Chapter 1

3.7K 73 3
                                    

Fall 2012
Paris, France

She stepped into the diner, laughing. Iginalaw ni Tori ang ulo, nagtalsikan ang mga kumapit na tubig sa lagpas-balikat niyang buhok. Naabutan kasi sila ng biglaang ulan ni Paul sa labas. Sige pa rin ang daldal ng kaibigan at katrabaho niya. Hindi talaga ito nauubusan ng kuwento kahit kailan. Kaya nga gustong-gusto niya si Paul.

"And I was like, sorry girl. I'm a woman trapped in a man's body. Braid na lang natin hair mo," sabi ni Paul sabay kumpas ng kaliwang kamay. Hindi maitatago ang pitik ng mga daliri nito. Kahit walang kendeng ang baywang nito kung maglakad, nahahalata pa rin na bading.

"Ouch. I pity that girl. Wala pa man basted na," aniya habang papunta sa usual na table nila. Suki na sila ng Chinese diner na 'yon. Kahit nakapikit si Tori ay kaya niyang hanapin ang mesang lagi nilang inuupuan sa tuwing kakain sila ni Paul.

"She's pretty naman. Sori na lang siya, hindi kami talo." Pabagsak na naupo sa tapat ni Tori si Paul.

"Guwapo ka naman talaga kasing hitad ka, sayang," komento ni Tori. Pareho silang apprentice ni Paul sa Les Courbes, ang fashion house ng designer na si Pierre Dubois. Pure American ito, sa Pilipinas lang lumaki dahil sa misyonaryong mga magulang na doon nag-decide manirahan.

"Gaga. Maganda ako, hindi guwapo. Buti na lang talaga maganda ako, dahil kung hindi baka wala akong Alejandro ngayon." Ang boyfriend nitong Spanish national ang tinutukoy nito. Napailing na lang si Tori. Mabuti pa itong kaibigan niya, luma-lovelife.

"Ikaw, kailan ka magkaka-boyfriend?"

"Hmm? Sa tamang panahon."

"Kailan pa 'yon? Jusko naman kasi Tori, hindi ko alam kung bato ka ba o ano. Ang dami mong pinalampas na guwapo. Sa dami ng mga lalaking model na pabalik-balik sa Les Courbes at nagpahaging sa 'yo sa tuwing may project tayo, wala kang pinatulan kahit isa," ratsada ni Paul.

"Sa wala akong magustuhan eh," katuwiran ni Tori. Kahit kabisado na niya ang menu ay dinampot pa rin niya iyon at binasa.

"Grabe ka. Kaunti lang ang lamang ng ganda mo sa akin, mga one fourth na paligo. Pero useless sa 'yo. Sinasayang mo lang. Kahit fling lang, magkaroon naman ng excitement ang buhay mong laging walang ganap."

"Hayaan mo, 'pag nakahanap ako ng lalaking mapagkakatiwalaan, mag-bo-boyfriend na ako," sakay ni Tori.

"Ay naku girl. Sa buong twenty years mo sa ibabaw nitong si Mother Earth, tatlong lalaki lang ang pinagkakatiwalaan mo. Una, ang Daddy dearest mo. Pangalawa, si Fafa Dominic. At ang last, si baby Vincent. Sa ugali mo, matutuyo na lang 'yang matris mo ewan ko lang kung makakaranas ng action 'yan."

"Walang pakialaman ng matris, pwede ba? 'Yang non-existent matris mo ang problemahin mo."

"Yabang nito, porke niregaluhan siya ni Lord ng matris. Hmp! Makakaroon din ako niyan, you'll see." Lumingon si Paul. "Bakit wala pang lumalapit na waiter sa atin? Ay, ayan na pala."

Papalapit sa mesa nila ang isang waiter na bago sa paningin ni Tori. Sa tatlong taon niya sa Rue Lafitte, suki na siya ng diner na ito. Dito siya halos gabi-gabi naghahapunan kahit noong nag-aaral pa lang siya ng Fashion Design sa Ecole Superieure des arts et techniques de la Mode o mas kilala bilang ESMOD. Mula sa apartment niya sa Rue Lafitte, walking distance lang ang Xiao Xi's Diner sa Rue Le Peletier.

Pagkagaling sa trabaho ay doon siya dumadaan bago umuwi para kumain.  
Karamihan sa staff ng Xiao Xi's ay Asian pero hindi naman lahat. Halos kilala na ni Tori ang mga staff doon, mula busboys hanggang sa fruit peelers na madalas niyang kasabay magyosi sa labas. Ang lalaking papalapit na 'to sa kanila ni Paul ay bagong mukha. Pasimple niyang sinipa ang kaibigan dahil hindi na ito umayos sa pagkakaupo. Parang naka-glue na sa sandalan ang likuran ni Paul.

"What?" may angal ang boses ni Paul nang lumingon sa kanya. Pasimple niyang pinandilatan ang kaibigan. Nasa harap na kasi nila ang waiter.

"Umorder ka na," aniya. Bigla niyang naalala ang cellphone, hindi niya matandaan kung naipasok ba niya sa bag kanina o ano. Nag-pa-panic na kinalkal niya ang bag.

"May I take your orders, Ma'am, Sir?" tanong nito.

Natigil sa ginagawa si Tori. Buo ang boses ng lalaki, kahit pumikit ka ay hindi mo pagdududahang lalaki ang may-ari. Pati si Paul ay nakapagtatakang tahimik. Unti-unti, nag-angat si Tori ng tingin. Ang una niyang nakita ay ang suot nitong sapatos. Itim, Italian leather. Nasa fashion industry siya kaya alam niya. Weird. Is wearing Italian leather waiting tables a thing now?

Sa muling pang pag-angat ng tingin ni Tori ay mahahabang binti naman ng lalaki ang sumalubong sa kanya. Lean hips. Nakatupi pataas ang manggas ng puting long sleeve shirt ng lalaki, revealing light hairs peppering his muscled arm. A little higher revealed wide shoulders. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa loob noon?  Napalunok ang dalaga.

"Tori? Earth to Tori. Hello!" Kamay ni Paul ang nakikita niya. Natabunan ang balikat na tinitingnan niya kanina. Takang napatingin siya sa kaibigan.

"Huh?"

"Ay tulaley. Ano'ng oorderin mo? Naghihintay na siya, oh." Nakangising nguso ni Paul sa waiter.

Napatingin si Tori sa waiter.  This time, sa mukha na ng lalaki lumanding ang mga mata ng dalaga. Na agad niyang pinagsisihan. Alun-along buhok na kulay brown, medyo makapal ang kilay nito at bilugan ang mga mata. Matangos ang ilong ng lalaki pero hindi perfect ang hugis. Mukhang nakipagbasag-ulo yata noon ang lalaki para magkaganoon ang ilong. Makinis din ang mukha nito, walang pimples o blackheads. His lips were curved into a smirk. Mukha itong kumain ng strawberry.

Lips made for kissing. She wondered how would it feel to slide her fingers along his jaws, his shoulders, then down his chest.

Pwede bang siya ang orderin ko? Kahit wala sa menu.

"A-ano nga u-ulit 'yon?"

"Nakakita lang ng guwapo, system error na siya oh. Sige na ako na ang o-order para sa 'yo," tukso ni Paul saka bumaling sa waiter. "Just tell the chef, table number seven will have the usual. We're regulars here."

"Okay. Would that be all Sir, Ma'am?" kay Tori nakatutok ang mga mata ng lalaki. Tango lang ang isinagot ng dalaga. Hindi niya alam kung gagana ang boses niya. Sa wakas ay tinalikuran na sila ng lalaki.

"Uy, namumula siya. Aminin mo, yummy no?" panunukso uli ni Paul.

"Tumigil ka nga, nakakahiya. Mamaya Pinoy pala 'yon eh."

"Hindi siya mukhang Pinoy, mas mukha siyang kalahi ni Alejandro ko," kontra ni Paul.

"Pasalamat ka kung ganoon. Dahil kung nagkataong Pinoy siya at naintindihan tayo, naku! Tatadtarin ko ng kurot ang lahat ng sulok ng singit mo."

"Not the singit!" Umarteng tinakpan nito ang kandungan gamit ang dalawang kamay. "Hindi pa ako nagsi-shave."

Pigil na pigil ang kumawalang tili ni Tori, kuyom ang magkabilang kamao. "Damn it! The visual is so gross!"  Tawa lang nang tawa si Paul hanggang sa dumating ang order nila.

Romancing The Enemy (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon