Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD I

209 7 3
                                    

 Title: Mr. Torpe

Crush: Justin Dale/JD

Part I

Sino pang gusto ng laughtrip? Wahahahahaha. May naalala lang ako.

Itong susunod ko namang crush.. Sa kanya ako una at huling na-link nung highschool na walang issue. Kung may issue man, sa nanay ko na yun. Hahahaha

Ang susunod kong crush ay walang iba kundi si.. Justin Dale. JD na lang ang itawag natin sa kanya. Ang haba kasi masyado ng Justin Dale e. @Jexae Deme. Pahiram ng name ni JD mo. Waha

Si JD.. Sya yung isa sa dalawang lalakeng kinakiligan ko ng bengga nung ako ay nagdadalaga pa lamang. K. Hindi gaya ng bestfriend nyang si Harold (Oo. Mag-best friend nga ang dalawa.), hindi ko kaklase si JD mula first year. Kasi po nag-transfer sya sa school namin nung second year na kami.

Bale ganito yung kwento..

Transferee si JD mula sa isa pang school. Syempre. San pa ba dapat sya galing? Tapos ayun.

Nung lumipat si JD sa school namin, syempre. Windang na naman ang lupon ni Eba. E kasi naman. May bagong mukha. Ito di ko talaga itatanggi. Pogi si JD. Moreno. Chinito. Tama lang ang height. Magaling tumugtog ng gitara. Matalino sa MATH. (Kailangang bigyang ng emphasis ang MATH kasi turn on yan sa akin. Hahahahaha). At hindi mahilig sa computer games!

Grabe. Siguro, sa lahat ng naging kaklase ko nung hs sa kanya lang ako kinilig ng bongga. He was too good to be true. Ang bait-bait nya. Hindi sya kagaya ng grupo ng hudas na si Harold na puro kalokohan ang alam. Kung ako ang titingin, perfect sya. Bagay nga kami e. Hahahahaha. Joke lang yung bagay kami. Pero yung perfect part? Malapit na sya dun e. Feeling ko lang talaga. Ang tahimik lang nya. Iba talaga sya sa mga kaklase kong lalake. Kaya nga masarap magka-crush sa kanya. Minamanyak na sya ng mga kaklase kong babae, hindi nya pa alam. Masyado kasing inosente! Hahahahaha

Nung panahon ng kasikatan. Syempre. Kinikilig din ako. Pareho kaming Monday cleaner. Kaya naman motivated ako lagi na mag-linis twing Lunes. Kahit na mahapunan pa na umuwi, basta makapaglinis lang kasama si JD. Okay na akooooooooooooo! Sabi naman kasi sa inyo mababaw akong gurlaloo. Hahahaha

Nung nasa point na ako na malapit ko na talagang sabihin na.. ‘Crush ko na si JD.’ Saka naman nabulgar kung sino ang tunay nyang tinatangi sa aming mga babae sa II- A. Si Jenny. Yung kaklase namin na ubod ng ganda. Walang sarcasm yung description ko a. Baka masamain nyo. Hahahahaha. Maganda talaga si Jenny. Sa sobrang ganda nga nya sinumpa ko na sya e. Hahahaha. JK! Syempre hindi. Alam ko naman na wala akong panama sa kagandahan nya kaya naman ako na lang ang lumayo. Since unreachable naman si JD, edi ako na lang ang lalayo. Ganun naman lagi e. Si Nacha na mapagkumbaba. Si Nacha na mapagparaya. Si Nacha na maganda? Oo na. Ako naaaaaaaa =)

At yun na nga. Naglie-low na ako sa pagnanasa ko kay JD. Hanggang sa nakalimutan ko sya. Hindi naman naging sila ni Jenny kasi nga itong si JD pala e saksakan ng TORPE.

Nung nag third year kami, magkaklase pa rin kami. Gaya ng nakalipas na school year.. Hindi kami nagpapansinan. Hindi kasi ako mahilig makipag-usap sa mga lalake. Ayaw rin nila sa akin kasi nga meldy ako. Mga nakakausap ko lang mga beki kasi nga pare-pareho kami ng mga bituka. Haha

The CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon