend na siya?"

"Mabuti sana kung girlfriend niya. Kaya lang ikakasal na 'yun sa susunod na linggo." Nagkibit balikat na lang ako. Ikakasal na naman pala eh. Hindi ko na karibal 'yun. Hehehe.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon