Chapter 1: Decision

136 11 14
                                    

"Mom. My decision is final." I gritted my teeth when I saw her tears.

"Eliana, hayaan mo na siya. Ayan ang gusto ng anak mo. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang ideyang iyan." Huminga ako nang malalim nang marinig ang sinabi ni dad.

"No Grey! Bakit ganoon kadaling payagan ang anak mo? Hindi pwede! Masyado pa siyang bata!" Si mom.

"Hindi na ako bata mom! 19 years old na ako!" Medyo napataas na ang boses ko. Paano ko ba mapapaliwanag ito kung hindi nila ako pinakikinggan?

Bago ko palang sabihin sakanila ay alam ko nang mahihirapan akong ipaliwanag ito.

"Look? Umaasta na siyang akala mo ay kaya na niyang tumayo sa sariling mga paa! Umaasta na parang hindi na niya tayo kailangan. Kaya mo na bang pag-aralin ang sarili mo? Di ka pa nga nakakapag-tapos ng kolehiyo!" Kasabay ng pag sabi ni dad ay ang pag-lipad ng puting kurtina galing sa veranda ng office niya.

Tumayo ang balahibo ko dahil sa lamig ng preskong hangin. Huminga ulit ako ng malalim.

"Celline..." Pinapatigil na ako ni mom sa gustong kong gawin. Umiling ako. Lumapit si mom kay dad at hinawakan sa braso para pakalmahin.

"Mom, Dad. Wala akong masamang intensyon dito. Hindi ko to gustong gawin na dahilan ay hindi ko na kayo kailangan! I want to be independent! Gusto kong maranasan ang mag-isa!" Sabi ko habang hinihilot ni dad ang kanyang sentido.

"Gusto mong mag hirap? Ano pang meron tayo niyan..." inilahad ni dad ang kanyang kamay sa labas ng veranda kung nasaan ang ekta ektarya naming lupain. "... na pinaghirapan ng pamilya natin para lamang mamuhay ng marangya?"

Umigting ang bagang ko sa sinabi niya. Yes. We have everything. I have a great family. Ang ekta ektaryang lupain ay namana ni dad sa aking lolo.

Kilala ang pamilyang Jaime dahil sa mga negosyo at sa laki ng aming lupain. Pati ang aming sariling kompanya na ang mga produkto ay galing sa aming farm.

"That's not my point, dad! All the years na nakasama ko kaya ay naging marangya ang aking pamumuhay. Masaya kasi hindi mahirap. I want to learn new things. Mag aaral ako sa Maynila at titira don mag isa! Gagamitin ko ang sarili kong pera. Mamumuhay ako mag isa." Sabi ko na ikinatigil nila. Gulat nila akong tinignan. Parang may nasabi akong kakaiba sa kanilang pandinig.

"Ayaw mong makinig sa amin. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Hahayaan kita. Huwag ka lang luluhod sa akin dahil sa nahihirapan ka na." Napayuko ako sa sinabi ni Dad.

Wala na akong pag-asang umurong dito. Nasabi ko na sakanila ang gusto ko. At nasabi narin ni Dad iyan.

"Grey!" Pumiyok ang boses ni Mom, pinipigilan si Dad. Tumingin muli ako sakanila.

"Sana po maintindihan niyo ako." Yumuko muli ako at saka nag-lakad palabas ng office ni dad. Naririnig ko tawag ni mom sa akin pero hindi ko na sila nilingon at dirediretsong lumabas.

"Matigas ang ulo ng anak mo Eliana. Hayaan mo siya..." Ayan ang huli kong narinig kay dad bago ako tuluyang makalabas. I sighed.

Nang naisarado ko na ang pinto ay mabilis ako pumasok sa kwarto ko para ayusin ang aking mga gamit. Nilagay ko ang aking nga damit sa malaki kong maleta at nilagay ko ang lahat ng mga kailangan kong gamit.

Sana maintindihan nila ako. I want this. Gusto kong matutong tumayo sa aking sariling mga paa at mamuhay ng simple on my own. I want to learn and experience new things. I'm just 19 years para matuklasan ang mga iyon.

Pero sa tingin ko ay ito ang bagay na maari kong gawin. Nineteen years kong naranasan ang marangyang buhay. I'm going to leave this life and I'll start as a simple.

Kinabukasan ay pinatawag daw akong muli di dad sa kanyang opisina. Humihikab pa akong nakaupo sa sofa habang nag hihintay. Ano ba ang sadya ni dad?

Sumibol muli ang malamig na hangin mula sa veranda. Lumapit ako doon at lumabas. Sinalubong ko ang preskong hangin. Walang wala ang aircon ni dad sa opisina niya.

Natatanaw ko ang mga hardinero at ang mga nangangalaga sa aming lupain. All of that farmers has a simple life too. Nakikita ko ang nga batang nagtatakbuhan habang ang kanilang mga magulang ay nag tratrabaho. Napangiti ako roon.

Not that ayoko nang mamuhay sa ganito. Pero sa kabilang banda mahirap. Maraming bawal. May mga bagay na hindi mo pwedeng gawin. Sa kadahilanang dakila nga ang aming pamilya ay hindi pwedeng gawin para lamang hindi sumira sa pangalan.

Huminga muli akong malalim. Paano nalang? Paano nalang kung wala na si mom at dad? Paano akong buong buhay ko ay nakadepende ako sakanila? Right? Walang iba kundi hayaan ang sarili kong matutong tumayo on my own.

Halos mapatalon ako nang marinig ang pagbukas ng glass door mula sa veranda. Nakita ko si dad roon na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"You're tito Jorge has a condo in Manila. You can stay there. I've already called him---" Umiling ako kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Dad it's okay. Doon ako mag aaral at titira ako sa dormitory. On my own." Diniinan ko ang pagkakasabi sa huling pangungusap. Napangiwi si dad roon.

"Kailan ang balak mo?" Si dad. Umaliwalas ang mukha ko nang marinig yon. "Your mom and I talked last night. Hahayaan ka namin sa gusto mo. 'Cuz you think you can. Hindi ka namin papakialaman doon." Dagdag niya.

"Yes dad. I'll make sure you that I'll be fine." Sabi ko. So this is it.

The other day ay pumunta ako sa school para kuhanin ang files ko para makalipat ng eskwelahan sa Manila. Halata sa mukha ng dean namin ang pagtataka. Pero wala siyang ibang sinabi at binigay na lamang mga dokumento ko.

Hindi naman ako magtatakang magugulat ito dahil simula nang bata pa ako ay dito na ako sa Cebu nag-aral. At magtataka rin ito dahil narito ang aking mga magulang sa Cebu para lumipat ng Manila.

Kinuha ng isa sa mga katulong namin ang aking maleta at ibinaba na. Inilibot ko sa huling pagkakataon ang aking kwarto. Ang mga palamuti at picture frames lang ang iniwan ko rito. The rest ay dinala ko ang mga importante kong gamit. Pumikit ako at sinabing...

"Babalik rin ako..."

Bumaba na ako at nilagay sa aking likuran ang maliit na backpack kung saan nakalagay ang aking cellphone,wallet,ipad,make ups at kung ano-ano pa.

Lumapit ako sa aming van na gagamitin upang ihatid ako sa airport. Nakita ko si mom doon sa gilid at si dad naman ay naroon sa bukana ng aming malaking pintuan.

Paglapit ko sa van ay niyakap ako ni mom ng mahigpit.

"Mag-iingat ka Celline... mag text ka." Tumango ako at hinagod ang likod niya. Nang humiwalay ako ay tinignan ko si dad.

"You can go now..." Napayuko ako sa sinabi niya.

Pumasok na ako sa van at hindi na sila muling nilingon nang umandar dahil tumulo ang luha ko. Pinunasan ko iyon agad. Nandito na to. Hindi na ako uurong pa. Goodbye Cebu. I'll be back soon.

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon