Chapter Three ♦

14 1 0
                                    

Ayra's POV

Hayss, ang tagal naman ni Lei. Gutom na gutom na ako eh. Iidlip sana ako ng biglang...

~*BLAAAAG*~

'A-ano yun?'

'Girlssss! Si Renz my labsss parang may target na uliiit!'

'Kawawa naman yung magiging target niya bes noh?'

'Oo nga, yung last target niya eh pina-expell nga eh'

'Balita ko transferee yung girl'

'Haluhh! May away'

Rinig kong bulungan ng mga estudyante.

'Teka.... Renz ba ka mo?!'

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako bigla. Kaya naman, tumayo ako at pumunta dun sa tumpok ng mga estudyante.

"Excuse me.... Padaan.... Excuse.... Tabi..."

Ngunit parang walang narinig ang mga estudyante kaya naman...

"PUNYETA! MAGSITABI NGA KAYO! LETCHE!" at nagtagumpay naman ako ;) nagsitabi ang mga estudyante. Ehh sa ayaw niyong makinig, gusto pa talagang masigawan.

Pero natigilan ako nang tumambad sakin si Lei na nakahilata sa sahig!!

O_O

Nilapitan ko agad si Lei at tiningnan ko siya sa mata at binigyan ng 'Okay-Ka-Lang-Ba? Look' ngunit wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Tinulungan ko naman siyang tumayo ng biglang magsalita si Renz. Ay nga pala, muntik ko ng makalimutan nandito pala siya at yung dalawa niya pang kasama.

"Oh ano?! May iyayabang ka pa ha?!" Sigaw niya kay Lei.

"Hoy! Ano bang karapatan mo para sigawan mo si---" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Lei.

"Wala kang kinalaman dito Ayra kaya manahimik ka."

"P-pero---"

"Mananahimik ka o mananahimik ka?" Walang emosyong tanong niya sakin.

"E-eto na nga. M-mananahimik n-na." Saka naman siya humarap kay Renz.

"Bat mo ginawa sakin yon?" Malamig na tonong tanong niya kay Renz.

"Aba't nagtanong ka pa?! Hindi mo ba alam na---"

"Kaya nga kita tinatanong kasi hindi ko alam"

"Dyan! Dyan ka magaling sa pambabara eh, ano naman panlaban mo sakin ha?!"

"Bakit naman kita lalabanan?"

O_O ← Renz

-,- ← Lei

'Bat ba walang ka emosyon emosyon tong babaeng to?'

"A-a-alangan n-namang ako l-lang lalaban?"

"Bakit hindi?" Saka bumaling sakin si Lei at.. "Ayra ikaw na umorder, ako nalang dun sa table. Oh Eto pera---" sabay abot sakin ng ₱1000 O_O Srysly?! "umorder ka ng kahit anong gusto mo, sandwich lang akin at ikaw na bahala sa drinks." Saka ako tinalikuran at naglakad papuntang table. Hinatid naman siya ng tingin ni Renz habang parang magsasampukan na yung mga kilay niya. Hahaha, di ka talaga mananalo dyan.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now