Tahimik lang kame sa byahe ni Black siguro naiilang din sya sa sinabi ng mommy nya.

"Ipamigay mo na lang sa kanila yung niluto ni mommy, para hindi naman masayang pag tinapon mo lang"

Napatingin naman ako sa mga street children na kumakatok sa bintana ng kotse ni Black.

"Uhhhm... Pwede bang pera na lang bigay ko sa kanila? Akin kasi yun eh.  Sa akin binigay ng mommy mo"

Mukang nagulat naman sya sa sinabi ko dahil kitang kita sa naka nganga nyang bibig na animo hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Wala na si mommy kaya wag ka na mag panggap na gusto mo ang mga niluto nya" malamig nyang sabi

"Ang kapal ng muka mo!!! Gusto ko talaga ang luto ng mama mo! Hindi ako nag sisinunhaling o nag papanggap!! Wag mo nga akong itulad sayo sa sinungaling at mapag panggap!"

"Kailan ako nag sinungaling at nag panggap sayo?"

"Nung ano... Nung.. Dati!!.. Doon sa ano!" Ugh!! Bakit nya  ba binabalikan pa yung araw na yun!!!!

"Ano?" Humarap sya sa akin, lintek!!! Mag green light ka na plsss!!

"Basta noon!... Wag ka na nga tumingin sa akin! Go na ohh!"

"Hindi ako mag ddrive kung hindi mo sasabihin!"

Busina na ng busina ang mga nasa likuran namin. Ugh!!!! Hindi talaga din sya gumagalaw!

"Nungnasamalltayotaposhinawakanmokamaykotapospagdatingnatinsarestaurantbiglamongbinitawankamaykotaposhindimonaakopinapansin"

"Huh? Ulitin mo.. Yung maiintindihan ko" salamat naman at nag drive na sya ulit dahil mukang susugurin na kame ng mga nasa likod namin

"Wag kang ano alam kong naintindihan mo ang sinabi ko!"

"Hahaha" tumawa sya????? Quing ina bess!!!! Kung gwapo sya pag naka poker face mas gwapo sya pag ngumiti lalo na pag tumatawa!!

"May nakakatawa?!" Baliw na ata to eh!

"Oo.. Ikaw.." Nung nahimasmasan na sya ay kinuha nya ang mga paperbag sa backseat at inabot na sa akin.

Sa sobrang amaze ko sa pag tawa hindi ko napansing nandito na pala kame sa tapat ng bahay.

"Thanks.."

Wha-what just happened? Yung palabas na sana ako sa kotse nya, pero he pull me back palapit sa kanya and give me a kiss!!!!?

"Take care.. And stay away from Blake! Thats an order.." Pagkatapos nya ako halikan humarap sya sa manibela nya.

Habang ako ito mukang tanga sa pagka bigla ng ginawa nya! Sino ba namabg hindi!!? Bigla bigla ka hahalikan! Tapos first kiss mo pa!

"Hindi ka na ba bababa? Bumababa ka na"

"Atat ka ba?! Tsaka sino ka sa akala mo para utusan ako?! Hindi ako iiwas kay Blake!" Pang aasar ko. Kasi naman eh kung pababain nya ako parang walang nangyari kanina! Baliw talaga to eh!! Bipolar ang pucha!

"Wag mo akong gagalitin.."

"Hindi naman kita ginagalit ahh! Tsaka ano bang pake mo kung di ko sya iiwasan?! Bakit mo ako pinapalayo sa kanya?! Siguro???... Nag seselos ka nu???! Hahahaha nag seselos ka!!!"

"Oo nag sesslos ako kaya iwasan mo sya"

"Ha-? Wha-what??? Ano bang problema mo?! Bakit ang straight forward mo masyado!!!!"

"Basta iwasan mo sya. Dahil ang akin ay akin lang"

"Kailan naman ako naging sayo aber??? Hmmm?!"

"Simula nung pumayag kang maikasal sa akin.. Akin ka na kaya dapat sundin mo ako"

"Hindi mo ako aso!" Lumabas na ako after that, nakakainis na kasi eh! Buti na lang hindi nya ako hinabol kasi baka makita ako ng mga tao sa bahay. Patay nanaman ako neto.

"Saan ka galing?"

"Dyan lang kuya.."

"Sino yung nag hatid sayo? Si Black ba yun?" Nakatingin sa mata kong sabi ni kuya King "iwasan mo yang Black na yan Princess!"

"Pano ko gagawin yun?! Kung ikakasal kame pagka graduate ko?!"

"Gustong gusto mo din eh! At talagang pagka graduate mo agad?! Ganyan ka kaatat sa kanya?!"

"Kuya hindi.... Sila may gusto nun.."

"Ginusto mo din yun?!" Galit na galit ang buong pagka tao ni kuya King

"King... Tama na yan.. Wala kang mapapala dyaan, hayaan mo na sya.. Mag pahinga ka na" kalmado at mukang walang pakielam na sabi ni daddy

Lalapitan ko sana si daddy para mag mano pero wala pa man ay iniwasan na nya ako. Wala akong magawa kung hindi ang mapayuko na lang at pigilan ang sakit.

Wala naman akong ibang intensyon kundi ang tulungan sila ehh. Di ko to ginusto, but this is the only way out.

"I miss you po daddy" bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan pa rin ang pag tulo ng mga luha sa mga mata ko.

"Bawiin mo Princess ang pakikipag kasundo sa kanila.. Please" yinakap ako ni kuya, alam kong umiiyak sya dahil medyo basag ang boses nya.

"Kung pwede lang kuya... Kung pwede lang... Pero wala na ehh..."

Umalis na si kuya sa pagkakayakap sa akin at umakyat na lang sa kwrto nya.

Tumingin ako sa garden dahil pakiramdam ko ay may tao doon.

Hindi nga ako nag kakamali. Nanduon pala pumunta si daddy. Nakatayo at naka tingin sa langit.

May iniisip kaya sya? Sana lang hindi sya masyado mag isip kung ano ano kasi makakasama yun sa kanya.

Nilagay ko sa ref ang mga pagkaing dala ko, matapos nun ay umakyat na rin ako sa kwarto ko para mag linis ng katawan at nang makapag pahinga na lang din.

Grabe! What a day.. Matatapos din to lahat!!! May magandang mangyayari din. Matatanggap din nila daddy ang ginawa ko.

Muka namang mabait ang pamilya ni Mr.Smith ehh. Mukang front lang nila ang pagiging matapang, maangas, nakakatakot at walang awa.

Sa iilang beses ko sila nakasama... Maganda naman abg pikikitungo nila. Maayos naman ang pag trato sa akin.

Mas mainam siguro kung kilalanin ko muna sila. Baka sakali matanggap din ni daddy ang ginawa ko kung mapatunayan kong mabubuti naman silang tao.

The DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon