Chapter Two ♠

14 1 0
                                    

Lei's POV

Nagising ako sa isang malambot ng bagay at puti ang kisame. Dahan dahan akong bumangon at sheeeyzs ang sakit ng ulo ko.

"Oh Lei, gising ka na pala. Wag ka munang bumangon sasakit yan lalo." Si Ayra.

"Bigyan niyo nalang ako ng pain reliever at aalis na tayo tsaka, bat mo ba ako iniwan kanina?" Tsk, first day of school malas agad.

"Ah, nurse paki bigyan po siya ng pain reliever at aalis na kami. Eh kasi, di ko rin alam kung saan yung clinic nila dito kaya natanong pa ako." Pagpapaliwanag ni Ayra matapos niyang sabihin sa in charge na Nurse sa clinic na bigyan ako ng pain reliever.

"Sigurado ka ba na kaya mo na? Baka ma pano ka pa." -Nurse

"Baka ma late po kasi kami, first day pa naman tapos baka terror yung lecturer namin." Sabat ni Ayra

"Oh sige, kayo bahala. Basta pag sumakit ulit balik lang kayo dito para mabigyan ko siya ng gamot."

'Ang bait naman yata nitong nurse.'

"Sige, thank you po Nurse."

Ininom ko na yung pain reliever at kinalabit ko si Ayra tapos sinenyasang lumabas na kami. Medyo masakit pa nga yung ulo ko pero kaya ko naman.

Naglalakad kami sa corridor habang nililinis ko yung eyeglasses ko ng biglang...

~*BLAAAG*~

'Anak ng tipaklong?! Bakit ba ang malas malas ko ngayon?!'

"Hoy panget! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Nagusot pa tuloy yung uniporme ko!" Sigaw sakin nung lalaking nakabanggaan ko. Kinapa ko naman sa sahig yung salamin ko.

"Panget! Wala ka man lang bang sasabihin?!" Dagdag pa niya ngunit di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng salamin ko. Kumapa kapag ako sa tiles sheeeet lang, ang labo ng mata ko.

~*CRAAAACKK*~
*A/N: Wag ka, tunog yan ng nabasag na bagay v^_^v*

'Wag mong sabihing salamin ko yun?!'

"Oh ano pang hinahanap mo panget?! Sinira ko na yung walang kwenta mong salamin! Wag kanang kumapa-kapa dyan, mas nagmumukha kang timang! Bwahahahaha!" Saad niya at inis naman akong tumayo at hinarap siya. Kahit malabo ang paningin ko ay kita ko pa naman siya--sila. Ahh, may kasama ka pa palang dalawa ah.

"Wala ka na bang sasabihin?"
Walang ganang sagot ko.

"A-anong? Di mo ba ako-- kami nakikilala?! Ako lang naman si Renz Craven Perez at apo ng Dean dito! Siya naman si Timothy Bryan Fernandez, ang mga magulang niya ay isa sa pinakabigating stakeholder dito sa skwelahang ito---" turo niya sa lalaking nasa kaliwa niya. Matangkad, matangos ang ilong, may itsura at halatang mayaman dahil sa kulay ng balat. "at siya si Louie Emiel Hidalgo gaya ng mga magulang ni Timothy ay bigating stakeholder din ang mga magulang niya dito sa school!" Baling niya naman sa lalaking nasa kanan niya. Matangkad rin, matangos rin ang ilong, singkit ang mga mata at maputi rin. Halatang mayayaman.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now