Chapter 2: First Experience

95 9 18
                                    

Celline's PoV

Pagkarating ko ng Manila at lumapag na ang eroplano ay tumakbo na ako palabas. Nakita ko kasi si Mang Jose, ang guard ni tito na mukhang susunduin ako. Iniba ko ang daanan ko para hindi ako makita. Nang makalayo na ako ay doon lang ako nakahinga ng maayos.

Sinasabi ko na nga ba eh! Talagang ipapasundo ako ng magaling kong ina!

Pumara ako ng taxi at sinabing sa malapit na mall ako ipunta. Mag wiwidraw ako dahil wala akong saktong pera. May natanggap akong text habang tulalang tinitignan ang traffic.

Marice:

Asan ka na? Puntahan mo ako sa bahay namin. Isesend ko sayo ang adress.

Ako:

Nakarating na ako ng Manila... Salamat...

Ibinalik kong muli ang tingin sa labas. Matagal na rin nang huli akong pumunta rito para bisitahin ang aking tiyuhin, ang nag-iisang kapatid ni dad. Siya ang humahawak ng negosyo rito sa Maynila habang si daddy naman ay sa Cebu.

Si Marice ay ang anak ng kasambahay nila Tito Jorge sa mansyon. Naging kaibigan ko siya noong nag bakasyon ako rito.

Sakaniya ako humingi ng tulong para sa plano kong ito. Mga tatlong araw bago ako makapunta ng Manila. Mangiyak-ngiyak siya noong hiningi ko ang tulong niya.

"Marice, pwede ba akong himingi ng tulong sayo?" Tinawagan ko siya isang gabi.

(Ha? Teka lang Ma! Ano yon? Baka naman di ko afford yang hinihingi mo ah? Alam mo namang--)

"Hindi. Kasi ano... gusto kong mag-aral diyan. Pwede mo ba akong hanapan ng eskwelahan? Yung public school lang. Tapos hanapan mo rin ako ng matitirhan."

(Huh? Bakit? Lilipat ka dito? Edi sa eskwelahan nalang ng pinsan mo. Atsaka bakit kailangan mo pang mag hanap ng matitirhan? Eh may mansyon naman kayo dito.)

"Hindi. Ako lang. Titira ako mag-isa. Sa dorm? Meron ba diyan?"

(Maglalayas ka ba?) Pagulat niyang sinabi.

"Hindi!"

(Marice! Halika na!) Si Manang Kristel. Ang kanyang ina.

(Ma teka nga lang! Sunod na lang ako! Kausap ko si--) Pinutol ko siya.

"Sssshhhhhh! Wag mo muna sasabihin!" Taranta kong sabi.

(Huh?)

"Basta wag mo sasabihin sa atin nalang muna to!

(O-okay..)

"Baka kasi malaman ni tito eh. Ayoko kasing malaman nila kung saan ako mag s-stay."

(Hala! Paano yun?)

"Ikwento ko nalang sayo pag dating! Sigurado akong alam na ni Tito Jorge na lilipat na ako diyan dahil sinabi na nila dad yan sakanya. Basta hanapan mo nalang ako ha? Pleeaaseee!!!!" Nanunuyo kong sinabi.

(Ahhh---ehhhh.. O sige! Basta ipaliwanag mo ha! Mayayari ako niyan eh! Sakin ka pa talaga lumapit sa ganyan? Walanjo!) Naiiyak na siya sa taranta.

"Ako bahala. Sige babye na. Aasahan ko yan ha. Salamat!" Pinatay ko na at hindi na ako nag hintay ng sasabihin niya.

Syempre mahirap iyon. Lalo na't paano kung malaman nila tito na sakanya ako humingi ng tulong, mayayari siya. Mahirap pa naman mag tago sakanilang amo. Hindi ko naman hahayaan sakanila yon.

Ayoko lang naman na malaman nila kung nasaan ako. Sigurado kasi akong papabantayan ako nila mom. Hindi parin malaya. Hays.

Nang makarating ako sa mall ay nag hanap ako kaagad ng ma wiwidrawhan. Nang makakita ay chineck ko ang aking balance. Nanlaki ang mata ko. P50,000 ang laman. Paano nangyari yon? Ang naalala kong balance nito ay nasa P20,000 lang ang nadito galing sa aking ipon.

Nasapo ko ang aking noo nang may narealize. Kagagawan ito ng aking ina. Malamang at nilagyan niya ito kaya naging ganito ang laman. Anong gagawin ko dito? Ugh! Tinignan ko ang aking cellphone at nakita ang mensahe ni mom doon.

Mommy:

Celline... Naghulog ako sa account mo.

Mommy:

Please anak.. Doon ka na sa tito mo.

Hindi ako nag reply. I can't believe mom. Alam kong mula pa noon ay spoiled na ako sakanya but.. ugh! I don't need all of this. Mas mabuting ibalik ito sakanya.

Kumalam ang aking sikmura kaya matapos akong mag widraw ay pinili kong kumain sa isang fastfood. Nilalantakan ko ang pagkain ko nang may lumapit sa akin. Napatingin ako sa babaeng lumapit.

"Ate? Pwede mag pa picture?" Napakunot ang noo ko. Bakit? Artista ba ako? Ngumiti ako ng hilaw.

"Ahh. Why?" Parang ang rude naman ng tanong ko sakanya dahil nawala yung ngiti niya...

"Diba ikaw yung anak ng tagapagmana na si Mr. Griyego Jaime? Celline Jaime, rayt? Nakilala kita sa magazine." Ngumiti siya na parang ipinagmamalaki pang alam niya iyon. Napatanga ako.

Ganon na lang ba kasikat ang pamilya ko para magkaroon pa ng sariling magazine? What do I expect? Ang ikinagugulat ko lang ay bakit mayroon pang eksenang ganito? Ang akala ko noon ay family picture lang ang naganap noon sa bahay. Magazine pala.

Malay ko ba? Wala naman akong pake sa ganyan. Tsss.

"Uh, Sure." Tumango ako. Pilit na ngiti ang pinakita ko nang nakadalawng click siya sa kanyang camera.

"Thank you po! Ang bait niyo na nga ang ganda niyo pa!" Saka siya umalis. What the hell? I can't believe this! Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na.

Hindi ko alam kung marami bang nakakakilala sa akin rito? Isang malaking halimbawa na iyong kanina.

Omg! Paano ang buhay ko rito? Am I still princess here like in Cebu? No way!

***********************

Sinabi ko agad sa driver ng taxi kung saan ang address nina Marice na sinend niya sa akin kanina. Nakita ko na sa bandang Caloocan ang lugar nila.

"Magkano po?" Tanong ko nang makarating kami matapos ang medyo matagal na byahe. Kinukuha ko yung wallet sa bag.

"Two thousand po Ma'am." Napakunot ako sa sinabi niya at napatigil sa kahahalukay sa bag.

"Ano kuya? Bakit ang mahal naman?" Tanong ko.

Nakita ko kasi sa wallet kong 5k lang ang laman. Bakit naman kasi nag taxi pa ako kung ganon rin naman pala ka mahal?

"Opo Ma'am. Malayo kasi." Hindi ako matingnan ng driver. Sinusuri ko siya. Bakit parang nababalisa siya?

"Malyo nga kuya. Pero hindi naman dalawang libo ang nasa metro mo." Sagot ko. Eh 400 lang mahigit ang nasa metro niya paanong naging dalawang libo? Kahit naman na mayaman ako hindi ibig sabihin na hindi ko alam ang mga bagay na to. Nakasakay na ako ng taxi no.

Mamumuhay na ako ngayon mag-isa. Kailangang mag tipid. Hindi ako sinagot ng manong.

"Kuya okay lang ho ba kayo?" Tinanong ko talaga siya kasi baka kung ano na talagang nangyayari .

"O-o!" Nakasimangot siya nang sagutin yon at napataas ang tono ng boses niya. May kinalikot siya sa harapan ng kotse at nanlaki ang mata ko pag harap niya. Napaatras akong bahagya.

"Ku-ku-kuya!" Inabot ko sakanya yung dalawang libo saka agad lumabas. Tumakbo ako. Hindi ko na alam kung saan na ba ako nakapunta. Hingal akong napatigil dahil hindi na ako makakuha ng hangin. Huminga ako ng malalim. Shit! Ang layo ba naman ng tinakbo ko. Natakot ako sa driver!

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon