Chapter 2

2.6K 83 2
                                    

Kalahating oras nang off-duty si Luke nang pumasok ang babae kasama ang kaibigan nito. Nag-volunteer siyang kunin ang order ng dalawa dahil biglang sinumpong ng sama ng tiyan ang waiter na nakatoka sa area na kinauupuan ng bagong dating. Kung sinusuwerte ka nga naman, unang araw pa lang niya sa Xiao Xi's ay nakita agad niya ang target.

His Paris-based friend Miguel helped him by pulling some strings para makapasok siya sa diner na 'yon. Sa dalawang linggo niyang pagsunod sa babae ay kabisado na niya lahat ng mga pinupuntahan nito.

Madali para kay Luke ang sundan ito at obserbahan dahil halos walang pagbabago sa pattern ng daily routine nito. May tatlong bodyguard ang nagbabantay sa babae. Pero kung titingnan mabuti, hindi gaanong mahigpit ang security detail ng panganay ni Giovanni Di Salvo. Kabaliktaran ang security ng pangalawang anak nitong si Veronica sa New York.

He considered the younger Di Salvo to be his target. Katuwiran niya, mas bata mas madaling bilugin ang ulo. Pero kahit ano'ng gawin niyang analyze ay wala siyang makitang butas sa security ni Veronica Di Salvo. Dead end na sana kung hindi lang talaga siya sinuwerte. Aksidente lang ang pagkakadiskubre niya kung nasaan si Tori.
Sa isang gabing pagmamanman niya sa apartment ni Veronica ay nagkausap ang magkapatid sa telepono.

Napick-up niya sa usapan ang location ni Tori. In two days, sakay na siya ng eroplano patungong Paris, France. Kung hindi umubra ang plano niya kay Veronica, sisiguruhin niyang kay Tori ay maitutuloy niya ang binabalak.

It's only a matter of time, Mary Jane. You'll have your revenge, sabi niya sa isip habang pinapanood ang pag-akyat ng usok ng sigarilyo sa hangin. Nasa labas na siya ng Xiao Xi's. Hindi niya ugaling manigarilyo pero malamig ang panahon dahil sa ulan kanina.

"Hey man, thanks for covering for me. " Nalingunan niya si Gary.

Ito ang lalaking nakatoka kanina sa table nina Victoria. Naka-uniform pa rin ito. Stand-out ang puting uniform sa balat ng lalaki. African-American si Gary, nauna lang sa kanya ng anim na buwan doon. Sa tangkad niyang six feet ay lamang pa rin sa kanya ng tatlong pulgada ang lalaki.

"No problem. You're on break?" Inalok ito ni Lucien ng sigarilyo. Kumuha naman ang lalaki at agad na ibinalik sa kanya ang pakete.

"Yeah. You headin' home?"

Umiling siya. "I'm waiting for someone."

Sa narinig ay napangisi ang lalaki. Mukhang naninilaw ang ngipin nito sa klase ng liwanag na ikinakalat ng ilaw. "Oh yeah? You got a girl?"

"She's not my girl," aniya. Yet, dugtong ng binata sa isip.

Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto ng Xiao Xi's. Lumabas na ang hinihintay niya. Pinanood niya ang pagpapaalam ng babae sa kaibigan. Magkaiba pala ang daan ng dalawa. Hinayaan muna niyang makalayo ang babae ng tatlong dipa bago ito sinundan. Nagpaalam siya kay Gary at mabilis ang mga hakbang na sumunod siya kay Tori.

May limang minuto na siyang nakasunod kay Tori nang mapansin ang isang grupo ng kalalakihan sa unahan. Naninigarilyo ang mga ito at tumuwid nang tayo nang papalapit na si Tori. Bigla parang buhay na buhay ang lahat ng mga senses niya. Apat sila. Hindi niya sigurado kung kayang ipagtanggol ni Tori ang sarili.

Hindi muna nila sinundan ang babae. Pero hindi magtatagal ay alam ni Luke na susunggaban ng mga ito si Tori. Napamura ang binata sa isip. Ang balak niya ay sundan ito at magpakilala. It's about time to set things in motion. Pero hindi kasama doon na mag-astang bodyguard siya nito. Hindi siya superhero material. In fact he's one of the bad guys. Ayaw niyang maging responsable sa kahit sino. Masyadong hassle.

Pero hahayaan ba niyang sirain ng mga lalaking 'to ang mga plano niya? Not in a million years. Mabilis niyang binalikan sa isipan ang lay-out ng lugar. Sa dalawang linggong pagpaplano kung paano lalapitan si Tori ay halos nakabisado na niya ang buong Rue Le Peletier, pati ang Rue Lafitte kung saan naroon ang apartment ng dalaga.

Nang makarating sa isang eskinita ay mabilis na pumasok doon si Luke. Tumakbo na siya. Mahalagang maunahan niya ang mga lalaki kay Tori. Sa naisip ay natawa ang binata. 'Pag sinuwerte siya ay lalabas na natural lang ang dahilan ng paglapit niya sa babae. Blessing in disguised din pala ang mga lalaking 'yon.

Apat na liko pa ay tanaw na niya ang babae. Alam niyang liliko sa direksyon niya si Tori kaya binilisan niya ang takbo. Sa kalagitnaan ay nagsasanga ang daan, doon uli liliko si Tori para mapunta sa Rue Lafitte. Madilim doon, hindi masyadong naiilawan dahil sira ang dalawang poste ng ilaw.

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pumasok sa isang pinto ang babae. Pub house ang pinasok ni Tori. Kumunot ang noo ni Lucien. Sa muli niyang paglingon ay nakita niyang pumasok na sa eskinita ang apat na lalaki. Halatang may hinahanap ang mga ito. Nagpasya siyang sundan sa loob ng pubhouse si Tori.

The moment he stepped into the pub, someone grabbed him by the lapel of his coat. Medyo madilim pero sapat na ang liwanag para mamukhaan niya kung sino ang humatak sa kanya. Mukha ni Tori ang nabungaran niya pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong mgtanong. Isinalya siya ni Tori sa dingding ng pub, dalawang hakbang malapit sa pinto.

"W-What are you doing?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Luke nang pumulupot ang magkabilang braso ni Victoria sa leeg niya.

"Shut up!" she hissed between clenched teeth. "I can't outrun them. So pretend we're together."

Magpoprotresta pa sana si Luke pero biglang bumukas ang pinto ng pub sa tabi nila. Ang apat na lalaking sumusunod kay Tori ang pumasok. Sa tuwing babalikan ni Luke ang encounter na 'yon, he thought he was never ready for Tori. Ever. Tori chose that moment to pull him closer and kissed him on the lips. It wasn't a chase kiss. Walang inosente sa halik na ipinaranas sa kanya ni Tori pero para siyang tuod na nakatayo lang doon.

Nakahalata yata si Tori dahil lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya. Her softness complimented the hard planes of his body. And when she swiped the tip of her tongue against his lower lip, the man in him readily took over.

The game has began, he thought as he grab the back of her head and answered her kisses.

Romancing The Enemy (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon