Chapter Four ♥

23 1 0
                                    

Renz' POV

Ano ba kasing nangyari sa panget na yun? At bakit kami pa yung tumulong?

'Tsk, malamang kayo kayo lang din andun'

Pero, parang may kakaiba akong naramdaman nung nakita ko siyang walang malay at may dugo. Naawa ba ako?

'Hindi! Hindi! Hindi pwede! Naiinis ka sa kanya diba?'

Tama, tama. Naiinis ako sa kanya.

Kasalukuyan naman kaming nasa labas nang room ni panget habang nag aantay sa Doktor.

Maya maya...

*Door Opens*

"Family of the patient?" Biglang tanong ng Doktor samin.

"Y-yes Doc." Sagot naman ni Ayra. Namumugto na ang mga mata niya kaiiyak.

'Pake mo ba sa kanila?'

'Oo nga naman.'

"Maswerte siya at mild injury lang ang nakuha niya. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya sinalinan pa namin siya ng dugo. Kaso kinulang kami ng type ng dugo niya, minsanan lang din kasi kung may magdonate ng type AB . Kailangan pa niya ng dugo, isang bag lang kasi yung available. May kakilala ba kayong same type ng dugo niya?" Paliwanag ng Doktor.

"Dok, pwede bang mag ba blood test nalang kami?" Sagot ni Louie kaya napatingin kami lahat sa kanya sa siyang ipinagtaka niya.

"Ah, pwede naman. Sumunod nalang kayo sakin." Sinunod namin ang sabi ng Doktor.

Makalipas ang ilang minuto....

"Anong type kayo?" Pagbabasag ni Timothy sa katahimikan.

"Type A" -Louie

"Type O" -Ayra

"Type B" -Timothy

"Ikaw? Anong type ng dugo mo?" Tanong ni Louie sakin kaya naman napatingin silang lahat sakin.

'Sasabihin ko ba talaga?'

'Malalaman din naman nila eh, baka gawin nilang kasabwat yung Doktor tas hingin nila yung copy ng result ng blood test mo. Edi buking parin!'

'Sasabihin ko na nga lang. Bahala na si Captain Barbell'

"AB" maikling sagot ko at natigilan naman sila. Si Ayra naman nanlaki yung mga mata. May mali ba sa sinagot ko?

'Type AB din si panget!'

"W-willing ka bang m-mag donate ng d-dugo kay L-Lei?" Naiiyak na tanong ni Ayra.

"O-oo"

'T-teka, sumangayon talaga ako?! Bat ba bigla ko nalang nasabi yung 'Oo'  '

Gusto kong bawiin yung sagot ko pero walang lumalabas na salita sa bunganga ko. Haysss, sige na nga lang. Ngayon ko lang tutulungan ang panget na to.

"T-talaga?" Parang nagliliwanag ang mga mata ni Ayra. Dahan dahan naman akong napatango.

Ng biglang.....

*Huk*

O_O

Niyakap niya ako!! Pero agad naman siyang kumalas at napapahiyang tumingin sakin.

"A-ah, sorry. Nadala lang ng k-kasiyahan."  ^_^v

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now