Prologue

5.5K 124 1
                                    

The long slit of her gown exposed her long legs to the elements as she stepped off the elevator. Hindi niya namalayang humigpit ang pagkakahawak niya sa access card. Kung paano naipuslit ni Carlos Santander sa mga gamit niya sa bahay ang card ay hindi niya alam. Mukhang kailangan na niyang i-review ang security protocols sa bahay. Pero saka na pagkatapos niyang makipagkita sa matanda. Hindi na siya makakahanap ng pagkakataong gawin iyon 'pag nalaman ni Dominic na may nakalusot sa security niya.

Napasulyap si Tori sa wristwatch. Five minutes na ang nasayang niya. She only has five minutes more left to waste bago pa makahalata si Dominic na nawawala siya. Kailangan niyang makabalik sa party bago pa mangyari ‘yon. But first, she has to know what the old man wants. Kaya hindi na nagulat si Tori nang may lalaking naglalaro sa singkuwenta ang edad na lumabas mula sa penthouse suite ng Cameron Hotel. Kahit na may edad na ito ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Tori ang kakaibang dating ng lalaki. The absence of body guards proved that this man alone can protect one of the shipping kingpins of Metro Manila.

“Welcome, Miss Di Salvo. This way please,” agad na bungad sa kanya ng lalaki.

Walang salitang sumunod siya sa lalaki. Ilang sandali pa ay kaharap na niya si Carlos Santander na prenteng nakaupo sa itim na sofa. The term old man is so wrong for him. His ash and pepper hair added character to his angular face. He’s an attractive man in his late sixties like her father. Kung ang sarili niyang ama ay puno ng laughlines ang mukha, kabaliktaran si Carlos. Lahat ng features ng lalaki sa mukha ay walang bakas ng lambot. Kahit ang mga mata nito ay matalim kung makatingin, sadyain man o hindi. His lips, thin as it is, was set in a firm line. Napalunok siya nang sumagi sa isip kung sino ang kamukha nito.

"I have a proposition," walang paligoy-ligoy na saad ng matanda. May hawak itong maliit na remote control. Hindi alam ni Tori kung para saan.

Sumulyap ito sa kanya. Ramdam ni Tori na sadya iyon, parang pinapakiramdaman ang reaksyon niya. Pero hindi niya hinayaang may mabasang kahit na ano ang kausap. She pulled into place one of her best masks, the poker face. Ilang segundo ang lumipas na walang nagsasalita sa kanila. Mas pinatindi ng dalaga ang kontrol sa sarili. Paulit-ulit niyang itinatak sa isipan ang laging bukambibig ng ama.

Tamping down her curiosity is one way for her to play whatever card she has right. Sumilay ang isang maliit na ngiti sa mukha ng matanda. Tumangu-tango pa ito habang nakatingin sa kanya. Pinagsalikop nito ang magkabilang kamay at dumukwang.

"I see you're one tough nut to crack," anito na napapalatak pa. "The rumor that Victoria Di Salvo is a weak girl proves to be nothing but a rumor at all."

Bored na ikiniling ng dalaga ang ulo. "Appearances can be deceiving. In my case, it's an advantage."

"True. I have my doubts before coming here. But a trusted comrade told me to look past your exterior. I'm glad I listened. Now I am convinced that you're the right woman for this job."

Pagtaas ng kilay lang ang isinagot ni Tori sa matanda. Ang totoo ay mapapatid na ang pasensya n'ya. Kaunti pa at kakawala na sa bibig niya ang isang tanong. Pero nagpasensya pa siya. Two can play this game. Hindi siya ang unang susuko.

“I don’t have much time left, Mr. Santander,” ani Tori sabay tapik sa relo niya. “Dominic’s dogs would soon pick up my scent. “

“Ah yes, the Di Salvo white knight. Ang suwerte ng ama mo sa batang ‘yon. Loyal deep down to the bone marrows. Alright, hindi ko na ‘to patatagalin pa. Your family is in a bind. Marry my son and I will extend all the help you need, including the matter about your brother. ”

Shock was an understatement. Si Carlos Santander ang karibal ng ama niya sa negosyo. Ano’ng mapapala nito sa kasunduang ‘yon? Nagdududang tinitigan niya ang matanda.

“What’s in it for you?”

“Money of course. I want a merger.”

Tori scoffed. “As if papayag si Daddy sa gusto mong mangyari. Baka nakakalimutan mo, kayo ang pinakamahigpit na karibal ng ama ko.”

“Newsflash, darling. Your father already agreed before all shits hit the fan.” Ibinagsak ni Carlos sa lamesita ang isang brown envelope. “Palubog na ang kumpanya ninyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli kung sino ang ahas nagtraidor sa ama mo. Giovanni may be my rival but we respect each other.”

Tori felt like she was pummeled by a giant fist. Pinilit niyang kontrolin ang panginginig ng kamay at dinampot ang envelope. Sa loob ay naroon ang kasunduang pirmado ng ama niya at ni Carlos. Dalawang pangalan na lang ang walang pirma; pangalan ni Tori at ng anak nito. Parang napapasong bigla niyang nabitiwan ang envelope.

“T-This can’t be r-real.”

“Puwede mong patingnan kung authentic ba ang pirma ni Giovanni o fake. Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip,” sabi ni Carlos. His lips curved into a smile. “But before you go, let me show you something na puwedeng makatulong na mapabilis ang desisyon mo.”

May pinindot si Carlos sa hawak na remote. Unti-unting bumukas ang blinds na tumatakip sa salaming dingding ng suite. Tori gasped when she saw the man lounging in a chair. Nakapikit ang lalaki. He’s wearing black headphones to block the noise of the world, looking peaceful and basking in the cool breeze of the night.

No! It can't be! “Luke...”

Hindi niya namalayan ang paglapit ni Carlos sa tabi niya.

“His real name is Lucien Alexander Santander, not Luke Alvarado. And yes, he's my firstborn and my heir. Siya ang pakakasalan mo.”

“N-No!” Napaatras si Tori. Paanong nalaman ni Carlos ang ugnayan nila ni Luke? Ni hindi nga niya alam na isa itong Santander!

Napangisi si Carlos. “Hindi alam ng ama mo kung paano ka mapapapayag pero ibahin mo ako. I know what happened in Paris, darling. Gusto mo bang ikuwento ko kay Luke o Lucien ang isang bagay na hindi niya alam?”

Toris’ answer was to run.






Romancing The Enemy (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon