Chapter One ♣

25 2 0
                                    

Lei's POV

So, I am Arkeisha Lei McBurn but Lei for short. I'm actually living with my best friend which is Zahayra Fuentes (Ayra) we're both Fourth Year student or a Senior at Hamilton University (HU). Nakatira kami sa isang bahay na dalawang palapag na tamang tama lang para sa aming dalawa. Di naman malaki at di rin maliit. Gaya ng natural na bahay, may bakuran, dalawang kwarto samin, isang guestroom, sala, kusina, Comfort Room at iba pa.

First day of school ngayon at ang best friend ko ay di halatang excited. Alas 5 palang ng umaga gising na gising na ang kaluluwa. Tapos na rin ako at sinuot ko na ang eyeglasses ko at sa kasalukuyan, tinitingnan ko ang kabuuan niya at saka ko napagtanto'ng handa na talaga sa pag pasok. Nakatirintas ang buhok, malinis at plantsadong mga uniporme na itim na coat, puting long sleeve, black necktie at ang palda nito na 2 inches above the knee dahil mala porselana ang balat nito, kumikintab ang sapatos at hooooh! Grabe ang pabango, hindi naman sa mabaho eh sa tagal na nalalanghap ko yung amoy sumasakit na yung ilong ko.

Bigla na lang siyang nagsalita at tumili kaya nagitla ako.

"Oh himala! Ang isang Arkeisha Lei McBurn, nakatunganga. Nagagandahan ka sakin noh? Yieeeeee!"

Diniinan niya pa ang pag sabi ng pangalan ko at kumpleto pa ah. Nakuha pang tumili, nakakarindi! Ang tinis pa naman ng boses. Kahit kailan talaga, tong babaeng to -,-

"Tss, manahimik ka nga. Tatanggalan talaga kita ng bunganga Zahayra Fuentes."

O_O ← Ayra

-.- ← Ako

Pagdidiin ko rin sa pangalan niya at kinumpleto rin yun at natigilan naman siya. Tsk, ang epic ng mukha.

"K-kahit kailan p-palabiro ka t-talaga Lei."

Nauutal at halatang kinakabahan niyang sagot. Lihim naman akong natawa.

"Hindi ako nagbibiro tapos magsalita ka pa gagawin ko talaga yun."

Seryoso kunyaring sabi ko sa kanya at di na siya umiimik. Tch, ang daldal kasi -_-

"Alis na tayo, 7:30 am na para di tayo ma late."

Pagbabasag ko sa panandaliang katahimikan.

"Di l-lang naman ba t-tayo kakain?"

"Kung gusto mong kumain, kumain ka. Basta mauuna na ko. Di ko ugaling maghintay Ayra, alam mo yan."

Malamig at seryosong saad ko at tumango-tango naman siya.

"Sige, di rin naman ako gutom. Tara na! Hihihi excited na talaga akooo!"

Hinayaan ko lang siya at di na ko nakinig. Sinalpak ko nalang sa tenga ko yung earphones at kinuha ko na yung skateboard ko at helmet. Yeah, you read it right, Skateboard. Kaso, naka skirt kami. Hmmmm, ah alam ko na. I e-stretch ko nalang muna yung cycling shorts. Nagtagumpay naman ako at umabot to below my knees. Wala akong pake kung baduy tingnan, itataas ko lang to ulit pagdating ko sa skwelahan.

"Naku! Baka maraming gwapo du---"

"Ayra, tama na. Malalaman mo rin pagdating natin don."

Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Sumunod naman siya at kinuha na rin ang skateboard niya at helmet.

"Nga pala, ibaba mo lang yung cycling shorts mo, itaas mo lang ulit pagdating natin sa skwelahan. Tss, alam mo namang nagkalat ang mga walang modong mga tao sa paligid."

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now